FWTS 68

4K 136 79
                                    

FWTS 68

JEALOUSY

Nakauwi na kami. Tapos na ang masayang bakasyon namin sa Ilocos. Tapos na ang fairy tale ko. Nakabalik na ako sa totoo kong mundo. Balik trabaho at harap sa mga utang. Ngunit forever kong ibabaon sa puso ko ang maligayang bakasyon na iyon. It was really unforgettable.

Masaya na nga sana ang bakasyon na iyon, kaso magkagalit kami ngayon ni Von. Galit siya sa akin dahil inasikaso ko si James noong nalasing ito, noong gabing naginuman kami. Sobra kasi ang pagkalasing ng kababata ko noon na umabot na hanggang kinabukasan. Hanggang kinabukasan ay suka pa din siya ng suka. Grabe talaga ang hangover niya!

Hindi ko naman inamo si Von dahil naiinis din ako sa kanya. Imbes kasi na unawain niya ako ay nagalit pa siya sa akin. Pwede ko ba namang pabayaan ang kababata ko? Si James pa? Na kahit kailan ay hindi ako iniwan sa gitna ng lahat ng laban?

Ang nakakapagtampo pa ay ang pagpayag niya na isabay si Belle sa private helicopter na sundo niya. Dapat ay kaming dalawa ang sasakay doon. Pero hindi niya naman ako niyaya kaya hindi na ako nakisakay pa. Nageroplano na lamang ako kasama sina Cathy, Jerico at James pabalik dito sa Manila. Badtrip!

Nagngingitngit ako sa tuwing maaalala ko ang naging paguusap namin ni Belle noon...

"LJ, can we talk?" Tanong niya sa akin sa gitna ng inuman.

Nagkatinginan kami ni Cathy. Medyo nagaalala siya kung anong pakay sa akin ni Belle. Kulang na lang ay sumama din siya sa akin.

"Please? Kahit sa sala lang o kusina?" Pakiusap pa ni Belle.

Tatayo na sana ako ng biglang akong pigilan ni Von. Napaupo tuloy ulit ako sa tabi niya.

"What do you want to tell her? Why don't you talk to her here?" Salubong ang kilay na tanong ni Von kay Belle. Mukhang galit ang nobyo ko.

Iyon din sana ang gusto kong itanong ng mga oras na iyon. Bakit kailangan pa naming lumayo?

Pero nang mapansin ko ang pamumula ng mga mata ni Belle, na mukhang iiyak na, ay sinabi kong..

"Don't worry. Babalik din kami." Malambing na wika ko kay Von kasabay ng paghalik sa kanyang pisngi.

Napailing na lang si Belle nang sabihin ni Von sa akin na, "Be careful, Baby!" Bilin niya sabay pisil sa kamay ko. Tumango ako at tumayo na para sumunod kay Belle.

Be careful? Para namang may gagawin sa akin si Belle na hindi maganda? May pagka-o.a. din itong si Von minsan eh. Tsk! Tsk!

Lumabas kami sa may kitchen. Nang mapatingin ako sa may sink, hindi ko maiwasan ang pagiinit ng pisngi ko. Naalala ko iyong paglalambingan namin doon ni Von kanina. Ang addict niya kasi talaga!

Tikhim ni Belle ang nagpabalik ng atensyon ko sa kanya. Nakaupo na pala siya sa high stool. Hindi ko tuloy alam kung uupo din ako o ano. Ang awkward naman kasi talaga. Pero sa huli ay naisipan kong umupo na rin sa katabing high stool.

"LJ."

"Hmm?" Kunot noong tanong ko sa kanya. Namumungay ang kanyang mga mata. Mukhang lasing na siya.

Tumitig siya sa akin na para bang nangangamba. Pati tuloy ako ay kinakabahan sa itsura niya. Parang hangin na bumalik sa akin iyong huli naming paguusap ng ganito. Iyong nagmakaawa siya ipaubaya ko si Von sa kanya.

Forever with the Star (AWWTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon