A/N:
65 VOTES & 55 COMMENTS = UPDATE! Maximum of 3 COMMENTS per user. FOR STRICT COMPLIANCE PO IYAN.
___________________________________________
FWTS 47
I MISS YOU
Gusto kong itama na hindi ko nobyo si James. Pero tumahimik na lang ako. Luckily, hindi rin nagreact si James. Okay na itong napagkakamalan ni Von na may relasyon kami ng huli. Para naman hindi ako lugi. Siya nga ay happily inlove na kay Belle eh!
Nawala ang mga ngiti sa kanyang mukha ng hindi ako sumagot. Nagsalubong ang kilay niya at mariing nagdikit ang mga labi niya. Iyong paghinga niya ay napansin ko ding naging marahas. What's with his expression??
"I didn't know that you will be this unprofessional, Lianne." Seryosong sabi pa ni Von habang nakikipag titigan sa akin.
"Hey! Wala kang karapatan na pintasan si LJ!" Galit na saway sa kanya ni James.
Umismid lang si Von sa kanya at muling tumingin sa akin. "Tss.. I'm so disappointed! Wala kang pagpapahalaga sa trabaho mo!" Naiiling na sabi ni Von.
Nanglaki ang butas ng ilong ko. Hindi ko gusto na pinipintasan niya ang pagiging empleyado ko. Pero ano nga bang tawag sa ginawa ko kagabi na paglayas sa stage habang hindi pa tapos ang kanta ko? Mukhang giliw na giliw pa namang nakikinig kagabi ang mga bisita nila Boss Lao sa akin? Eh di unprofessional nga ako? Fck!
Parang napahiya naman ako sa sarili ko. Nawawala na nga ba ang pagiging propesyonal ko? May atraso pa nga pala ako kay Sir Lance kagabi. Nilayasan ko ang performance ko at umalis akong hindi nagpapaalam kay Ma'am Hera. Baka kung aabsent ako ngayon, kung kailan ako kailangang-kailangan, ay mamuro na ako. Ang pinakamalala ay matanggal ako sa trabaho. Lalo na at alam ko kung gaano ka-perfectionists ang mga Lao.
"Are you really not coming?" Salubong ang kilay na paglilinaw pa ni Von.
Paano ba kasi niya nalaman na hindi ako papasok ngayon sa kanila? Sabagay, baka sinabi ni Ate Ghie. At talagang nagaaksaya pa siya ng oras para puntahan ako, huh? Marahil ay gusto niya talaga akong pagselosin kaya ayaw niya akong umabsent. O mas tamang sabihin, na gusto ni Von na patayin ako sa selos? Sa ganoong paraan ay wala na talagang hahadlang sa kanila ni Belle.
Nainis na ata si James. Itinulak niya si Von sa balikat. "Hindi nga siya sasama, okay?" Sarkastiko na ang way ng pagsasalita ngayon ng una. "Now, out!" Medyo may kataasan pa ng tono ng boses na sabi niya.
Tinutulak ni James si Von palabas ng bahay ko, pero ang mga mata ng huli ay patuloy na nakatitig sa akin. Nagpapasalamat ako na hindi ito nauwi sa madugong usapan na naman. Ngunit parang nakakakonsensya naman ang malungkot na mga mata ni Von na patuloy na nakalingon sa akin.
"Lianne." Nagpuppy eyes pa siya.
Sht! Hindi ko kaya! Nababagabag ako!
"James! Teka..." Pigil ko kay James habang nakatingin ako kay Von. Inilipat ko ang paningin ko sa una. "Papasok muna ako ngayon. Para makapag paalam din ako ng maayos kay Sir Lance pagkatapos." Dagdag ko pa.
"Are you sure?" Nagaalalang tanong ng kaibigan ko. Tinigilan na rin niya ang pagtulak kay Von.
Tumango ako sa kanya at tumingin kay Von. Parang nagpipigil siya ng pagngiti. "Mauna na kayo. Susunod ako." Bilin ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Forever with the Star (AWWTS 2)
RomanceIsang sikat na artista (Von Lee) na nainlove sa isang pangkaraniwang fan (Lianne Jaira Dimagiba). Kung titingnang mabuti para silang langit at lupa. Animo'y north at south. Magawa kaya nilang labanan ang lahat ng mga pagsubok na dadating sa kanila...