MARKO put his dark glasses on before climbing out of his car. Salamat sa kapatid niya dahil alam na niya kung saan niya maaaring matagpuan si Alexander. Marami kasi itong address noong mag-research siya sa Internet kaya hindi niya alam kung alin sa mga iyon ang dapat niyang puntahan.
Makikipagtuos siya rito ngayon. Naniniwala siya na si Angela ay ginawa ng Diyos para sa kanya. Handa siyang harapin si Alexander para patunayan dito na malinis ang intensiyon niya sa kaibigan nito.
However, facing Alexander Mondragon was not going to be that easy. Sa condominium lobby pa lang kasi ay hindi na siya makalusot sa guwardiya. Masyadong mahigpit ang security roon. Nag-alangan tuloy siya nang tumawag pa ito sa unit ng modelo at ipaalam na naroon siya.
Nang makatiyak siyang nakakonekta na ang telepono kay Alexander ay inagaw niya ang telepono mula sa guwardiya. "Don't be a coward, Mondragon. Come out and see me!" matigas na wika niya.
"Which Mondragon are you referring to? Alexander Mondragon or Vladimir Mondragon?"
Bigla siyang natilihan. The voice sounded really threatening. There was undeniable authority in it. He could almost imagine it belong to a serious man with eyebrows forming a straight line across his forehead, and thin rigid lips.
Ang sabi ni Hanna ay may kapatid daw si Alexander na sundalo. Kung ganoon pala ay dalawa ang haharapin niya ngayon. Sa halip na matakot ay tila lalo pang lumakas ang loob niya. "Both of you!" aniya.
"Well then, what are you waiting for? Come up here now," anito, pagkatapos ay nawala na ito sa kabilang linya.
Saglit lang ay nasa harap na siya ng unit ng magkapatid. He knocked on the door.
"Come in," anang tinig na nagmula sa loob.
Pinihit niya ang seradura ng pinto. Agad na bumulaga sa mga mata niya ang magkapatid na parehong nakaupo sa sofa na para bang hinihintay talaga ang pagdating niya.
So this is Vladimir Mondragon, huh, anang isip niya. Hindi maipagkakailang sundalo nga ito. At tama rin ang naiisip niyang hitsura nito. Para bang permanente na ang pagkakakunot ng noo nito. His lips were also thin and tightly compressed. Vladimir Mondragon's presence was so intimidating but he was not here to be intimidated.
Lumipat ang paningin niya kay Alexander. Katulad ng kapatid nito ay may kakaiba rin sa personalidad nito. They both looked tough.
Alexander gazed at him as if he was about to eat him alive. "What do you want? Bakit ka nandito?"
Tinanggal niya ang suot na shades at sinalubong niya ang mataman nitong tingin sa kanya. Alam niyang nahantad sa magkapatid ang black eye niya. Kung nagulat man ang mga ito ay naitago iyon ng dalawa dahil pormal na pormal pa rin ang mukha ng mga ito. Pero hindi niyon kayang alisin ang tapang na mayroon siya.
"Nandito ako para hamunin ka sa isang duwelo, Alexander. Maglaban tayo!" matapang na deklarasyon niya.
Amusement lit up Alexander's eyes. "Tumapak ka sa teritoryo ko para lang hamunin ako? Aren't you afraid na baka hindi ka na makalabas pa nang buhay rito?"
"Try me," paghahamon niya rito. "Look, narito ako para ipaalam sa inyong magkapatid na malinis ang intensiyon ko kay Angela. Bakit ako mag-aaksaya ng panahon na hingin ang approval n'yo gayong hindi naman kayo ang mga magulang ni Angela? Simple lang, pahahalagahan ko rin ang mga taong mahalaga sa babaeng mahal ko. I know your opinion matters to her."
"Very well said," maikling wika ni Alexander. Tumayo ito mula sa sofa at pagkatapos ay tinanggal nito ang mga laman ng center table. "Pabagsakin mo ako," anito bago ipinosisyon sa gitna ng mesa ang kanang braso nito at saka itinukod ang siko nito roon.
Was that it? Bunong-braso lang ang pagsubok na pagdadaanan niya sa kamay nito? Well then, he was up for the challenge.
"Call," aniya bago pumosisyon sa katapat nito.
Pero gusto yatang manghina ng loob niya nang humugis na ang muscles ni Alexander sa braso nito. He was modest enough to admit that Alexander was in better shape than he was. Isa pa, hindi siya sanay makipagbasag-ulo habang si Alexander ay mahahalata agad ang pagiging street-smart. Gayunman, hindi siya magpapatalo rito. Gagawin niya ang lahat manalo lang dito.
Pinagsalikop na nila ang kanilang mga kamay. He felt the pressure of Alexander's tight fist. Pakiramdam niya ay lalagutok na ang mga buto niya sa palad sa diin ng pagkakakapit doon ni Alexander.
"Ready?" nakangising tanong nito. Si Vladimir naman ay nananatili pa ring seryoso ang mukha bagaman nakatuon sa kanila ang paningin.
"Ready," sagot niya bago hinigpitan din ang hawak sa kamay nito.
"Ready," wika ni Alexander. "One, two... three!"
Agad na itinulak ni Marko ang kamay ni Alexander para maitumba ito ngunit hindi ganoon kadali iyon. Tila bakal ang braso nito na nananatili lang na nakatayo sa gitna ng mesa. Ni hindi man lang ito nagtatangkang itumba ang braso niya sa panig nito gayong kung tutuusin ay kayang-kaya nitong gawin iyon. Basta nilalabanan lang nito ang puwersa ng braso niya habang nakangisi sa kanya.
Malamig ang silid pero nagsisimula nang gitiwan ng pawis ang kanyang noo. Isa lang ang nasisiguro niya—hindi madaling talunin si Alexander. Alexander Mondragon knew his game and he enjoyed playing it. Gayunman, hindi siya basta-basta magpapatalo. Si Angela ang nakasalalay sa duwelong iyon. He was going to win it.
Unti-unti nang sinasakop ng pamamanhid ang braso niya pero hindi siya dapat panghinaan ng loob. Binawasan niya ng puwersa ang kanyang kamay pero siniguro niyang mararamdaman iyon ni Alexander. He acted like he was ready to lose. Hinahanapan lang niya ito ng katiting na butas at kapag nakita na niya iyon ay susunggaban niya iyon na parang isang leon na lalapa ng biktima.
It came. Naramdaman niya nang magbawas din ng puwersa si Alexander. He had become too confident. Iyon na ang pagkakataong hinihintay niya para talunin ito.
He summoned all his strength and then in one swift movement, he brought Alexander's hand down on the table. Then he won! Nanlaki ang mga mata ni Alexander. Shock was all over his face. Tumayo na siya mula sa pagkakaluhod sa carpeted floor at nakangiwing iniunat ang kanyang braso. Damn! It was so painful. Pero hindi na iyon mahalaga. Ang mahalaga ay one step closer na siya sa dalaga.
Tiningnan niya si Alexander na nakaluhod pa rin. "I won the battle, Alexander. Puwede ko na sigurong ligawan ang kaibigan mo?" Sinulyapan din niya si Vladimir. Hindi pa rin nagbabago ang hitsura nito, seryoso pa rin iyon. Nang tingnan siya nito ay kinibitan lang siya nito ng mga balikat. Gayunman, mababakas sa mga mata nito ang pagbabanta na kapag sinaktan niya ang dalaga ay dito siya mananagot.
To his delight, Alexander's face softened. "Nasa Catalina siya ngayon." Ibinigay nito sa kanya ang eksaktong lugar kung saan niya matatagpuan si Angela. Pagkatapos ay ito pa ang nag-abot ng kamay sa kanya para makipagkamay. "Good luck."
Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. Mariing ginagap nila ang kamay ng isa't isa. Alam niyang nakuha na niya ang tiwala nito.
"Thank you. Mauuna na 'ko," aniya kay Alexander, saka ito tinapik sa balikat. Tinanguan lang siya ni Vladimir nang tingnan niya ito. Natigilan siya nang nasa pintuan na siya. Mayroon pa pala siyang nakalimutan. Bumalik siya sa harap ni Alexander at walang sabi-sabing sinikmuraan niya ito.
"What the hell was that for?" salubong ang mga kilay na tanong ni Alexander habang sapo ang tiyan. Si Vladimir naman ay tila hindi natinag sa kinauupuan nito, ni hindi yata ito nabigla sa ginawa niya sa kapatid nito.
"Bayad mo sa black eye ko," nakangising sagot niya rito. Isinuot niya ang kanyang shades bago sisipol-sipol na naglakad papunta sa pinto. Pakiramdam niya ay lumulutang siya. Alam na niya kung saan matatagpuan si Angela. Mas mapapadali ang biyahe niya kung gagamit siya ng charter plane. Pero kailangan na muna niyang umuwi para makapaghanda.
BINABASA MO ANG
A Home In His Arms (Completed)
RomantizmPHR Ang nobelang pinagmulan ng Story Of Us Trilogy at Valencia Series. :)