FWTS 43
TRAINOR
Papasok na ng unit niya si Syd. Kanya pala itong pinakamalapit sa elevator? Samantalang ang akin eh mga 20 units away pa? Ganoon kalaki ang building na ito!
Kikiss sana siya sa pisngi ko bilang good night. Pero aksidenteng nabangga siya ni Von sa balikat kaya hindi natuloy. "Damot!" Inis na palatak niya. "Bukas na lang, LJ!" Anya niya sa akin.
Tumango ako at didiretso na sana sa unit ko. Pero nanglaki ang mata ko. Literal na napaawang ang mga labi ko. Parang may sumuntok sa dibdib ko!
Pagharap ko kasi ay biglang nagkiss sa lips sina Von at Belle!
Fck! Ang puso ko! Para akong sinaksak!
Umiwas ako ng tingin at nagbingibingihan sa sweet nilang paalamanan sa isa't-isa. Akala mo naman ay hindi na magkikita kung makaarte ang dalawang ito! Hay naku! Bukas lang ng umaga ay may gym schedule sila! Pss.. Ang aarte!
Nasa pinakadulo ang unit kong pinatitirahan ni Sir Lance sa akin. Wala akong magagawa kundi ang lampasan silang dalawa.
"Excuse me." Malakas na sabi ko sabay marcha. Baka sakaling maawat ang kahalayan nila!
Gusto ko na ring makapasok ng bahay ko ng marinig kong sumara na ang unit ni Belle. Tiyak na papasok na rin si Von sa dati niyang condo na 5 units away from Belle, and 10 units away from Syd. Inienter ko ang passcode ko, pero access denied??
"Anong problema nito?" Naiinis na napakamot ako ng ulo.
Nakailang enter ako ng code. Ayaw! Hanggang sa code blocked?? For real? Paano na ako nito?
"Hindi na diyan ang unit mo." Malamig na boses ni Von ang namutawi sa hallway.
Napalingon ako at naguguluhan akong tumingin sa kanya. "Huh?"
"Dito ka na simula ngayon." Sabi niya sabay turo ng unit na malapit sa kanya.
"Talaga?? Paano ang gamit ko?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Wala namang nabanggit si Sir Lance na lilipat din ako ng condo ah?
Nagsalubong ang kilay niya. "Just get inside! Birthday mo ang code niyan."
Napilitan akong maglakad pabalik doon sa unit malapit sa kanya. Bukas ay lilinawin ko ito kay Sir Lance. Pero teka.. Birthday ko? Ibig sabihin memorize niya pa din ang kaarawan ko?
Napakagat labi ako at nagpipigil ng ngiti. Alam pa rin ni Von ang birthday ko!
Pipindutin ko na sana ng muli siyang magsalita. "So umutang ka pa ng malaking halaga para ipagamot ang lalaki mo? How heroic!" Medyo may kalakasang sabi niya ng huling salita.
Naging marahas ang paghinga ko. Pakialam ba niya? Hindi ko naman siya sinumbatan na may bago na siyang nobya kahit na hindi pa kami pormal na naghihiwalay.
Hinarap ko siya para tanungin kung anong pakialam niya. Kaso sinalampakan lang ako ng pinto bago pa ako makapagsalita. Bastos iyon ah?! Hindi man lang ako pinagsalita?
Nagngingitngit na inienter ko ang code ng birthday ko. To my surprise, nagbukas nga! Nasa loob na rin ang mga gamit ko. May mga groceries pang nasa plastic bag na nasa lamesa. Sinong bumili nito?
BINABASA MO ANG
Forever with the Star (AWWTS 2)
RomanceIsang sikat na artista (Von Lee) na nainlove sa isang pangkaraniwang fan (Lianne Jaira Dimagiba). Kung titingnang mabuti para silang langit at lupa. Animo'y north at south. Magawa kaya nilang labanan ang lahat ng mga pagsubok na dadating sa kanila...