FWTS 25

7.4K 95 27
                                    

FWTS 25

KASALAN

Umaga pa lamang ay excited na ako sa lakad namin ni James mamaya. Sobra-sobra na ang kaba ko. Pero wala akong pinagsabihan kahit isa sa aking pamilya. Mas kakaunti ang nakakaalam, mas safe ang plano namin nina James at Von. Kapag kasi madaming nakaalam, baka pumalpak pa! I can't risk this chance.

Umaga pa lamang ay ipinahatid na kami sa isa pang bahay ng mga Villareal dito sa aming probinsiya. Ang sabi nila, dito daw kami manggagaling ng aking pamilya bago ang kasal ko. Ito na rin daw ang magiging bahay namin ni James pagkatapos ng kasal.

"Pwede mong isama ang pamilya mo dito, LJ. Huwag na kayong tumira sa kubo. Baka sabihin ng mga kamag-anak at kakilala namin na hindi ka bagay sa aming si James. Turn-off naman kasi ang bahay ninyo." Nakangiting sabi sa amin ni Donya Juana kaninang umaga ng tagpuin niya kami dito sa isa pa nilang bahay.

Pilit akong ngumiti. Maaring marangya at malaki ang bahay na ito, pero hindi ko nanaising tumira dito kasama ang taong hindi ko mahal. Wala naman iyon sa laki o liit ng bahay. Wala iyon sa pagkarangya o pagkadukha ng tahanan. Ang importante sa akin ay kung mahal ko ang kasama kong titira sa isang bahay.

Parang nainsulto si Tatay sa sinabi ni Donya Juana. "Hindi na po, Madam. Doon na lang kami sa kubo namin. Maliit man iyon, doon ko naman nagawang itaguyod ang mga anak ko. Si LJ na lang siguro ang titira dito. Siya lang naman ang papakasalan ni James eh." Seryosong tanggi niya sa alok na iyon ng Donya.

Tumango-tango si Donya Juana. "Sige. Kung iyan ang gusto ninyo. Wala akong magagawa." Anya pa niya.

Gusto kong matawa. Kung iyon daw ang gusto namin? Halos gusto kong isigaw sa mukha niya na, bakit ang kagustuhan kong umatras sa kasal ay ayaw niyang pagbigyan? Hindi ba pwedeng iyon na lang ang sangayunan niya?

Kung nakatanggi sina Tatay na dito rin sila tumira, hindi sila nakatanggi ng isama sila ni Donya Juana para ipamili ng mga damit na gagamitin mamayang hapon. Kasama rin nila ang mga kapatid ko. Hindi na lang ako umimik. Hindi man matuloy ang kasal, at least, may bago silang mga damit.

"Ate, magpapakasal ka ba talaga kay Kuya James?" Bulong sa akin ni Jerico ng maiwan kaming magkakapatid sa sala.

Nasa library kasi si Donya Juana kasama ang mga magulang ko. Inaasikaso ata nila ang ilan pang detalye at requirements ng kasal namin ni James. Sayang lang ang efforts nila. Alam kong hindi naman matutuloy ang kasalan. Pero hindi ako kokontra. Baka mahalata lamang.

Hindi ako sumagot. Ngumiti lang ako. Pero ang matabil na si Angela ang sumagot sa kanyang Kuya Jerico.

"Tuloy na nga, Kuya. Ano ka ba? Kaya nga inaasikaso na nina Tatay at Donya Juana eh." Sabat ni Angela.

Hindi siya pinansin ni Jerico. Bagkus ay sa akin pa rin nakatingin. Para bang sinusukat niya ang sinseridad ng magiging sagot ko. "Paano si Kuya Von?" Kulit pa niya.

"Mahal ko pa din siya." Hindi ko napigilang aminin.

"Then bakit hindi ka pa umatras, Ate?" Naiinis na giit niya pa.

Umiling ako. "Paano tayo kung gigipitin ang mga magulang natin ng Don at Donya?" Pagdadrama ko pa.

Pero sa totoo lang, sumagi din iyan sa utak ko. Pinanghawakan ko na lang ang pangako ni James na siya ang bahala sa pamilya ko.

Inis na inihilamos ni Jerico ang kamay niya sa mukha. "Pwede naman tayong maghanap ng paraan. Mangibang lugar tayo." Anya niya.

Sasagot sana ako ng lumapit sa akin si Kyle. "Ate, ring-bearer ba ako?"

Forever with the Star (AWWTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon