Part 14

9.6K 272 6
                                    


CHAPTER FOUR

PINAG-IISIPAN ni Marko kung aayusin pa niya ang pagkakaparada ng sasakyan niya sa gilid ng mall. Sasaglit lang siya sa Ace hardware kaya sa gilid lang ng mall niya naisipang iparada ang kanyang sasakyan at hindi sa pay parking ng mall. Pero bigla siyang natigilan nang mapatingin siya sa rearview mirror ng kanyang sasakyan. Hindi siya maaaring magkamali sa nakita niya. Ang babaeng hinahanap niya at siyang nagpapagulo sa organisado niyang buhay ay ang babaeng nakita niyang sumakay ng jeep.

"It's her!" bulalas niya. Nagmamadali siyang bumaba ng kanyang kotse at sinigurong naka-lock iyon. Kaya pala sinipag siyang magsadya nang personal sa mall at hindi mag-utos sa isa sa mga tauhan niya. Iyon pala ay dahil makikita na uli niya ito.

This is destiny, really, nangingiting wika niya sa kanyang isip.

Tatawagan na lang niya si Hanna o kaya ay ang driver niya para kunin ang sasakyan niya. Nakahinga siya nang maluwag nang hindi pa rin umaalis ang jeep at nagtatawag pa ang barker. Isa na lang daw ang kulang at aalis na iyon.

Malalaki ang hakbang na nilapitan niya iyon, at halos takbuhin pa niya ang distansiya nang makita niyang may isang lalaki rin na naglalakad palapit sa jeep. Nakahinga siya nang maluwag nang maunahan niya ang lalaki.

Napapalatak pa siya nang makita niyang siksikan na sa loob ng jeep. He quickly scanned the faces of the passengers, looking for her. Pero hindi niya ito matagpuan. Nagkamali lang ba siya ng akala na nakita niya ito? Ah, nasisiraan na yata talaga siya ng bait.

"Ser, you rayd dis jip?" tila nag-aalangang tanong sa kanya ng barker ng jeep. Napangiti siya nang maunawaan niya kung bakit nagsalita ng ganoon ang barker. Akala siguro nito ay isa siyang turista.

Magsasalita na sana siya nang muli siyang mapatingin sa loob ng jeep. Nanlaki ang mga mata niya nang tumutok ang paningin niya sa babaeng nakaupo sa unahan ng jeep. Nakatalikod ito at buhok lang ang nakikita niya pero sa pagtambol pa lang ng dibdib niya ay sigurado siyang ito ang hinahanap niya.

Sa hindi malamang dahilan ay tumingin ito sa rearview mirror at sa ikatlong pagkakataon ay nagtagpo ang mga mata nila. Agad rumehistro sa bilugang mga mata nito ang gulat pagkakita sa kanya. Lihim na nagdiwang ang kalooban niya. Kung ganoon pala ay nakikilala rin siya nito.

Good sign! anang isip niya.

Mabilis na tinungo niya ang unahan ng jeep at ganoon na lang ang pasasalamat niya nang makitang bakante pa ang katabi nitong upuan. Agad na sumampa siya roon. Laking pasasalamat niya na malaki ang kaha ng katawan niya dahil halos madikit na siya sa dalaga. He could almost feel how soft her body was. She was wearing a fragrant scent that was so mild yet there was something in it that screamed seduction.

There was amusement in her eyes. At sa kauna-unahang pagkakataon, tila nagkaroon ng mga paruparo sa loob ng tiyan niya, katulad ng mga ikinukuwento ni Hanna sa kanya na nabasa raw nito sa mga romance novel nito. When he looked at her, there was a tiny smile on her lips that she couldn't hide or maybe she just couldn't suppress.

Umandar na ang sinasakyan nilang jeep. Ni hindi niya alam kung saan iyon tutungo pero wala na siyang pakialam saan man siya dalhin niyon. Basta ngayon ay tutuparin niya ang pangako niya sa sarili na hindi na niya pakakawalan ang babae oras na makita uli niya ito.


A Home In His Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon