FWTS 16

8.1K 97 18
                                    

A/N:

Wala kaming kuryente. Naki-charge lang po ako sa kabilang bayan. Sorry kung medyo delayed ang mga uploads natin ng mga chapters.. Bawi po ako kapag may kuryente na sa Laguna at may internet na kami.

__________________________

FWTS 16

KARAPATDAPAT

Binalot ako ng mas matinding nerbyos ng mapatingin siya kay Von at sabihin ni Tatay ang "Sino ka?" sa kanya.

"Von Anthony Lee po, Sir. Ako po iyong boyfriend ni Lianne." Magalang na pakilala ni Von kay Tatay. Yumukod pa siya ng kaunti bilang pagbibigay galang.

Totoo pala ang mga napapanuod at nababasa ko na nakaka-kaba ang meet the parents na mga eksena? Kasi ako ngayon ay halos mabingi na sa lakas ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Natatakot ako sa maaring itanong o sabihin ni Tatay sa aking nobyo.

Tumango-tango si Tatay. Halata kong malalim ang kanyang iniisip habang umuupo sa upuang pang-isahan sa tabi ng kay James. Minuwestra niya kay Von na bumalik sa upuan nito sa tabi ko.

"Ikuha mo nga ng biko ang Tatay mo, Jerico." Utos ni Nanay. "At ikaw, Kyle, bumaba ka dyan sa kandungan ng Kuya James mo. Pagod iyan sa pagmamaneho." Baling naman niya kay Bunso.

Tumayo si Kyle mula sa pagkakaupo sa hita ni James. Nagulat na lang ako ng lumapit siya kay Von. "Kuya, kandong." Inosenteng sabi niya. Nakangiti naman siyang kinandong ng aking nobyo. Napangiti na rin ako.

"Ano ba, Kyle?! Huwag ka ngang magpakandong muna sa kanila. Pagod sila sa byahe." Medyo naiinis na saway ni Nanay.

"Nanay, sabi mo po umalis ako kay Kuya James? Kaya nga po dito ako lumipat kay Kuya Von eh. Bawal pa din pala?" Nakangusong sambit ni Kyle.

Napakagat labi ako. Napaka slow naman ng kapatid ko. Kanino kaya ito nagmana? Baka kay Jerico. Hindi naman ako ganito eh.

"Kyle.." Nagbabanta na ang boses ni Nanay.

Parang kinuryente naman si Kyle na tumayo. Lumapit ito kay Tatay. Agad namang nagsalita na naman si Nanay. "Kyle, isa! Kay Tatay mo naman ikaw magpapakandong? Pwede bang sa labas muna kayo ni Angela? May paguusapan kami." Anya ni Nanay.

Nakanguso itong humarap kay Nanay. "Nanay, hahalik lang ako kay Tatay. Hindi naman ako magpapaandong eh." Kakamot-kamot na paliwanag niya.

"Halik na, Anak." Sabi naman ni Tatay at hinila siya ng marahan palapit. "Sa labas na muna kayo ni Ate Angela mo, ha?" Mahinahong dagdag pa ni Tatay.

Tumayo si Angela at lumapit kay Bunso. "Halika na Kyle. Maglaro tayo sa labas." Yaya sa kanya at lumabas na sila.

"Tatay Dan, kumusta naman po ang mga palay natin?" Pagpukaw ni James sa atensyon ni Tatay.

"Ayos naman po, Sir.."

"James po, Tatay Dan. Huwag na pong Sir. Hindi naman po ako ang amo ninyo." Pagputol ni James sa sinasabi ni Tatay.

Napakamot sa ulo si Tatay. "Bukas ay mag-aanihan na, James. Tiyak na pupunta doon ang iyong mga magulang. Alam ba nilang naandito ka na?" Tanong pa niya habang inaabot ang biko na bigay ni Jerico.

"Hindi pa po. Dito po kasi kami agad dumiretso." Nakangiting sabi ni James.

Napangiti si Tatay. "Swerte pala kami kung ganoon. Nauna ka pang dumaan dito sa amin kesa umuwi sa inyo." Anya niya.

"Ah..opo. Ganoon na nga po." Parang nahihiyang sagot ni James kay Tatay. "Oo nga po pala, Tatay Dan. I'm planning to buy a house sa Manila. Bibili po ako doon ng maayos na bahay. Papayag po ba kayo na doon tumira sina LJ at Jerico? Kasama na rin po namin si Cathy. Kesa naman po naupa pa sila." Paalam niya.

Forever with the Star (AWWTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon