CHAPTER TWO
TINITIGAN ni Angela ang pinto ng library na nasa harap niya. Natatakot siya. Ang sabi ng mama niya, maaaring mabago ang buhay nila sa sasabihin nito. What was it? May kinalaman kaya iyon sa bangungot niya? At bakit kailangang sa library pa?
She took a deep breath. Finally she found the courage to knock on the door.
"Come in," anang tinig mula sa loob ng library.
Dahan-dahang binuksan ni Angela ang pinto at nakita niya ang kanyang ina na nakatayo sa harap ng bintana. Matatanaw mula roon ang bughaw na karagatan ng Catalina. Kahit nakatalikod ang kanyang ina ay masasabi niyang malalim ang iniisip nito. Marahang isinara niya ang pinto. Nang humarap siya sa kanyang ina ay nakaharap na rin ito sa kanya. She could read anxiety in her mother's eyes.
"Good morning, Mama," aniya bago lumapit dito at hinagkan ang pisngi nito.
"Good morning, darling. Sit down, please. We need to talk."
Nagtataka man ay naupo na lang siya sa harap ng desk ng kanyang ina. Ilang sandaling tinitigan muna siya nito na para bang tinatantiya pa siya nito bago ito humugot ng malalim na hininga.
"I want you to listen carefully to everything I'm going to say." Tumayo ito at lumapit sa isa mga bookshelf na naroon. Nang tingnan niya iyon ay nakita niyang collection ng mga science fiction book ang naroon. Hindi niya hilig basahin ang ganoong genre kaya kahit kailan ay hindi niya nahawakan at nabuklat man lang ang mga librong iyon.
Inalis ng kanyang ina ang ilang libro na nakatayo roon. Then she touched the shelf and pressed down on something. Nanlaki ang kanyang mga mata nang dahan-dahang gumalaw iyon. Nahati iyon sa dalawang bahagi hanggang sa tuluyang lumantad kung ano ang nasa likuran niyon. Nakita niya ang isang pinto roon. Paanong hindi niya nalaman ang bagay na iyon gayong doon siya lumaki? Namamanghang sinundan niya ng tingin ang bawat galaw ng kanyang ina. Nang buksan nito ang pinto ay nahantad sa paningin niya ang laman niyon. Tila iyon isang secret vault. Pinindot ng kanyang ina ang mga kaukulang numero at wala pang isang segundo ay tumunog iyon at saka bumukas. May kinuha ito mula sa loob niyon na sa tingin niya ay isang envelope, a bulk envelope. Dinala nito iyon sa mesa.
"W-what is it, Mama?"
Binuksan nito ang envelope. Mula roon ay may inilabas itong mga litrato at iniabot sa kanya. Kinuha niya iyon. Hindi niya alam kung bakit biglang nanginig ang mga kamay niya nang mapasakamay na niya ang mga litrato. She glanced at the pictures. Nakita niya ang isang bata na nakadapa sa dalampasigan. Gula-gulanit ang suot nito at may mga galos sa katawan. Mahaba ang buhok nito, sunog ang balat sa sikat ng araw.
Biglang kumabog ang kanyang dibdib, na para bang masisira na ang rib cage niya sa sobrang lakas niyon. Nanlamig din siya o mas tamang sabihin na nangingilabot siya tanda ang nananayong mga balahibo niya sa katawan. Kahit kasi nakadapa ang batang nasa larawan ay parang kilala niya kung sino iyon.
She looked at her mother with questioning eyes. Naghahalo-halo ang mga katanungan sa kanyang isip ngunit hindi niya malaman kung alin ang uunahing itanong. Sumasakit na ang kanyang ulo sa dami niyon.
"T-that was the day that I found you," mayamaya ay mahinang bigkas nito.
Napatayo siya at parang napapasong nabitawan ang mga litrato. "F-found?! A-ano'ng ibig sabihin n'on, 'Ma?" natatakot na tanong niya, unti-unti na ring sumusungaw ang mga luha niya. "That was the day that I found you..." The word was "found" and she was not a first grader to not know what it meant.
Napailing siya habang walang tigil ang pagbalong ng mga luha niya. "No!" marahas na wika niya. Hindi niya kayang tanggapin na hindi siya tunay na anak ng kinikilala niyang ina.
Her mother reached for her hand. "Listen, Angela. Ikukuwento ko sa 'yo lahat..."
Pero nag-hysterical na siya. Binawi niya ang kamay mula sa pagkakahawak nito pagkatapos ay mariing itinakip iyon sa kanyang magkabilang tainga. Hindi niya gustong marinig ang ano mang sasabihin nito. No, hindi niya iyon kayang tanggapin. How could her mother tell her that she just found her? Naging mabuti naman siyang anak dito. Hindi siya naging sakit ng ulo at pulos karangalan ang ibinigay niya rito pero bakit bigla-bigla ay sasabihin nito sa kanya na natagpuan lamang diumano siya nito?
"A-Angela," anito. Maging ito ay umiiyak na rin.
"'M-Ma, don't do this to me," nagmamakaawang sabi niya rito habang nasa magkabilang tainga pa rin niya ang kanyang mga kamay. She was acting like a child all right, but what could she do? Ni hindi man lang siya nakakita ni katiting na palatandaan na wala palang dugong nag-uugnay sa kanilang dalawa. They had a perfect mother-daughter relationship.
Lumapit ito sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Ramdam na ramdam niya ang panginginig ng katawan nito katulad ng panginginig din ng katawan niya.
"Angela, hindi habang panahon, matatakasan at maitatago ko ang bagay na ito sa 'yo. Kung puwede lamang na ibaon ko na sa limot ang lahat ay ginawa ko na," tila nahihirapang wika nito.
Nang marinig niya iyon ay dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang mga kamay. "M-Mama..."
"I wasn't ready for this pero ito na ang tamang panahon para malaman mo ang lahat. Makakaya mo nang unawain ang lahat ng ito at marahil ay naririto rin ang kasagutan sa bangungot na gumugulo sa 'yo. Basta lagi mo lang tatandaan na hindi lang nasusukat ang pagiging mag-ina sa dugong nananalaytay sa mga ugat natin, nasa puso iyon, Angela. Para sa akin ay anak kita, walang makakapagpabago n'on." Pinunasan nito ang mga luha niya. "Walang magbabago sa pagitan nating dalawa, anak. Hahanapan lang natin ng kasagutan ang nakaraan mo, naiintindihan mo ba?"
She bit her lips, then nodded. Napakabilis ng mga pangyayari. Binangungot lang naman siya, pagkatapos ngayon ay malalaman niyang hindi pala siya tunay na anak ng babaeng kinikilala niyang ina. Gayunman, tama ito. hindi habang panahon ay matatakasan nila ang katotohanang iyon, lalo pa nga at minumulto na siya ng nakaraan.
Tumayo ito at lumabas ng library. Pagbalik nito ay may tangan na itong isang tray na naglalaman ng pitsel ng tubig at isang baso. Sinalinan nito ang baso at iniabot iyon sa kanya. Kinuha niya iyon. Inubos niya ang laman ng baso hanggang sa magluwag ang kanyang dibdib.
BINABASA MO ANG
A Home In His Arms (Completed)
Roman d'amourPHR Ang nobelang pinagmulan ng Story Of Us Trilogy at Valencia Series. :)