FWTS 24

7.6K 101 26
                                    

A/N:

Idededicate ko ang chapter na ito sa gumawa ng bagong cover ko. Inedit ko lang konti. Anyways, thank you, @TaoPandaLoveMe.

________________________________

FWTS 24

PHONE CALL

Mahirap mang aminin, si James ang huli kong pag-asa ngayon. Kahit malaki ang duda ko sa kanya, kailangan kong isugal ang pagkakataon na baka matutulungan nga niya ako. Kailangan kong isugal ang lahat para muli kaming magkasama ni Von.

"Teka lang!" Sigaw ko sa mga goons na kumakaladkad sa akin papasok.

Hindi ba alam ng mga Villareal na mas lalong mapapalayo ang loob ko sa anak nila dahil sa ginagawa nilang paghawak sa amin sa leeg? Lalo na at ginigipit nila ako para lang pakasalan si James?

Tinanong na ba nila si James kung gusto niya ring maging asawa ako? I bet..hindi! Dahil simula't sapul, kaibigan lang ang turing sa akin ni James. Kaya naniniwala akong hindi niya rin gustong mapakasal sa akin.

"Sorry, LJ! Pero utos ito ni Don Juan." Walang emosyon na sabi ni Cardo. Ayaw niya akong palabasin ng bahay. Dati namin siyang kapitbahay bago siya maging stay-in at gawing bodyguard ni Don Juan.

Pilit kong tinabig ang kamay nila. "Pakawalan ninyo ako! May sasabihin ako kay James!" Singhal ko sa kanila.

Nang banggitin ko ang pangalan ng Prinsipeng Tagapagmana ay parang password iyon na agad nila akong binitawan. Sinamantala ko naman agad ang pagkakataon. Tinakbo ko ang sasakyan sa labas ng aming bakuran. Baka kasi makaalis na ang Hammer ni James. Paano na ako bukas kapag nagkataon?

"James, teka!" Sigaw ko habang tumatakbo palapit sa kanyang sasakyan.

Papasok na sana siya sa backseat nang tabigin niya ang kanyang driver. Kunot noong namulsa siya at inantay akong makalapit.

"Now, what?" Medyo iritadong tanong niya.

Napalunok ako. Kaya ko bang magpakumbaba sa kanya? Galit ako sa pangtatraydor niya sa amin ni Von kaninang hapon. Pero kahit ganoon, kailangan ko pa ring subukang magtiwala kung iyon na lang ang nakikita kong pag-asa para makatakas dito sa kasalang ito.

"I-I'm sorry." Nakakagat labing hingi ko ng paumanhin. "Natetense ako. Ang dami kong iniisip. Nagpapanic ako. At kapag ganito ako, nahihirapan akong intindihin ang mga bagay-bagay." Dagdag na paliwanag ko na hindi makatingin ng diretso sa kanyang mga mata. Nagalit siya dahil mali ata ang intindi ko sa sinasabi niya kanina.

Bumuntong hininga siya at tumingin sa may likuran ko. Napalingon ako at nakita ko ang mga bodyguard/goons na naatasang magbantay sa akin. Iyon ata ang tinitingnan niya. Kasi nakabantay pa rin sila at sinisigurong hindi ako makakalayo ng lalampas sa sampung hakbang mula sa pwesto nila.

"Doon na muna kayo." Malamig na utos niya na sinunod naman ng mga ito.

Kahit alanganin ako ay pumasok ako sa backseat ng ipagbukas niya ako ng pinto. Tinapik niya ang driver niya sa unahan at pinalabas iyon. Nang isara ng driver ang pinto ay nakatitig lang ako sa kanya. Bumubwelo ako kung paano ko siya kakausapin tungkol sa sinasabi niya kanina.

Pero hindi kami nakapagusap agad. Kasi agad niyang dinukot ang kanyang celfone. Kaming dalawa na lamang ang laman ng kanyang Hammer. Kung sinuman ang kakausapin o itetext niya ay ako na lamang ang makakaalam.

Sino nga bang kakausapin o itetext niya? Ang mga magulang ba niya? Sana naman ay sila na nga. Sana naman ay kumontra na siya sa kasalang ito. Paano niya nagagawang manahimik kung ikakasal siya sa tulad ko na hindi naman niya mahal bilang babae? Ang hirap kaya ng ganoon!

Forever with the Star (AWWTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon