FWTS 56
TULOY TAYO
Hindi ako masyadong kumportable nang umupo ako sa tapat ni Belle. Nakatungo lang siya at pinaglalaruan ang kanyang mga daliri. Pinapanuod ko lang siya at medyo naiinip na ako. Gustong-gusto ko na kasing silipin si Von kung maayos na ba siya sa kanyang kwarto. Medyo may pag-aalala ako na baka madulas siya doon o ano.
"Belle.." Tawag ko sa kanya. Malumanay at hindi ko pinahalatang inip na ako. Kanina pa kasi siya hindi kumikibo. "May sasabihin ka ba?" Dagdag ko pa.
Malungkot na mga mata ni Belle ang humarap sa akin. Kumurap-kurap siya at parang tinatantiya pa ako bago magsalita. Aaminin ko na medyo sinisimulan akong kabahan sa panghuhula kung ano ba ang sasabihin niya. Natatakot ako na baka may hilingin siya na hindi ko kayang ibigay sa kanya.
"Ah..kasi..." Natigilan siya at muling napatungo. Pinaglaruan niya muli ang kanyang mga daliri sa kamay. Ano bang meroon sa daliri niya at kanina pa niya ginaganyan?
"May rayuma ka ba?" Puno ng pag-aalalang sabi ko. Ganyan kasi si Nanay kapag masakit at naninigas ang kanyang kamay. Pinapapapisil niya ito sa akin para daw mawala ang paninigas.
Muling napatingin sa akin si Belle. "Wala ah." Napatiim bagang siya at isinuklay ang mga daliri sa buhok niya.
Iyon lang pala eh! Kinabahan pa naman ako! Akala ko ay masakit ang mga daliri niya. Mukhang suklay lang naman pala ang kailangan niya. Sabagay, medyo magulo na ang kanyang buhok.
"Suklay ba? Kailangan mo ba ng suklay? Ihihiram kita kay Von. Sandali lang." Tumayo ako para pumasok sa kwarto ni Von. Ngunit maagap niya akong hinila pabalik kaya hindi ko naituloy.
"Hindi iyon." Sagot niya.
Bumalik ako sa pagkakaupo at hindi na mapigilang kumunot ang aking noo. "Eh ano nga bang kailangan mo?" Medyo may pagkamasungit na tanong ko. Hindi ko na mapigilan eh. Gusto ko na talagang i-check si Von sa loob.
Ngunit halos mapigil ko ang hininga ko ng walang sabi-sabi ay lumuhod siya sa harap ko. Nagulat talaga ako! Hinawakan niya ang kamay kong nasa aking kandungan. Titig na titig sa akin ang namamasa at malulungkot niyang mga mata.
"LJ, I know that I might sound desperate. Pero please..." Napalunok pa siya na parang may nagbara sa lalamunan niya.
Ano nga ba kasi ang sasabihin niya?
"Tumayo ka, Belle. Hindi ako santo para lumuhod ka." Putol ko na rin sa sasabihin niya.
Hinila ko siya paupo sa tabi ko. Naasiwa kasi ako. Ayoko ng niluluhuran ako. Pakiramdam ko ay ang sama, sama ko. Lalo na at parang ako pa nga ang dahilan ng pagkakaudlot ng kanilang pagmamahalan ni Von.
"LJ.." Nababasag ang boses na sabi niya. Sobrang kulit kasi lumuhod na naman??
Hinila ko siyang muli, pero ayaw niya. Kaya naisipan ko na lang na mag-indian sit sa lapag. At least, hindi na ako mukhang dinadasalan ni Belle.
"Diretsuhin mo na ako, Belle. Ano ba iyon?" Malumanay na wika ko.
Sobrang taranta ko nang umiyak pa siya lalo. "L-LJ, p-parang awa mo na. A-Akin na lang si Von. Please?" Hikbi siya ng hikbi.
Sht! Parang tumutusok sa puso ko ang bawat pagtangis niya! Ano ba ito?
BINABASA MO ANG
Forever with the Star (AWWTS 2)
Любовные романыIsang sikat na artista (Von Lee) na nainlove sa isang pangkaraniwang fan (Lianne Jaira Dimagiba). Kung titingnang mabuti para silang langit at lupa. Animo'y north at south. Magawa kaya nilang labanan ang lahat ng mga pagsubok na dadating sa kanila...