Part 65

7.6K 199 11
                                    


HINDI makapaniwala si Angela sa mga papeles na ipinadala sa kanya ni Marko sa pamamagitan ng abogado nito. Annulment papers iyon mula kay Marko at pirmado na nito ang mga iyon. Gusto na nitong ipawalang-bisa ang kasal nila. Hindi niya namalayang tumutulo na pala ang mga luha niya. Pakiramdam niya ay pinipiga ang puso niya dahil sa mga iyon.

What's wrong, Angela? Hindi ba at 'yan din mismo ang gusto mong mangyari? Hindi ba at hiniling mo kay Alexander ang tungkol sa bagay na 'yan? anang isang bahagi ng kanyang isip. Isang buwan na ang nakararaan mula nang huling pumunta sa kanila ang pamilya ni Marko at mula noon ay hindi na uli ito nagpakita pa sa kanya.

Dapat ay masaya siya dahil tinigilan na siya nito, pero bakit ganoon? Bakit pakiramdam niya ay gustong-gusto na uli niya itong makita? Bakit napapapitlag siya tuwing tutunog ang cell phone niya sa pag-aasam na si Marko ang tumatawag? At bakit nasasaktan siya sa mga papeles na iyon? Na para bang kapag pinirmahan niya iyon ay tuluyan nang mapuputol ang ano mang bagay na nag-uugnay sa kanila ni Marko? Kinapa niya ang sariling damdamin. She sighed in relief nang wala na siyang makapang galit doon. Sa halip ay lungkot na lang ang naroon, lungkot na dulot ng nangyayari sa kanila ni Marko. And God, she still loved her husband. Mahal na mahal pa rin niya ito.

Napapitlag pa siya nang tumunog ang cell phone niya. Base sa pagkabog ng dibdib niya ay alam niyang si Marko ang tumatawag. She didn't know why she quickly pressed the answer button as if she had been waiting for the call all her life. Itinapat niya sa tainga niya ang kanyang cell phone pero hindi niya tinangkang magsalita man lang.

"Angela..."

Napapikit siya. Ah, how she missed him! Aaminin niya, iyon nga ang nararamdaman niya. Nami-miss na niya ang kanyang asawa. Sa balintataw niya ay malinaw niyang nakikita si Marko habang mataginting na tumatawa at habang nangungusap ng pagmamahal ang asul na mga mata nito. God! She really missed him!

"Angela, I know you're there. Naiintindihan ko kung ayaw mo pa akong kausapin. Don't worry. My business with you won't take much of your time, so, please do not hang up," anang paos na tinig nito.

Nag-alala siya nang mahimigan niya na tila ito may ubo o sipon. Gusto niyang sabihin dito na ayos na siya, na natagpuan na niya sa puso niya ang kapatawaran, na mahal na mahal pa rin niya ito, at tanggap niya ito kahit na sino pa ito. Pero hindi niya matagpuan ang boses niya.

"Angela, natanggap mo na ba ang annulment papers? Gusto ko sanang hingin ang kooperasyon mo sa bagay na 'yan para mapadali ang proseso. Kailangang mapawalang-bisa ang kasal at—"

Hindi na natapos ni Marko ang sasabihin pa nito dahil pinatay na niya ang kanyang cell phone. Hanggang sa mapagtanto na lang niyang hilam na ng mga luha ang kanyang mga mata. He had just called to ask for her cooperation on the annulment papers. Gusto nitong siguruhin ang kooperasyon niya nang sa gayon ay mapadali na ang paghihiwalay nila.

Napahagulhol siya sa isiping iyon. Pakiramdam niya ay pinira-piraso ang puso niya ng tawag na iyon. Kung kailan pa naman handa na siyang magpatawad. Ang akala niya ay magiging maayos na ang lahat, iyon pala ay lalong magiging komplikado ang lahat. Binitiwan na agad siya ni Marko. Kung ganoon pala ay napakababaw ng sinasabi nitong pagmamahal para sa kanya.

Mapait na ngumiti siya bago pinagpupunit ang mga papeles na iyon. Pagkatapos ay sumubsob siya sa unan niya at doon umiyak nang umiyak. Kaunting panahon lang naman ang hinihingi niya para matanggap ang lahat pero bakit sumuko kaagad si Marko? Bakit gusto na nitong makipaghiwalay sa kanya at putulin ang kasal na nagbibigkis sa kanilang dalawa? Iyon ba ang kabayaran sa kaunting oras na hinihingi niya?

Hanggang sa hilahin na lang siya ng antok dahil sa kakaiyak niya.

A Home In His Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon