Part 53

10.6K 219 71
                                    

I KNOW him, I know him... paulit-ulit na sabi ni Angela sa isip niya. Isa-isang nagsilitawan sa isip niya ang madidilim na bahagi ng kanyang nakaraan. Para iyong mga kislap ng liwanag na sumusulpot sa isip niya at pagkatapos ay agad ding mawawala.

Lalong sumakit ang ulo niya sa mga tila kidlat na liwanag na dumadagsa at agad ding nawawala. It frightened her, yet she took another glance at the picture on the floor. Hanggang sa sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya.

"No!" she cried out loud nang tuluyang manariwa sa kanyang isip ang alaala ng nakaraan. Ang ama ni Marko ay bahagi ng kanyang nakaraan!

Marahas na pinahid niya ang mga luha sa kanyang mga pisngi bago nagmamadaling nagbihis. Kailangan niyang makaalis agad sa pamamahay na iyon.

"Oh, God! No... No!" desperadong bulalas niya habang walang tigil sa pag-agos ang kanyang mga luha. Lumabas siya ng silid at nagtatakbo na siya palabas ng bahay. Kailangan niyang makaalis agad bago pa dumating si Marko. She didn't want to see him now.

Nakalabas siya ng bahay at dahil exclusive subdivision iyon ay tiyak niyang mahihirapan siyang makahanap ng sasakyan kaya tumakbo na lang siya nang tumakbo, na para bang hinahabol siya ng mga multo.

Hindi pa siya nakakalayo nang mapansin niyang masasalubong niya ang sasakyan ni Marko. Nanigas siya, lalo na nang tumigil ito ilang dipa ang layo sa kinatatayuan niya. Agad na nakababa ito ng sasakyan. Kitang-kita niya sa mukha nito ang pagkalito at pag-aalala.

"Angela! Honey, what's happening? Bakit ka umi—"

She turned before he could finish his sentence. Mabilis siyang tumakbo papalayo rito. Oh, God! Bakit?

"Angela!" sigaw ni Marko.

Nang lingunin niya ito ay nakita niyang hinahabol siya nito. Pero ibang mukha ang nakikita niya rito. Ang mukha ng ama nito ang nakikita niyang humahabol sa kanya. Katulad noon, lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo. Kailangan niyang makatakas. Pakiramdam niya ay kusang tumatakbo ang mga paa niya at hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng mga iyon. Basta ang alam lang niya ay kailangan niyang makatakas mula rito.

"Angela, watch out!" Marko cried out in fear.

Bago pa niya maintindihan ang lahat ay namalayan na lang niyang tumatawid na siya sa kalsada at sinasalubong na niya ang isang rumaragasang sasakyan. She froze. Bigla na lang nanigas ang katawan niya at hindi niya malaman kung ano ang gagawin. Masasagasaan siya pero namamanhid ang utak niya at hindi siya makagawa ng desisyon. Pumikit siya. Inaasahan niya ang sakit ng pagbangga ng matigas na bagay sa kanyang katawan. Pero bago pa niya iyon maramdaman, nagdilim na nang tuluyan ang kanyang paligid.

Guysss, complete na po ang story, ha. Kung Hindi mo mabasa ang kasunod na part, baka kasi hindi ka naka-FOLLOW sa akin. Kung naka-follow ka pero pero hindi mo pa rin makita ang kasunod, makakatulong kung aalisin mo muna sa library ang story, I -refresh ang wattpad, saka I-add uli ang story. :) thank you!

A Home In His Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon