FWTS 38

7K 110 38
                                    

A/N:

Fitness Professional po ako/ Physical Therapist. May pasok po kami bukas kaya wala akong long weekend na sinasabi ninyo para magupdate. Sorry din po at ngayon lang ako nagupdate. Kaninang umaga pa ako isinama sa Antipolo. Nagsimba kami at naki-birthday party. Sorry talaga na pati comments ninyo last chappy ay hindi ko pa nababasa :(

40 VOTES & 35 COMMENTS = UPDATE!

______________________________

FWTS 38

UNLIMITED TEARS

Pinipigil ko ang mapangiti. Galit ako dahil itinatwa niya ako kina Belle, hindi ba? Pero sino ba naman kasi ang hindi matutuwa kung first time ever na sabihan ako ni Von ng I LOVE YOU? Sht kilig! Never pa niyang binigkas ang mga salitang iyan.

"Tss.. Hindi ka na sumagot diyan. Kaya nga ba ayaw ko ng nagsasabi ng I love you sa babae eh. Nababalewala lang. Tulad noon kay Steph..."

Hindi ko siya pinatapos. Iniharang ko ang aking hintuturo sa kanyang bibig. Ayokong ikinukumpara niya ako kay Miss Steph? Ganoon ba talaga niya kamahal ang asawa ni Franz Roff? Hanggang ngayon ba ay he's still holding that grudge against her? I feel so insecure. But can you blame me?

Kung pwede ko lang irestart ang buhay ni Von ay gagawin ko. Sisiguraduhin kong mas mauuna niya akong makikilala kesa sa Stephanie Cruz-Roff na iyon! Dahil ang hirap kayang mabuhay sa anino ng isang dating minahal. Ang hirap higitan ng maswerteng babaeng iyon!

"Ayoko nang marinig ang reklamo mo."

Tinanggal niya ang daliri ko na nakaharang sa bibig niya. Hinawakan niya iyon ng mahigpit at pinisil iyon.

"Hindi naman ako nagrereklamo. Nanlulumo lang ako at hindi mo in-acknowledge ang aking pagtatapat sa iyo." Paliwanag niya habang nakamot ng ulo.

Ang cute niyang tingnan. Pero alam kong hindi ako dapat agad magpadala sa mga pa-pretty boy niya. Sinaktan niya kaya akong sobra?

"Pero alam ko namang mahal mo ako. You should have seen your face. Ang epic ng reaction mo when I said that Belle is likeable." Naiiling na sabi pa niya.

Ayon naman pala eh! Alam naman pala niyang hindi ko nagustuhan ang pagsasabi niyang likeable si Belle. Eh bakit sinabi pa rin niya sa akin? Is he trying to annoy me more? Kung iyon ang rason niya, nagtagumpay na siya. Tulad ng sabi niya, talagang nabadtrip ako sa likeable na iyon.

Hinampas ko siya sa braso gamit ang malaya kong kamay. "Epic pala ha?!" Inis na sabi ko. "Ano bang likeable sa Belle na iyon?" Nakangusong sabi ko pa. Naiinis talaga ako.

Ngumisi siya sa akin na mas lalong nakapagpainit ng ulo ko. "Mabait naman talaga si Belle Mercado. Talaga nga lang crush ako noon. Hindi ko naman kayang pigilan ang nararamdaman niya para sa akin." Pagyayabang niya.

Kinurot ko siya ng pino sa tagiliran. "Nakakabwisit ka na ah?!" Singhal ko sa kanya.

"Aray naman!" Natatawang reklamo niya. Biglang nagseryoso din naman siya agad. "Mabait si Belle, Lianne. Kung sakaling ikinasal ka na, tingin ko ay pwede ko na rin siyang mahalin."

Nagsalubong na talaga ang kilay ko. "Eh di doon ka na."

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinakatitigan ako sa aking mga mata. "Hindi na pwede. Kasi naandito na muli ang permanent resident ng puso ko. Kung wala ka pa, pwede ko rin sana siyang papasukin. Pero dahil pangalawa lang naman si Belle sa puso ko, ngayong naandito na ang number one, masikip na!" Seryosong sabi niya.

Forever with the Star (AWWTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon