FWTS 17

8K 106 10
                                    

FWTS 17

STRESS

Basang-basa ng pawis ang sandong isinuot ni Von at pati na rin ang kanyang pantalon. Mukhang pagod na pagod siya sa pagtungga ng poso namin. Tutulungan ko sana siya dahil naaawa ako dahil alam kong matigas iyong ibomba. Pero ayaw niya eh. Kaya na daw niya kaya hinayaan ko na lamang siya sa gusto niya.

"Magbihis ka muna, Baby." Sabi ko sa kanya ng matapos na siya. Hindi na rin masama dahil mabilis niyang napuno ang benteng balde.

Pinagbihis ko si Von sa aming palikuran. Medyo nahihiya pa nga ako dahil wala namang tiles ang aming banyo. Wala ding flush ang bowl namin. Isang buhos lang naman ng tabo ay ayos na iyon. Pero sabi nga niya, tanggap niya kung ano ako. Wala akong narinig na kahit konting reklamo muli sa kanya.

Ako naman ay tumulong na lang muna kay Nanay na magluto. Gabi na kasi at alam kong anumang oras ay dadating na sina Tatay. Abala kami ni Nanay ng may kumatok sa aming pintuan. Napalingon ako at kumaway ng makita ko si Gina. Siya pala ang pinagbuksan ni Jerico.

"Bakit?" Tamad na tanong ng kapatid ko na ikinailing ko.

Magkababata at magkaedad sina Jerico at ang kapitbahay naming si Gina. Magkaklase din ang dalawang iyan mula elementarya. At mula pa noong sampung taong gulang pa lamang sila ay nagpakita na ng interes si Gina sa kapatid ko. Mabait, maganda at matalino naman si Gina. Pero ewan ko ba sa kapatid ko. Ayaw niya kay Gina. Madalas niyang sungitan ito.

"Narinig kong umuwi ka daw. Totoo pala?" Nakangiting tanong ni Gina sa kanya. Nakatayo pa din siya sa harap ng pinto. Loko din itong kapatid ko. Ayaw papasukin man lang si Gina.

"Pasok ka, Gina." Ako ang hindi nakatiis sa pagsusuplado ni Jerico.

Nahihiyang ngumiti si Gina. "Salamat po, Ate LJ." Anya pa niya.

Walang nagawa ang kapatid ko kundi ang padaanin siya sa pintuan para makapasok. Tamad na isinara na lamang ni Jerico ang pinto at sumalampak sa upuan.

"Upo ka, Iha." Si Nanay naman ang hindi nakatiis sa inuugali ng binata namin.

"S-Salamat po." Umupo siya sa kabilang upuan na inookupa ni Jerico.

Sumandal si Jerico at kunot noong tiningnan siya. Ako naman ay tahimik na nanunuod sa kanila habang nagbabali ng sitaw na lulutuin ni Nanay.

"Bakit ka naandito?" Walang kabuhay-buhay na tanong ni Jerico. Napailing na lang ako at nagkatinginan kami ni Nanay. Para kasing ang bastos ng tanong niya.

Napangiti rin naman agad ako ng mapansin kong pinaglaruan ni Gina ang kanyang mga daliri. Halatang kinakabahan siya sa kapatid ko.

"K-Kukumustahin lang sana kita." Nahihiyang sagot niya na namumula pa ang pisngi. Napakacute na bata!

Pinaglaruan ng kapatid ko ang ibaba niyang labi. Tinitigan niya si Gina kaya umiwas naman ng tingin iyong dalaga.

"Ok lang ako. Pwede ka ng umalis." Malamig na sabi niya.

"Jerico!" Inis na tawag ko sa kanya at pinandilatan siya ng makuha ko ang atensyon niya. Paano niya nagagawang maging bastos ng ganyan? Hindi ba niya naiisip na may mga babae siyang kapatid at hindi maganda na ganyan ang trato niya sa isang babae?

Mukhang nakuha naman niya ang mensahe ng tinging ibinigay ko sa kanya. Bumuntong hininga siya at saka muling bumaling kay Gina na ngayon ay nakatungo dahil ata sa pagkapahiya.

"Ikaw, kumusta ka?" Halos lumabas sa ilong kapatid ko ang tanong niyang iyon. Halatang napipilitan lang siya na makipag-usap sa bisita niya.

Ngumiti ng sobrang lapad si Gina. "Mabuti na. Mabuti nga at naandito ka ulit." Sagot niya na may kahinaan ang huling sinabi. Pero dahil dakila akong chismosa, narinig ko.

Forever with the Star (AWWTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon