FWTS 39

6.8K 118 51
                                    

FWTS 39

AFTER TWO YEARS

Graduate na ako ng B.S. Management. Hindi ko alam kung bakit maganda naman ang mga credentials ko, pero hindi ako matanggap sa trabaho. Kaya dahil doon ay napilitan akong pumasok ng kahit na ano. Pakiramdam ko nga ay hindi lang iyon basta malas, parang may sadyang pumupigil na matanggap ako. Ewan! Paranoid lang siguro ako.

Hindi ako pwedeng magpatumpik-tumpik dahil gagraduate na din sa wakas si Jerico sa kanyang kurso sa kolehiyo. Si Angela ay nasa first year B.S. Education na. Si Kyle ay nasa second year high-school na. In short, kailangan kong tumulong para mapaaral sila.

Ang mga kapatid ko ay doon pa rin sa apartment sa may Manila nakatira. Doon sila dahil malapit iyon sa PLM. Kasama nila doon si Cathy. Siya ang tumatayong Ate ng dalawang huli naming kapatid. Siya pa rin ang girlfriend ni Jerico hanggang ngayon. Tanggap na ang relasyon nila sa pamilya namin.

Magtatatlong taon na rin akong hindi nauwi ng Laguna. Nagtatago pa din ako sa mga magulang ni James. Habang si James naman ay sa may Cubao na nagdodorm. Malapit kasi iyon sa trabaho niya. Sa may Malacanang siya nakapasok. Iyong sangay ng Bureau of Agriculture doon. Masaya ako dahil nagawa niyang tumayo sa sarili niyang mga paa ng walang tulong ng kanyang pamilya.

Noong umuwi kami noon ni Janelle dito sa Pilipinas ay pinagkaguluhan ako ng ating local media sa airport. Ang dami ring mga talent agencies at studios na gustong kumuha sa akin para maging singer. Isang taon din akong sumabak sa pagiging manganganta. Tinapos ko lang ang mga utang ko.

Nacomatose ng halos isang buwan si James. Ayon kay James, magulang din niya ang nagutos na banggain siya ng isang Mercedez Benz. Ang dapat ata ay hindi siya pupuruhan. Gusto lang siyang pauwiin ng mga magulang niya sa kanila kapag humingi siya ng tulong.

Pero nagkamali ng kalkula ang inutusan ni Don Juan. Napasama ang bagsak ni James at nagkaroon ng namuong dugo sa kanyang ulo. Iyon ang naging dahilan para hindi siya magising sa loob ng isang buwan. Hindi na nagreklamo sa mga alagad ng batas si James noon. After all, parents niya pa rin sila kahit anong mangyari.

Kinontak ni Jerico si Janelle noon. Batang-bata pa kasi si Jerico noon sa edad na 17. Hindi pa niya kayang magpasya para kay James. Hindi niya mapagdesisyunan noon kung pabubuksan na ba ang ulo ni James o ano. Kaya kinailangan naming umuwi agad. Kailangan din namin mangutang noon ng pangdown sa hospital kay Janelle para sa operasyon.

Noong dadalhin na daw sa hospital si James ay nagbilin siya kay Cathy, bago mawalan ng malay, na huwag na huwag siyang ihihingi ng tulong sa Don at Donya. Mas gugustuhin pa daw niyang hayaan namin siyang mamatay kesa magpatulong sa magulang niya. Kaya naman iginalang namin iyon ni Cathy.

Kahit na magtulong-tulong kami nina Cathy at Jerico noon ay hindi sapat ang pera namin para sa operasyon. Kaya napilitan akong maging manganganta ng LAO ENTERTAINMENT. Sila din ang nagabono para sa hospital bills.

Unti-unti kong nabayaran ang hospital bills ni James dahil sa pagkanta. Halos umabot iyon sa 600,000! Grabe! Pinagtiyagaan ko iyong bayaran kasabay ng pag-aaral ko noon. Nang malakas na si James ay tinulungan na niya akong magbayad ng natitirang utang namin.

Forever with the Star (AWWTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon