Part 47

8.4K 234 0
                                    


Napabuntong-hininga si Angela bago siya tumagilid ng higa. Ano ba ang nararamdaman niya? Nagsisisi ba siya sa nangyari? No, of course not. She had given herself to the man she truly loved. Ginusto niya ang nangyari at wala siyang nararamdaman ni katiting na pagsisisi. Still, there was anxiety within her. Hindi niya alam kung bakit. Normal na pakiramdam lang naman siguro iyon ng babaeng kawawala pa lang ng pagkabirhen.

"I wish I could read your thoughts. Para alam ko kung ano ang iniisip mo ngayon," bulong ni Marko sa kanya.

Nanayo ang balahibo niya nang maramdaman ang pagtama ng hininga ni Marko sa kanyang pisngi. His voice was so low, so husky, sexy, and masculine.

Marahan siyang humarap dito. Para lang mamangha sa takot na nabanaag niya sa mga mata nito. Para saan ang takot na iyon?

"I'm afraid to lose you, Angela," anito na tila ba nabasa ang tumatakbo sa isip niya. Marahang hinaplos nito ang pisngi niya.

Napangiti siya. "How did you read my thoughts?"

He drew her closer, halos wala nang espasyo sa pagitan ng mga hubad nilang katawan. "Because, my love, we are one. Destiny has brought us together. We should stick together for the rest of our lives. Marry me, please. Marry me, Angela."

Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata sa sinabi nitong iyon. Sinalubong niya ang mga mata nito bago sumagot ng "No!"

Bigla itong namutla. Umawang din ang mga labi nito sa sobrang gulat sa naging sagot niya. Instantly, fear was in his eyes. And she could feel him grow tense, trembling. "A-Angela..."

Tuluyan nang naglandas ang mga luha niya sa kanyang mga pisngi. Gayunman, pumorma ang isang ngiti sa kanyang mga labi. Hinaplos niya ang natetensiyong mukha nito. Oh, how she loved to tease him. "Silly. Of course, I'll marry you," aniya at saka marahang dinampian ng halik ang mga labi nito.

Marko's face lit in happiness. Napawi ang takot at pagkabigla sa mga mata nito. Pagkatapos ay pumapalatak na hinuli nito ang mga kamay niya. "You scared the hell out of me. You have to pay for that terrifying moment. Humanda ka. Mahal akong maningil sa mga pautang ko," anito bago siya muling hinalikan.

"With interest?" humahagikgik na tanong niya.

"Double interest," sagot naman nito sa pagitan ng paghalik sa kanya. "Sisiguruhin ko na tutubo ako sa utang mo," wika nito. Pero bigla na lang itong tumigil sa ginagawang paghalik sa kanya. "Honey, may sasabihin ako sa 'yo. Tell me kung payag ka, ha?" Pinagsalikop nito ang mga kamay nila at saka iyon hinalikan.

Mataman siya nitong tiningnan. "I have this fear na hindi ko alam kung para saan. I fear I might lose you kung hindi pa ako gagawa ng paraan na matali tayo sa isa't isa."

"What is it, Markopolo? What do you want?" nag-aalalang tanong niya rito. Mababakas ang takot sa mga mata nito. She wondered if he could also read her like she could read him.

"I want us to get married now. May kilala akong judge sa Manila, puwede niya tayong ikasal. I promise na ibibigay ko pa rin sa 'yo ang enggrandeng kasal na pangarap ng bawat babae. Just give me this, honey, para matahimik ako. Magpa-civil wedding na tayo. I'll fly the chopper, then babalik din agad tayo rito sa Catalina. How does that sound?" Tila nagsusumamo ang mga mata nito.

"M-Marko..."

"Weird, pero ako ang natatakot na baka takasan mo ako at hindi mo 'ko pakasalan." Marko wanted to get married right away, but why?

"Hon, baka naman may tinatakasan ka lang na babae sa Manila at ako ang ginagamit mo ngayon para makatakas ka. Tell me, may nabuntis ka bang babae ro'n at ayaw mo sa kanya kaya mo 'ko minamadali ngayon na magpakasal?" pagbibiro niya sa kawalan ng masabi. Marko had caught her off guard. Siyempre gusto niyang makasal dito.

"Silly! Walang ibang babae sa buhay ko maliban sa 'yo, Angela. I have had girlfriends all right, pero lahat sila, nakaraan na." Bumuntong-hininga ito. "I want your answer now. Payag ka bang magpa-civil wedding na tayo?"

"M-Marko, hindi kaya nagmamadali ka sa pagpapasya? I mean, hindi pa natin masyadong kilala ang isa't isa—"

"We have a lifetime to get to know each other," putol nito sa sinasabi niya.

"Hindi mo pa nga ako tinatanong kung saan ko gustong tumira, kung dito ba sa Catalina o sa Manila. Narito ang buhay ko, samantalang ikaw, nasa Manila. You're asking me to marry you kahit na wala pa akong kilala ni isa sa mga kapamilya mo. You're making—"

"Sabihin mo lang kung ayaw mong magpakasal sa 'kin, Angela. Maraming dahilan kung ayaw, 'di ba? At maraming paraan kung gusto." Bigla na lang naging blangko ang ekspresyon ng mukha nito.

Bumaba na si Marko ng kama at nagtungo sa banyo. Hindi naman malaman ni Angela kung ano ang gagawin. Kung susuyuin ba niya ito o hindi. Halatang nagtatampo ito sa kanya dahil ayaw niyang pumayag agad na magpa-civil wedding na sila. Napabuntong-hininga siya. Nabigla lang naman siya pero ang totoo ay gusto rin niya ang ideya nito.

Wala pang dalawang minuto ay lumabas na uli ito ng banyo. Tumutulo ang tubig sa buong katawan na humarap ito sa kanya, uncaring for his nakedness. Gusto niyang alisin ang mga mata niya rito para hindi niya makita ang kahubdan nito pero hindi ganoon kadaling gawin iyon dahil talagang kaakit-akit ang katawan nito. Nakahahalinang pagmasdan ang kakisigan nito at hindi nakakasawang tingnan. And he must know what a great body he had to show it off.

"I'm sorry," mahinang wika nito bago iniumang ang kamay sa kanya. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa, inabot niya ang kamay nito at sa isang mabilis na kilos ay naitayo na agad siya nito at ikinulong siya sa mga bisig nito. "I got too excited about us. I'm sorry. Hindi ko inisip ang nararamdaman mo, naging makasarili ako. Masyado akong nagmadali na maging isang pamilya tayo at—"

She shut him up by kissing him. Pagkatapos ay sinalubong niya ang mga mata nito. "Payag ako sa gusto mong mangyari. Okay lang sa 'kin na magpakasal na tayo."

"Oh, honey! Are you sure?"

She just smiled at him wholeheartedly.

"Payag ka na, as in lilipad na tayo ngayon pa-Manila at magpapakasal?" kumikislap ang mga matang tanong nito.

Natawa siya nang malakas. "Oo nga, eh. Kaya pakawalan mo na 'ko nang makapagbihis na 'ko."

"Great!" Pinupog muna siya nito ng halik sa mukha bago siya pinakawalan.

Bago pa man siya makapasok sa banyo ay narinig na niya ang pakikipag-usap ni Marko sa telepono. Sa tingin niya ay si Hanna ang unang tinawagan nito. He was giving instructions to his sister about the rush civil wedding.

A Home In His Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon