"GOOD morning," masiglang salubong ni Angela kina Brandon, Dylan, at Marko. Naroon ang tatlong binata dahil ibinilin ng kanyang ina na doon mag-almusal ang tatlo. Alam na kasi ng mama niya ang tungkol sa kanila ni Marko dahil nasa sala ito nang maihatid siya ni Marko kagabi kaya kagabi rin mismo ay nagtapat na sila ni Marko dito. Hindi naman tumutol ang kanyang ina at tuwang-tuwa pa nga ito sa nalaman.
Una niyang hinalikan sa pisngi sina Brandon at Dylan. Pagkatapos ay nilapitan niya si Marko at dinampian din ng mabilis na halik ang pisngi nito. Kinuha niya ang kamay ni Marko at pinagsalikop ang mga kamay nila bago iyon ipinakita sa mga pinsan niya.
Literal na umawang ang mga labi ng dalawa bago nagpalitan ng tingin. Halos magluha naman ang mga mata niya sa kakatawa dahil doon.
"When? I mean, kailan pa naging kayo?" bulalas ni Dylan na naunang nakabawi sa pagkabigla.
"Kagabi lang," nakangiting sagot ni Marko rito.
"What? We were drunk last night!" Brandon exclaimed in disbelief.
"I wasn't," nakangiti pa ring sagot ni Marko.
"What do you mean you were not drunk? Jesus!" Napapalatak si Brandon nang maunawaan sa wakas ang nais ipakahulugan ni Marko. "Sinadya mong lasingin kami ni Dylan!"
"Yes. And it worked. Finally, nalusutan ko rin ang mga guwardiya sibil," tumatawang pag-amin ni Marko.
Sasagot pa sana sina Dylan at Brandon ngunit sumungaw na sa sala ang kanyang ina. Nagbigay-galang si Marko rito pagkatapos ay sabay-sabay na silang nagtungo sa hapag para mag-almusal.
"What happened, Brandon, hijo? I thought you were going to guard him kaya sa cabin mo siya pinatira?" nanunudyong tanong dito ng kanyang ina.
Kumamot sa ulo si Brandon bago sumagot. "He cheated, Tita. Nilasing kami ng lokong 'yan! Jesus! He acted last night like he was really drunk! He was such a good actor!"
Pulos halakhakan nila ang pumuno sa loob ng dining room. Bago magtapos ang almusal na iyon ay malinaw naman sa lahat na pabor din ang mga pinsan niya kay Marko kaya wala namang naging problema sa relasyon nila.
BINABASA MO ANG
A Home In His Arms (Completed)
RomancePHR Ang nobelang pinagmulan ng Story Of Us Trilogy at Valencia Series. :)
