FWTS 44

7K 132 52
                                    

A/N:

Oh diba? Magandang idea na paghiwalayin sina LJ at Von. At ipartner si Von kay Belle, at si Lianne kay Pooch.. Oppss.. Charot lang! At least active na active tayo ngayong lahat na magcomment at magvote hindi ba? Gusto ko pang marinig ang iba.

50 VOTES & 40 COMMENTS = UPDATE!

Every single reader is allowed hanggang 3 comments lang. Buburahin ko kapag sobra. Gusto ko lang kasi talaga marinig ang reaction ng ibang readers natin. Kung silent reader ka, mapipilitan ka ngayong magparticipate. Mataas na values iyan. Paramdam kayo sa akin. Huwag ninyo akong i-pm kasi tamad akong magbasa ng inbox ko.

Enjoy!

________________________________

FWTS 44

SING FOR US

Kanina pa ako bad mood pagkatapos nilang maggym. Naiinis ako sa mga pinagagagawa ni Von sa akin. Muntik niya na akong bagsakan ng barbell sa paa! Ang bigat kaya noon kung nagkataon! Dapat pala, hindi na ako sumama sa kanila. Kasalanan ko bang may nakita akong sikat na kakilala sa gym nila?

Kaya pala medyo maluwag ang security namin para sa Colours ay dahil high-end gym pala ito. Madaming sikat sa iba't-ibang klase ng pamumuhay. May mga artista, modelo, singers, announcers, business people at pati mga politician ay naandito rin.

Sayang at wala si Ate Ghie. Naandito ang paborito niyang businessman na si Isaiah Jang ata. Kasi ay inaasikaso niya ang mga gagamitin nila Von para mamaya. May party kasi. Birthday daw ng kambal ng mga Lao. Isa ang Colours sa kakanta para sa 18th birthday ng dalawa. Kaya ako lang ang P.A. nila plus Kuya Kit & Kuya Tim syempre.

Kausap ko lang kasi si Sam Milky kanina sa gym. Isa siyang sikat na singer na sumali noon sa PBB house. Half-American, half Filipino ang gwapong-gwapong si Sam. (A/N: Sam Milby po iyan. Binago ko lang. Imagine ninyo ang gwapo niyang mukha.) Nilapitan niya kasi ako matapos akong bigyan ng two minutes break ni Mam Digna.

Nakaduet ko na si Sam sa mga kapamilya shows noong singer pa ako. Walang arte iyang si Sam. Hindi big deal sa kanya noon na makaduet ang isang amateur na tulad ko. I will never forget when he told me that, "Magaling kang singer, LJ. Konting hasa pa ay pwede ka na sa international scene."

Simula ng purihin niya ako ay hindi na ako naiintimidate na kumanta kasama siya. Siya ang kasama ko noon sa series of shows ko sa Davao. And I must say, naging close kami after noon. Kaya naman kanina ng makita niya ako ay tuwang-tuwa siya. Sa sobrang saya ko din ay niyakap ko siya pabalik.

Nagkamustahan kami. Kinukulit niya ako na bumalik sa pagiging singer. Tumanggi ako. Hindi ko talaga kasi gusto ang maging center of attraction. Kung hindi nga lang kinakailangan noon, hindi ko talaga gagawin eh.

Dahil sa haba ng chikahan namin ni Sam ay nakalimang minuto kami ng kwentuhan. Nang tawagin na ako ni Mam Digna ay sumunod din siya kung saang pwesto ako nagbubuhat. Sa sobrang busy ko sa pakikipagkwentuhan habang nagbubuhat ay halos napatalon ako kanina ng may lumagabog sa paanan ko. Mabuti na lang at alistong naiilag ko ang paa ko sa 320 lbs. na barbell na ibinagsak ni Von sa tabi ng paa ko after magsquat ata. Buset talaga!

Sa inis ko ay napasara ang kamao ko. "Ano ka ba? Muntik na ang paa ko doon ah?!?" Galit na galit na tanong ko.

Forever with the Star (AWWTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon