Part 39

7.5K 239 19
                                    

She smiled and let herself go. Hindi na niya pinigilan ang sarili niya. Ikinawit na niya ang mga kamay niya sa batok nito. Marko's eyes glittered in delight at what she did. "Ang ganda ng mga mata mo, Marko. Kapag tumitingin ako diyan, malawak na karagatan ang nakikita ko. I always see a deep, blue, calm sea. Sa mga mata mo, naaalala ko lagi ang malawak na karagatan ng Catalina," aniya rito. Sa wakas ay nasabi na rin niya ang bagay na iyon. Matagal na kasi niyang gustong purihin ang asul na mga mata nito.

"Thank you," anito bago hinagkan ang tungki ng kanyang ilong. "I love you, Angela, I really do."

"I love you, too."

"Thank God!" bulalas nito bago muling inangkin ang kanyang mga labi. Sa pagkakataong iyon ay mas malalim at mas mapusok na ang halik na pinagsaluhan nila.

Marko's hand began to roam inside her shirt. Napaungol siya nang maramdaman niya ang paghaplos nito sa kanyang tiyan. Pagkatapos ay unti-unting tumaas iyon sa kanyang dibdib. Ipinatong nito ang palad nito sa ibabaw ng kanyang bra ngunit tila hindi ito nakontento na may maliit na telang nakatabing doon kaya mabilis na tinanggal nito ang hugpungan niyon. She gasped when finally his hand was on her breast, caressing and making little light circles around. Her body responded and her peaks grew hard.

"M-Marko..." ungol niya sa ginagawa nito. She wanted to stop him but at the same time she liked what he was doing. Yes, she had been in relationships before pero hindi niya pinayagan ang mga lalaking iyon na gawin sa kanya ang ginagawa ngayon ni Marko.

Once again, Marko claimed her lips as his hands remained busy caressing, touching, and branding her as his.

"Aw!" bulalas ni Marko nang walang ano-ano ay may bunga ng santol na nahulog at tumama sa balikat nito. "Jesus! Pati ba naman ang santol na 'to, alagad din ni Brandon?" eksaheradong bulalas nito ngunit may ngiti naman sa mga labi. Napahalakhak tuloy siya nang hindi oras. Natutop niya ang kanyang bibig nang maalala niyang nasa cabin lang ang mga pinsan niya.

"Don't worry, bagsak na bagsak sila sa kalasingan," wika ni Marko bago marahang inayos ang kanyang damit. Pagkatapos niyon ay masuyo siya nitong hinalikan sa noo. The kiss made her feel so cherished.

"Uuwi na 'ko, Marko. Baka hinahanap na 'ko ni Mama," wika niya nang mailang sa paraan ng pagtitig nito sa kanya na para bang tumatagos na iyon hanggang sa pinakailalim na bahagi ng mga buto niya. Ramdam na ramdam niya iyon kahit na liwanag na lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw nila.

"I called her. Sinabi ko sa kanya na ako ang kasama mo at wala siyang dapat ipag-alala dahil iingatan kita. I think I won her trust."

Napangiti siya. "Kaya lalo mo 'kong dapat na iuwi na para hindi masira ang tiwalang iyon, Markopolo!"

He chuckled. "Right. Tara na," anito bago kinuha ang kamay niya at hawak-kamay nilang tinungo ang kinaroroonan ng kabayo niya. Marko drew her closer, then whispered in her ear. "Itanan na kaya kita ngayon, what do you think? Puwede ko namang paliparin ang chopper anytime."

"Don't do that kung gusto mo pang makatapak sa Catalina," natatawang sabi niya rito.

"What about tomorrow?"

"What about tomorrow?" balik-tanong niya rito.

"I mean, aamin ba tayo sa kanila na nagkakaunawaan na tayo? I can face each of them and assure them that I won't hurt you in any way."

Napangiti siya sa sinabi nitong iyon. Bigla rin niyang naalala ang sinabi sa kanya ni Alexander na ginawang pagpunta ni Marko para makipagduwelo sa kaibigan niya. Sinabi rin ni Alexander na natalo diumano ito sa bunong-braso kaya napilitan itong ituro kay Marko kung nasaan siya. Noong unang sabihin ni Alexander na natalo ito ni Marko sa bunong-braso ay hindi siya naniwala. Bata pa lang kasi si Alexander ay wala nang nagtatangkang lumaban dito pagdating sa bunong-braso dahil sa kakaibang lakas nito. Kahit nga ang matatanda ay kaya nitong talunin noon. Weird, pero iyon ang totoo. Kaya naman pinilit niya ang kaibigan na sabihin sa kanya ang totoo, hanggang sa mapaamin din niya ito. Sinadya ni Alexander na matalo ito. Ayon sa binata ay nakita diumano nito na malinis ang intensiyon sa kanya ni Marko kaya nito ginawa ang bagay na iyon.

Humarap siya rito. "Naniniwala naman ako na kaya mo silang harapin pero mas maganda kung sabay tayo na haharap, 'di ba?" nakangiting sabi niya rito bago tumiyad at dinampian ng halik ang pisngi nito.

Marko hugged her tenderly. "You've made me the happiest man on earth, honey."

"And you've made me the happiest woman on earth," she answered back.

It all felt so romantic, being under the full moon. Kaya pagdating nila sa burol ay bumaba sila ng kabayo at parehong nahiga sa damuhan. They watched the moon while exchanging funny anecdotes about their lives. And then Marko sat up and made her rest her head on his lap. He continued to make her laugh as he stroked her hair with his fingers. It was a memorable night for both of them. Kung sana lang ay hindi na matapos ang gabing iyon.


A Home In His Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon