FWTS 19

8.9K 99 25
                                    

FWTS 19

NAGBABAGANG TITIG

"Hindi mahal? Ano ka ba naman, Baby? Mahal na mahal kita. Huwag kang magisip ng kung anu-ano." Paglalambing ko sa kanya. Addict din itong si Von eh. Bakit ba niya naisip ang bagay na iyon?

Kahit medyo madilim ay nakita ko kung paano magliwanag ang mukha ni Von. "Talaga?" parang bata na tanong pa niya sa akin.

Hinawakan ko ang magkabilang gilid ng ulo niya. Pinakatitigan ko ang kanyang gwapong mukha. "Oo. Talaga!" Nakangiting sagot ko.

"Kuya Von, sayaw tayo." Biglang yaya ni Gina kay Von.

Napatingin ako sa kanya. Kahit nakangiti siya kay Von ay halatang may gumugulo sa isip niya. Hindi ko tuloy napigilang hindi sulyapan ang kapatid ko. Kitang-kita ko ang pagkadismaya sa mukha ni Jerico. Ano ba talagang meroon?

Pero nang makita niya akong pinapanood siya ay ngumiti ng pilit ang kapatid ko sa akin. Gusto ko sanang matawa kasi epic fail ang pilit niyang pagngisi. Mukha siyang natata3.

"Ate, pwede ba kaming sumayaw ni Kuya Von?" Baling ni Gina sa akin. Hindi ata sumagot ang nobyo ko sa yaya niya kanina.

Hindi ko tuloy maiwasang mapatingin na rin muli kay Von. The way I see it, mukhang inoobserbahan niya ang magiging reaksyon ko. Nakakainis! Gusto ba niya talaga akong magmukhang selosang girlfriend? Bakit hindi na lang niya sinagot ang tanong ni Gina? Bakit kailangang ako pa?

Sa huli, para hindi naman ako kaasaran ni Gina ay narinig ko na lang ang sarili kong, "Ok."

"Lianne." Himutok ni Von.

Pero bago pa ako makapagsalita ay nakita ko nang kinaladkad siya ni Gina sa gitna ng dance floor. Kung pwede ko lang batukan ang sarili ko ay ginawa ko na. Bakit ba kasi ako pumayag?

"I can't believe that you said yes, Ate!" Naniningkit na asik sa akin ni Jerico.

Binigyan ko siya ng nagtatanong na titig. "Ayaw kong magmukhang kill joy, Jerico. Niyaya siya ni Gina. Anong gusto mong sabihin ko? Na hindi pwede? Baka isipin ni Gina ay madamot ako masyado." Naiinis na paliwanag ko.

Pigil ng kapatid ko ang mairita. Ginulo na lang niya ang kanyang buhok. Ano bang problema niya? Ako ngang girlfriend eh okay lang sa akin eh. Pero okay nga lang ba?

"Hindi ka ba nagseselos sa kanila?" Tanong ni Jerico sa akin habang nakahalukipkip at tamad na nakasandal na ngayon sa kanyang upuan. Masama ang tingin niya sa dalawa na ngayon ay nagsasayaw na.

Pati tuloy ako ay napatingin sa gawi nina Von at Gina. Halos marindi ako sa tibok ng puso ko ngayong nakikita kong hawak ni Von ang bewang ni Gina. Si Gina naman ay nakasabit ang mga braso sa batok niya. Sobrang lapit nila sa isa't-isa na parang ang sarap lagyan ng paputok sa gitna nila para maghiwalay sila.

"N-Nagseselos." Nasabi ko tuloy ng wala sa sarili habang nakatitig sa mga mata ni Von.

Kasayaw niya si Gina, pero sa akin siya nakatingin. Iyong titig naman niya ay parang bigong-bigo siya sa akin. Parang nanunuot sa aking kaluluwa. Sht! Pakiramdam ko tuloy ay pinagkanulo ko ang aking sariling kasintahan.

"Ganoon naman pala eh!" Sabi ng kapatid ko na halos mapatalon ako ng bigla niyang hampasin ang lamesa. "Anong ginagawa mo dito, Ate? Bakit hindi mo kunin si Kuya Von doon?" Dagdag pa niya ngayong sa kanya na ako nakatingin.

Umiling ako. "Hindi porke't nagseselos ako ay iyon na ang tamang gawin, Jerico." Sabi ko pa.

"Pero, Ate..."

Forever with the Star (AWWTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon