A/N:
Huwag ninyo akong awayin. Kung i-hahappy ending ko ito agad, ibig sabihin matatapos na. Gusto ba ninyong tapusin na natin? Just tell me para Chapter 45 ay Epilogue na. Madali naman akong kausap.
Iyong naghahanap ng explanation ni Von, ibig sabihin ay hindi ninyo nabasa ang part 1 nito. Ganoon din ang gagawin kong format. Okay? Pero kung mapilit talaga at hindi na makapaghintay, sorry to announce this, hanggang Chapter 45 na lang tayo.
Dedicated ito kay @SoMini. Siya lang ang unang nakaunawa na mawawala ang suspense kung malalaman agad ang POV ni Von.
45 VOTES & 35 COMMENTS = UPDATE!
____________________________
FWTS 40
THE LION
Parang wala tuloy ako sa sarili ng umakyat na ako sa opisina ni Mr. William Sy. Hanggang sa bumaba kami sa Studio A, sa second floor ng building na ito, ay iniwan pa din ako ng aking kaluluwa. Hindi kasi ako mapalagay sa naging engkwentro namin ni Von kanina. Sobrang lapit namin para hindi niya ako marinig.
"LJ, I think you should rest. Mukhang wala ka sa usual self mo today." Puna sa akin ng aking macho gwapitong amo na si Sir William.
Tumungo ako sa kahihiyan. Pati amo ko tuloy ay nahahalata na ako. Nakakahiya kay Sir Will...huhuhu!
"S-Sorry po. Gutom lang po ako siguro." Pagsisinungaling ko.
As usual, mabait pa rin ang amo ko sa akin. Ngumiti siya at ipinatong ang kamay sa balikat ko. Mga gestures niya na kung ituring ako ay hindi isang empleyado niya kung hindi parang nakakabatang kapatid na babae.
"Here." Sabi niya sabay abot ng 1,000 bill sa akin. "You may eat first sa canteen. Si Paeng muna ang bahala sa akin." Dagdag pa niya.
Swerte ako, hindi ba? Kaya madalas ay hindi ko masyadong nagagalaw ang aking sweldo. Konti lang ang nababawas ko kaya medyo umuusad na ang utang ko noong na hospital si Kyle kasi sobrang galante ni Sir Will.
Bumaba ako at bumili ng dalawang sandwich para sa amin ni Sir William. Bumili na rin ako ng kanyang Propel at Iced Tea naman sa akin. Pabalik na sana ako sa Studio A nang matanaw kong masasalubong ko si Syd, Belle at Von.
"Sht!" Mahinang mura ko.
Walang ibang daan palabas ng canteen kaya mas minabuti kong umupo na lang sa pinakadulong lamesa. Sa parteng hindi masyadong pansinin. Iniharang ko pa ang mataas na halaman na nasa paso para makapagtago ako ng ayos.
"What do you want, Baby?" Nasilip kong tanong ni Belle kay Von pagkatapos nilang makapili ng pupwestuhan.
Nakasandal si Von sa upuan. Nakalagay ang magkabila niyang palad sa likod ng kanyang ulo. Parang pagod na pagod na siya.
"Kahit anong sandwich na lang." Nakangiting sagot ni Von.
Kumukulo ang dugo ko. Baby din ba ang tawagan nila? Although, hindi ko pa naman naririnig na tinawag ni Von ng Baby si Belle, the fact na ganoon ang tawag ng huli sa una ay ganoon na rin iyon. Sht lang! Iyon din ang tawag niya sa akin dati eh!
Pss.. Ang bagay na tawag kay Belle ay Mommy o Inay! Kung si Von ang baby niya, siya iyong ina! Para sa akin, hindi sila bagay. Never silang magiging bagay! Ako lang ang babagay kay Von. Ang bitter-bitter ko na.
![](https://img.wattpad.com/cover/17625859-288-k57725.jpg)
BINABASA MO ANG
Forever with the Star (AWWTS 2)
RomanceIsang sikat na artista (Von Lee) na nainlove sa isang pangkaraniwang fan (Lianne Jaira Dimagiba). Kung titingnang mabuti para silang langit at lupa. Animo'y north at south. Magawa kaya nilang labanan ang lahat ng mga pagsubok na dadating sa kanila...