FWTS 36

6.8K 117 46
                                    

A/N:

Sorry sa late update! May pinuntahan kasi kami nina Tope kagabi :( This chapter is dedicated to @CaliguiaMariella.

35 VOTES + 30 COMMENTS = UPDATE!

__________________________

FWTS 36

BABY

Nagustuhan ng audience ang duet namin ni Von. Grabe ang naging palakpakan, hiyawan, tilian, at may nagtutulakan pa dahil ata sa kilig sa aming dalawa. Sumigaw pa ng more ang audience. Pero hindi na nagpaunlak pa ang COLOURS. Natakot na kasi ang security & staff ng BRUNEI CONCERT HALL dahil baka daw hindi na makontrol ang pagkakagulo ng mga tao. And the next thing I knew, hindi na ako nakabalik sa upuan ko.

Tulala lang akong nakaupo sa loob ng dressing room ng COLOURS. Pinapanood ang bawat taong lumalabas at pumapasok dito. Nakatanaw ako sa mga reporters at columnist na nagkakagulo sa loob at labas ng kwartong ito. Na sa sobrang dami ay hindi na talaga kayang ma-control ng security. 

Naandito ako kasi binuntutan na ako ng mga international reporters pagkababa ko ng stage. Pilit nila akong tinatanong kung singer daw ba ako sa Pilipinas tulad nina Von. May mga international na talent discoverers and producers pala sa audience. Kinukulit din nila ako para maging singer ng iba't-ibang sarili nilang mga label.

"We're very sorry. But Miss LJ is a Filipina. So if ever she wants to be a singer, she will be under Lao Productions." Narinig kong wika ni Ate Ghie sa madaming reporters sa labas ng dressing room ng COLOURS.

Medyo nag-aalala na nga ako sa mga kasama ko, sina Janelle, Sir Greg at Doc Kent, baka hinahanap na nila ako. Hindi na kasi ako nakalapit sa kanila pagkatapos kong kumanta sa stage. Dahil sa grabe ang pagkakagulo ng mga reporters and fans sa akin at kina Von.

Nasa isang sulok lang ako at medyo natatakot. Hindi ako sanay na pinagkakaguluhan ng ganito. Kahit dito sa loob ng dressing room ay parang ang gulo-gulo. Mga staff ng concert ay halos naandito lahat. Kaya kahit mismong ang COLOURS ay hindi pa rin nakakapasok dito. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga ng ayos dahil sa dami ng tao.

"Who are you? Sino ka?" Tanong sa akin ni Belle. Tinagalog pa? Honestly, akala ba niya hindi ako marunong mag-English?

Nagulat ako ng bigla akong lapitan ni Belle. Medyo lumuluwag na rin dito kasi isa-isa nang pinalalabas ng mga security ang mga tao.

Napatayo ako. Napalunok ako. Ang ganda at sexy pala talaga ni Belle sa personal. Nakakatomboy ang kanyang kagandahan. Grabe!

"Fan ka ba ng COLOURS? Bakit ka pumasok dito? Bawal ka dito." Malamig na sabi niya sa akin.

Hindi ako makasagot dahil pakiramdam ko, na starstruck ako kay Belle. Alam ko namang bawal ako dito. Hindi ko naman ginusto na pumasok dito sa dressing room nila. Naitulak lang ako ng kumpulan ng mga tao.

Humalukipkip siya sa harap ko. Parang naiinis siya at hindi ako sumasagot sa mga tanong niya.

"Or baka naman stalker ka rin? Lumabas ka na nga!" Medyo mataas ang boses na taboy niya sa akin.

Stalker? Ako? Kailangan ko namang ipagtanggol syempre ang sarili ko.

Forever with the Star (AWWTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon