A/N:
Mag VOTE at COMMENT na po kayo agad para hindi nadedelay ang update. Iyon kasing iba, nabasa na, deadma! Tapos magvovote lang kapag atat na sa next chapter at wala nang mapiga na pwedeng votes sa co-readers nila. Magparticipate naman po kayo. Alam ko kung sino ang mga nagvovote at nagcocomment. Napasok sa notification ko kasi ako ang nagsulat ng kwento. Alam ko kung hindi totoong naboto kayo.
65 VOTES + 60 COMMENTS = UPDATE! MAXIMUM of 3 COMMENTS PER READER. Pero kapag nareach na ang 60 comments, pwede na kayong magunli comment. Oh baka magkamali. Basahin ulit ang reminder ko ah. Ayoko na ng paulit-ulit na sinasaway. Malalaki na tayo :)
Please add TROY'S ACHILLES to your reading list. Magfollow na agad dahil may mga SPG CHAPTERS iyan na balak kong i-private. Read ninyo din iyong THE STAR para sa hindi pa nakakabasa.
Enjoy!
___________________________________
FWTS 57
TICKET TO ILOCOS
Ang haba ng nguso ni Von habang naandito kami sa domestic airport. Kahit pa anong yaman niya ay hindi niya nagawan ng paraan para makasabay namin siya ni James sa PAL. Inis na inis nga siya sa ticketing office nang malamang 4 hours ang difference ng flight namin ni James at ng next flight ng PAL. Kaya nagpumilit siyang CEBU PAC ang kanyang sasakyan papuntang Ilocos. At least sa CEBU PAC ay 2 hours ahead lang ang 45 minutes travel namin ni James by air.
Ang mas nakapagpawala pa kay Von sa mood ay ang hindi niya inaasahang isasama ko si Belle sa trip na ito. Kulang na nga lang ay magbackout na si Von ng malaman na parehas pa silang dalawa ni Belle ng eroplanong sasakyan papuntang Ilocos.
In short, mauuna kami ni James. After two hours ay kasunod na namin sina Von at Belle.
"Baby, antayin mo na lang kaya ako sa airport sa Laoag?" Kulit ni Von.
Kanina ko pa iyan gustong tawanan. Ang kulit niya kasi at ang daming suggestion para lang masiguro na hindi kami magkakasarilinan ni James.
"Palit na lang kaya kayo ng ticket ni Belle? O kami na lang kaya ni James ang palit?" Isa pa iyan sa mga tanong niya kanina.
Kanina pa iyan natetense, sa totoo lang!
Masyado silang maaga ni Belle dito sa NAIA. Pero hindi siya pumayag na hindi kami sabay papunta dito. Kaya naman pinilit ko na din si Belle na sumama dahil baka iwan pa siya nitong nobyo ko, kapag silang dalawa na lang ang naandito sa Manila.
"Von, hindi na. Huwag ka ngang magpanic!" Tanggi at puna ko sa kanya. Nahihilo na kasi ako kakabalik-balik niya. "Aantayin na lang namin kayo sa airport kung iyan ang gusto mo. Pero hindi na kailangang magpalit-palit pa ng tickets sa eroplano." Dagdag ko habang nakangiti.
Tumigil siya sa paghakbang at hinarap ako. "Baby, magiingat ka ha? Itext mo ako kapag may ginawa sa iyong hindi maganda si James." Bilin niya for the nth time. Di ko na mabilang. Paulit-ulit lang naman kasi.
Tumango ako sa kanya bilang pagsangayon. Ayoko na kasing kumontra. Baka humaba pa. Pero sa totoo lang, ano namang gagawin ni James na hindi maganda sa loob ng 45 minutes? Tapos ay sa loob pa ng eroplano? Saka si James kaya yan. Ano namang hindi maganda ang pwede niyang gawin sa akin?
"Baby.." Aniya niya at naupo sa tabi ko. "Promise me." Sabi pa niya habang titig na titig sa akin.
BINABASA MO ANG
Forever with the Star (AWWTS 2)
RomanceIsang sikat na artista (Von Lee) na nainlove sa isang pangkaraniwang fan (Lianne Jaira Dimagiba). Kung titingnang mabuti para silang langit at lupa. Animo'y north at south. Magawa kaya nilang labanan ang lahat ng mga pagsubok na dadating sa kanila...