A/N:
Guys, please add naman po TROY'S ACHILLES to your reading list. Maganda iyan, promise! Anyways, 35 VOTES & 30 COMMENTS = UPDATE!
_______________________________
FWTS 33
MEDICAL MISSION
Katatapos lang ng midterms namin. It's been two months simula ng iniwan ako basta-basta ni Von. Excited na ako dahil ang sabi ni Janelle ay pupunta kami ng Brunei bukas. Ayon daw sa sabi sa kanya ng dati niyang kaklaseng si Franz Roff ay nasa Brunei ng ganitong petsa ang COLOURS bilang bahagi pa rin ng kanilang ASIAN TOUR.
A week after noong insidente sa mansyon ng mga Lee ay bigla akong pinuntahan muli ni Janelle sa trabaho. Humingi pa nga siya ng sorry sa akin dahil noon lang daw niya ako muli nadalaw. Ayon kasi sa kanya, naging busy siya sa trabaho.
Isa palang licensed Dentist si Janelle. Bahagi siya ng isang team na dumadalaw sa mga bansa ng Asya para magbigay ng libreng serbisyo sa mga depressed areas. Hindi ko alam kung sadyang malakas lang ako kay Lord at nagkataon pa na Brunei din ang destinasyon nila.
Nauna na ang iba niyang kateam sa bansang iyon noong isang araw. Hinintay niya talaga ako para sabay kaming pumunta doon.
"Janelle, maraming salamat talaga! Hindi ko alam kung anong nagawa ko sa iyo at tinutulungan mo ako ng ganito. Hindi ko alam kung paano kita mababayaran." Malapad ang ngiting sabi ko sa kanya.
Napakaswerte ko at naging kaibigan ko si Janelle. Siya ang nagpalakad ng papeles ko at gagastos sa lahat. Ang sabi niya ay mag-assist na lang daw ako sa medical mission nila ay ayos na sa kanya. Sobrang swerte ko, hindi ba?
"Mapasaya mo lang si Von ay ayos na sa akin." Nakangiti ring sabi niya.
Pero biglang naglaho ang ngiti ko sa mga labi. "Mapasaya si Von? Gusto mo pa rin ba siya? Akala ko ba tanggap mo na?" Medyo nagpapanic na tanong ko.
Natawa siya sa inasta ko at ginulo ang buhok ko. Napa-pout na lang ako. Feeling ko talaga ay insecure sa akin si Janelle. Gusto niyang pumangit ako kaya palaging ginugulo ang buhok ko.
"Selosa! Wala na akong gusto kay Von. Pero syempre, naging tagahanga niya rin ako ng matagal na panahon. Kaya gusto ko lang na makita siyang masaya sa buhay niya." Paliwanag niya.
"Ahh.. Okay!" Napapahiyang sabi ko. Malay ko ba? Selosa na kung selosa, pero selosa talaga ako! Lalo na doon sa Belle na iyon!
Madaling araw ang flight namin. Ni hindi na nga ako nakatulog simula kagabi. Sobra-sobra kasi ang kaba ko dahil magkikita na kaming muli ni Von sa personal. Kahit na palagi ko siyang nakikita sa tv at sa mga magazines ay hindi sapat iyon. Iba pa rin iyong nahahawakan ko siya at nakakausap ng personal. Nakakarindi man, pero miss na miss na miss na miss ko na siya!
Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kapag nagkaharap na kami. Aawayin ko ba siya? O yayakapin agad para maramdaman niya kung gaano ako kasabik sa kanya? At hindi ko maiwasang isipin kung ako pa nga rin ba ang may hawak ng puso niya? O iyong Belle na iyon na nali-link sa kanya?
Natatakot ako na baka itaboy niya lang ako pagnagkita kami. Natatakot din ako na baka hindi niya ako bigyan ng pagkakataon para magpaliwanag. Ang pinakamalaking takot ko ay kung sakaling may iba na siyang nobya.
BINABASA MO ANG
Forever with the Star (AWWTS 2)
RomanceIsang sikat na artista (Von Lee) na nainlove sa isang pangkaraniwang fan (Lianne Jaira Dimagiba). Kung titingnang mabuti para silang langit at lupa. Animo'y north at south. Magawa kaya nilang labanan ang lahat ng mga pagsubok na dadating sa kanila...