FWTS 3
LOVER'S QUARREL
"Von, sandali!"
Agad kong hinabol si Von sa labas ng bahay namin. Hindi ko na inintindi ang mga kasabay naming kumain kanina. Alam kong nagtataka sila sa biglang pag-alis niya. Mamaya ko na lang iintindihin iyon.
Tumigil naman siya at humarap sa akin. Natameme ako nang makita ko ang malamig niyang titig sa akin. Para tuloy akong napako na sa kinatatayuan ko.
Ano bang problema niya? Bakit bigla siyang aalis?
"Yes? Do you have something to tell me?" Malamig pa rin niyang tanong ng hindi man lamang ako kumibo.
Nakita kong pipihit na siya muli palabas dahil sa inip na hindi man lamang ako nagsalita. Kaya naman tinakbo ko na ang natitirang distansya sa amin at hinawakan siya sa siko.
"Von, wait!" Pigil ko sa kanya.
Hindi niya ako nilingon, pero huminto naman siya sa harap ko. Kaya ako ang umikot para magkaharap kami.
"What?" Walang expresyong tanong niya.
Ilang araw palang kaming magnobyo at first time ko siyang nakita na ganito kaya kinakabahan ako. Bakit ba siya nagkakaganito? Kinakabahan ako sa itsura niya eh.
"Ah... Eh..." Kabado ako kaya hindi ko malaman kung paano magsasalita.
Kinagat-kagat ko ang labi ko. Ito ba ang tinatawag nilang LQ o lover's quarrel? Nababasa ko iyon sa libro at napapanood ko sa mga pelikula, pero wala akong ideya kung ito nga iyon. First time ko naman kasing magkanobyo eh.
"Lianne, if you don't have anything to say to me, I'll be leaving. Aalis na ako." Seryosong sabi niya.
Napalunok ako dahil sa kaseryosohan niya. Lalo na at mukha siyang inip na inip na tamad na nakapamulsa sa harap ko. I'm freaking nervous!
"A-Aalis ka na?" Kinakabahang tanong ko. Napangiwi pa ako. Obvious namang aalis siya. Bakit naitanong ko pa?
Tamad na bumuntong hininga si Von. "Hindi, Lianne. Padating pa lang ako." Sarkastikong sagot niya.
Sabi na nga ba at napaka estupido ng naging tanong ko eh. Kaya hindi ako nagtataka kung mairita siya. Where is your mind, Lianne?
"I mean, b-bakit aalis ka na?" Kinakabahan pa ding tanong ko.
Kumunot ang kanyang noo. Medyo natuwa ako na nagpakita siya kahit konting expresyon. Nagagwapuhan ako sa dating niyang seryoso at nakakunot ang noo.
'Mukhang galit na siya, pero natutuwa ako? At talagang naiisip ko pa ang kagwapuhan niya? Baliw ba ako?'
"Kailangan ko pa bang magpaliwanag kung bakit aalis ako?" Balik tanong niya.
"Hindi naman. Kaya lang bakit agad-agad? Kadadating mo lang halos." Nangingiwing sagot ko.
Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Naiinis ako." Kalmado pero may diing sagot niya.
Natigilan ako sa diretso niyang sagot. Akala ko ay magpapaligoy-ligoy pa siya. Ramdam ko naman iyon, pero ayoko sanang isipin na ganoon nga ang nararamdaman niya. At ngayong galing mismo sa kanya, confirmed! Galit nga siya!
Naiinis si Von? Bakit? May masama ba sa ginawa ko? Hindi ba niya nagustuhan ang timpla ng kape niya? Hindi ko ba siya naasikaso ng ayos? Dahil ba sa hindi pa ako naliligo? Huhuhu!
"Bakit?" Hindi makaunawang tanong ko.
Imbes na sagutin niya ako ay inirapan ako at nilampasan. Natigilan naman ako at napangiti. Ang cute kasi ng paraan ni Von ng pag-irap kanina. Para siyang bata na naiinis sa kalaro kasi dinaya sa laro. Sana kapag nagkaanak kami ay maging kamukha ni Von.
BINABASA MO ANG
Forever with the Star (AWWTS 2)
RomanceIsang sikat na artista (Von Lee) na nainlove sa isang pangkaraniwang fan (Lianne Jaira Dimagiba). Kung titingnang mabuti para silang langit at lupa. Animo'y north at south. Magawa kaya nilang labanan ang lahat ng mga pagsubok na dadating sa kanila...