A/N:
Ang anumang pagkakahalintulad ng mga pangalan ng bida, lugar, at pangyayari sa kwentong ito ay hindi sinasadya. Ang lahat po nang nakasulat dito ay pawang kathang isip o medyo halaw sa tunay na buhay ng inyong author. Sa akin lamang at wala ng iba. Ang magtangkang kopyahin ito ay sinusumpa kong hindi magiging matagumpay habang buhay... hahahaha!
Enjoy!
40 VOTES & 30 COMMENTS = UPDATE!
________________________________
FWTS 1
ANG SIMULA
Ako si Lianne Jaira Dimagiba, 19 years old, nag-aaral sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. kumukuha ng kursong B.S. Management. Dalawang taon na lamang ay makakatapos na ako. Kailangan ko ito para makatulong sa aking mahirap na pamilya.
Meroon akong tatlong kapatid na sina Jerico (17), Angela (15) at ang bunsong si Kyle (12). Anak ako nina Dan (jeepney driver) at Lisa (tindera sa palengke). Kahit kapos ang aming pamilya, nagmamahalan namin kami. Nakatira ang aking pamilya sa Laguna. Samantalang kami ng aking kapatid na si Jerico ay nangungupahan kasama ang aking kaibigang si Cathy sa Maynila.
Noon ay isa akong dakilang fan ng artista/singer na si Von Anthony Lee, 30 years old, bokalista ng COLOURS. Sa lahat ng mga shows niya at ng kanyang banda, basta walang bayad o kung meroon man ay mura lang, palagi akong nanonood. Ako at ang aking kaibigang si Cathy ang masasabi kong pinakadakila nilang mga fans.
Sa isang concert noon ng COLOURS ay nagkaroon ng isang patimpalak. Namili sila sa mga audience nang pinakamagaling kumanta para siyang makakasama ni Von sa El Nido Palawan. Sa kabutihang palad, ako ang napili ng nakakarami sa kanilang mga miyembro. Ako ang nanalo!
Magbabago na sana ang isip ko na sumama dahil wala akong maayos na damit na pwedeng madala. Pero sadya atang nasa akin ang swerte. Noong araw na magpapaalam na ako ay nasalubong ko si Von sa Lao Entertainment Company Building.
Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. "Mukha ngang wala kang maayos na susuotin." Malamig na sabi niya.
Uminit ang pisngi ko. Pakiramdam ko ay pinipintasan ni Von Lee ang itsura ko. Ito na nga ang pinakabago-bago kong damit. Puti na nga ang t-shirt na sinuot ko para hindi halatang kupas, kaya lang ay naninilaw naman dala ng kalumaan. Ang pantalon ko ay kupas na rin. Eh ano naman? Uso kaya ngayon ang faded na jeans!
"Ah sige po. Ibabalik ko na ito. Pasensiya ka na dahil naabala kita. S-sorry ulit sa pagkakabangga ko sa iyo." Hingi ko muli ng tawad. Hindi ko inantay na sumagot siya. Tinalikuran ko na siya para puntahan ang opisina ng may pakana ng promotion na ito. Ibabalik ko na lang talaga ang ticket. Baka laitin lang ni Von Lee ang ibang damit na dadalhin ko doon kapag nakita niya.
Isa pa, hindi ko na rin gusto ang bulungan ng mga empleyado at bisita na nadadaanan kami. Para bang isa akong dumi sa mata nila kung tingnan. Siguro ay nagtataka sila kung ano ang pinaguusapan namin ni Von Lee at mukhang naiirita ang expresyon nito sa akin.
Nakakadalawang hakbang pa lang ako palayo ng tawagin ako ni Von. "Lianne!" Tawag niya sa akin. I swear, parang gusto kong himatayin na tinawag niya ang pangalan ko. Hindi ko akalain na tinandaan niya pala ang pangalan ko kanina.
BINABASA MO ANG
Forever with the Star (AWWTS 2)
RomanceIsang sikat na artista (Von Lee) na nainlove sa isang pangkaraniwang fan (Lianne Jaira Dimagiba). Kung titingnang mabuti para silang langit at lupa. Animo'y north at south. Magawa kaya nilang labanan ang lahat ng mga pagsubok na dadating sa kanila...