FWTS 42

6.8K 120 62
                                    

FWTS 42

SIT HERE

"Syd, ibibili kita ng headset mo sa Quiapo. Pabayaan mo na iyong madamot na si Von." Alo ko sa kanya ng makarating kami sa parking ng Mc Do. Akala ko ba drive thru?

"Ha?"

"Huwag ka ng sumimangot." Sabi ko sabay tulong na ayusin ang bonnet niya sa ulo. Iyon ata ang disguise niya para hindi pagkaguluhan. Nagsuot pa siya ng face mask. Mukhang under chemo lang! Hahaha!

Pinat niya ang ulo ko. "Bakit ba napaka-amazing mo?" Nakangiti na ngayong tanong niya.

Ngumuso ako. "Amazing? Hindi ako si Spiderman!" Naiinis na sabi ko sabay tanggal ng seatbelt. Hindi ko na naantay na pagbuksan ako ni Syd. Kusa akong lumabas at isinara ang kotse niya. Ngayon ko lang natitigan ang sasakyan. Kaparehas ng kay Von. Mayayaman nga naman!

Hindi na siya nagsalita. Pero kitang-kita ko ng mapawi ang ngiti niya tulad ng akin. Nakita kasi namin si Von na nakawig at nakashades. Pati si Belle na naka bandana sa mukha at may cap sa ulo. Mukhang nagaantay sila sa amin bago pumasok ng pintuan ng Mc Do.

Ngunit bago kami makalapit ay may nagkagulo nang mga fans sa amin. Aww! Hindi ba marunong matulog ang mga fans? Gabing-gabi na ay gising pa sila?

"Waaahh!" Sigawan at tumawid pa iyong mga estudyante sa kabilang kalsada papunta sa amin.

Nagpanic na ang tatlo. Hinatak ni Belle papasok sana sa Mc Do si Von. Hinawakan naman ako ni Von sa siko at hihilahin sana... Teka... Ako?

Pero...

"LJ!!!"

"ELLL-JAAAY!" Sigaw nila.

Sht! Ako pala ang sadya? Tagal ko ng wala sa showbiz ah?

"Bakit ka nila pinagkakaguluhan?" Tanong ni Belle sa akin ng makorner na kami.

Ako ang inaabot nila. Ako ang sinisiksik nila. Hindi ako makahinga! Pati tuloy itong tatlo nina Von ay nadadamay sa siksikan.

"Pa-autograph nga kay LJ!" Utos noong babae na kay Von pa talaga pinaabot iyong cd ko at pentel pen.

Nanglaki ang butas ng ilong ni Von. Tinitigan niya ang solo pic ko na cover ng album. Inagaw ko na lang iyon sa mga kamay niya. Gusto kong matapos na. Kaya pinirmahan ko na at ngitian ang mga papicture nila at papirma. Iyong isa kasi ay naging dalawa. Hanggang sa dumami ang nagpapapirma, nagpapalitrato at yumayakap sa akin.

"Ang ganda mo dyan ah!" Puri ni Syd.

Umirap lang ako sa kanya at pumirma na sa t-shirt na iniabot sa akin. Nang iabot ko pabalik ay bigla kong hinila ni Ate para halikan sa pisngi. Hindi ako handa kaya muntik na akong masubsob.

"Hey! Be careful!" Malamig na boses ni Von ang narinig ko sa may tenga ko.

Napalunok ako dahil nakahawak lang siya sa bewang ko. Iyong dibdib ko tuloy ay malapit sa kanya. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Hinihigop ako ng mga kagwapuhan niya. Sht! Lagi na lang akong ganito sa harap ni Von.

Forever with the Star (AWWTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon