A/N:
Please add my new story on your reading list, Troy's Achilles http://www.wattpad.com/story/21200381-troy%27s-achilles. Salamat po!
_______________________________
FWTS 31
START A NEW
Sasagot na sana siya nang may marinig kaming kalabog sa sala. Nagkatinginan kami ni Cathy at agad na magkasunod na tumakbo palabas.
"James, anong..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko.
Agad akong lumapit sa pwesto ni James. Tinulungan ko siyang iupo ang kapatid ko na halos hindi na maidiretso ang malambot na tuhod. Sobrang lasing!
"Pahbah ya han nga nihnyoh akoh..." Putol-putol na sabi ng lasing na lasing na kapatid ko.
Napatingin ako kay Cathy. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata para sa kapatid ko. Alam ko namang parang kapatid na rin kasi ang tingin niya ay Jerico.
"Ano bang problema mo? Bakit ka naglasing?" Kastigo ko sa kapatid ko.
"Kumuha ka nga ng basang towel, Cathy. Please?" Pakiusap naman ni James. Para mapunasan ang lokong batang ito.
Umiling-iling si Jerico. Hindi siya sumagot. Nanatiling pikit ang kanyang mga mata. Pulang-pula ang mukha niya at leeg. Amoy na amoy ang alak sa singaw ng kanyang katawan.
"Jerico, saan ka ba uminom? Sinong kasama mo? Anong problema mo?" Sunod-sunod na tanong ko.
Am I too busy with my lovelife at hindi ko na naintindi ng ayos ang kapatid ko? Tingin ko tuloy ay sobrang inutil ko! Wala akong kwentang kapatid.
Nakabalik na si Cathy. Inabot ang towel kay James at tahimik na nagmasid sa amin.
"Jerico, anong problema? Nag-aalala kami sa iyo." Si James naman ang pilit na kumakausap sa kanya habang pinupunasan ang leeg niya at mukha.
Dumilat ang sobrang pungay na mga mata ng kapatid ko. Halatang lasing pa sa dakilang lasing.
"Wah lah ito...."
Nagpanic na ako ng hindi niya natapos ang sasabihin niya at humagulhol na siya ng iyak. Parang kinukurot ang puso ko. May mabigat siyang problema. Kahit kailan ay hindi ko pa nakitang umiyak ang kapatid ko ng ganito....and it pains me.
"Jerico.. Jerico... Anong problema?" Alo ko sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
Kung hindi ako iniwan ni Von ay hindi ko siya poproblemahin. At kung hindi ko siya pinoroblema, nabigyan ko sana ng dagdag na pansin ang kapatid ko.
Umalis siya sa pagkakasubsob sa balikat ko. Kumunot ang noo ko ng tumingin siya kay Cathy. Pilit na pinipigil ni Jerico ang pagiyak. Hihikbi-hikbi tuloy siya!
"Wahlah.. lahng nah..man si Gina, Cathy. Nah..guhgu..luhan lahng.. akoh." Lasing na sabi niya.
Laglag ang panga ko at napatayo ako ng marinig ko ang sinabi niya. Lalong nagulat ako ng bigla niyang hilahin si Cathy sa kamay. Napasubsob tuloy sa kanya si Cathy ng bigla niyang niyakap ang kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Forever with the Star (AWWTS 2)
RomanceIsang sikat na artista (Von Lee) na nainlove sa isang pangkaraniwang fan (Lianne Jaira Dimagiba). Kung titingnang mabuti para silang langit at lupa. Animo'y north at south. Magawa kaya nilang labanan ang lahat ng mga pagsubok na dadating sa kanila...