FWTS 52

6K 144 64
                                    

A/N:

65 VOTES + 60 C0MMENTS = UPDATE! MAXIMUM OF 3 COMMENTS PER READER. Paki check pong mabuti kung pumasok ang votes ninyo. Lalo na po sa mga mobile user. Kasi sa mobile, pwede palang bawiin ang votes. Baka nakaboto na kayo tapos accidentally ay napindot pa ninyong muli kaya nawala ang vote ninyo. Sayang kasi ang tagal ng pag-aantay kapag ganoon. Mag-ingat po tayo sa pagpindot ng VOTE. Importante ang bawat boto ninyo.

Paki balikan po ang FWTS 51. Baka nabura ang vote ninyo. Please? This will mean a lot to me.

Please add TROY'S ACHILLES to your reading list. Paki like din po ang FACEBOOK PAGE na ANGELMELAY WATTPAD. Diyan ako magpopost ng teaser bukas. 

Thank you all! :*

__________________________________

FWTS 52

MESS

Dahil sa laki ng utang na loob at pera ko sa mga Lao kaya napilitan pa din akong sumama sa fund raising event. Laking pasasalamat ko na lang at nagvolunteer si Syd na isakay ako sa Chevrolet niya.

Wala rin akong choice kundi suotin ang isa sa mga damit na binili sa akin noon ni Von. Hindi naman alam ni Belle na sa kanya galing itong above the knee na black dress ko kaya ayos lang. Pinapangako ko sa sarili ko, na bibili na ako ng mga damit ko sa dadating na sweldo. Sakit ko talaga ito eh. Nakakalimutan ko palaging bilihan ang sarili ko ng mga kailangan ko.

"Just ignore them, LJ." Bulong sa akin ni Syd habang naglalakad na kami sa red carpet.

Tumango ako. Tanaw na tanaw namin na nililitratuhan na ang Colours. Si Syd na lang ang kulang. Nasa magkabilang gilid sina Belle at Von. Mukhang hindi sila nagkaayos dahil himalang magkahiwalay sila ng pwesto. Kahit na nakangiti si Belle sa camera ay halatang malungkot ito. Parehas kaming namamaga ang mga mata. Iba na rin ang suot niyang gown. Kulay dark green na. Halatang nagbihis at nagayos siyang muli pagkatapos ng engkwentro nila kanina.

I wonder kung break na sila?

Ipinilig ko ang ulo ko. Pumunta ako sa tabi nina Ate Ghie na pormado din ang mga suot. Pinanuod ko lang ang banda sa pagpapalitrato. Hindi ko maiwasang hindi mainis sa sarili ko. Nang dahil sa akin, muntik ng mabuwag ang banda.

"Mukhang may problema sina Sir Von at Miss Belle. Kanina pa sila hindi nagpapansinan. Sa Lamborghini pa niya sumakay si Sir Von. Hindi siya sumabay sa amin sa coaster." Pabulong na balita sa akin ni Ate Ghie.

"Ganoon po ba? Wala po akong alam kung may tampuhan silang dalawa eh." Pagsisinungaling ko. Hindi naman ako natutuwa sa sitwasyon ko, para ipamalita ko pa.

Iniharap ako ni Ate Ghie sa kanya. Tinitigan ang aking mukha. "Bakit parang umiyak ka din? Parehas kayo ni Miss Belle na namamaga ang mga mata." Puna niya sa akin.

Tumango ako. Siyempre, hindi ko aaminin. "Opo. Medyo may problema nga kasi sa kapatid kong si Jerico. Kaya nga hindi ako nakapag-assist sa Colours kaninang umaga." Palusot ko. Patawarin sana ako ng Diyos sa kasinungalingan ko.

"Ahh." Aniya niya at umayos na nang tayo.

Papasok na kami sa hotel ng magtama agad ang paningin namin ni Von. Halatang nagaalala siya sa akin. Lalapitan niya sana ako kaya humakbang agad ako palapit kay Syd. Humawak ako sa braso niya dahil alam kong palihim siyang sinusundan ng tingin ni Belle. Pinapanood ang bawat galaw niya.

Forever with the Star (AWWTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon