FWTS 75

5.7K 165 113
                                    

FWTS 75

A WEEK WITH THE STAR

Malaki na talaga ang pinagbago ni Von. Simula ng ikinasal kami, hindi na siya masyadong seloso. Well, ano bang ipagseselos pa niya eh Mrs. Von Anthony Lee na niya ako?

Katulad na lang ngayon. Pinayagan niya si James na makasama ko dito sa Canada. Tulad ng dating plano ay nauna ako. Susunod siya bukas. Sayang nga lang at sa internet o tv na lang niya mapapanood ang awards night na kakantahan ko mamayang gabi. Namimiss ko tuloy siya.

"LJ, first time natin ito abroad. Gusto mo bang mamasyal tayo?" Yaya sa akin ni James.

Naandito kami sa hotel lobby. Nailagay na namin sa kanya-kanyang reserve rooms namin ang mga bags namin. Katatapos lang naming magsnack kanina sa restaurant ng hotel na ito.

"Sige. Mamaya pa namang gabi ang awards night." Masayang sambit ko.

Mukhang hiyang ako sa lamig dito sa Canada. Hindi ako masyadong nahihilo o nasusuka. Siguro ay dahil sa init lang iyon sa Pinas kaya masama lagi pakiramdam ko.

Ngumiti si James kaya hindi ko napigilang kurotin ang pisngi niya. "Aray!" Reklamo niya.

Pangilang beses ko na ba iyang ginawa? Hindi ko na mabilang. Basta ang alam ko, cute na cute ako kay James.

"Sorry! Tara na!" Masiglang sabi ko sabay hila sa kanya. Sasakay kami sa car na padala ng Lao Entertainment para sa akin dito sa Canada. Ito daw ang official service ko kahit saan ako pupunta.

Ngumuso si James. Kaya napangiti ako ng wagas na wagas. Ang cute niya! Well syempre, gwapo si Von ko.

"Mukhang masaya ka ah." Puna niya sa akin habang umaandar na kami.

"Oo naman. Ikaw ba hindi?"

"Masaya din. Basta huwag mo na akong kukurutin ulit sa pisngi." Nakasimangot na sambit niya. Iyon ba ang masaya?

"Okay." Tipid na sagot ko kahit hindi bukal sa loob ko. Mamaya ay kukurutin ko ulit siya. Ang cute kasi ng pisngi niya.

Nang makarating kami ng mall ay masayang masaya ako. Halos mabalian si James nang hinatak ko para bumili ng ube ice cream. Kung hindi ko lang alam na negative ang PT ko, iisipin kong buntis ako.

Napangisi ako ng maalala ko ang note na iniwan ko sa bahay namin ni Von bago ako umalis..

Von Baby,

Have a safe flight sa pagsunod mo sa Canada. Mamimiss kita kahit isang araw lang iyon. I can't wait for you na masundan ako. Excited na ako! Gustong gusto na kitang makasama doon para makagawa na tayo ng baby natin. I love you!

-Lianne

P.S.

Negative ang pregnancy test ko kaya sana magawan natin iyan ng paraan doon sa Canada.

Iniwan ko pang kasama ng note ko iyong PT na binili namin ni James noon. Tiyak na nakita na iyon ni Von. Totoo naman ang sinasabi ko. Yayayain ko talagang magkaroon kami ng sexy time ni Von dito. Gusto ko na talaga ng baby. Kaya siguro nitong mga nakaraang araw ay masyado akong agresibo sa pagniniig naming magasawa. Daig ko pa ang buntis na naglilihi sa pakikipag lovemaking kay Von.

"Hindi ka ba nagsasawa diyan?" Kunot noong tanong ni James.

Umiling ako. "Hindi." Dahil sa totoo lang, kahit nga sa agahan ay nagke-crave ako sa sorbetes na ito.

Forever with the Star (AWWTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon