FWTS 12

8.6K 102 13
                                    

FWTS 12

SECRET

Nang matapos ako ay lumabas na ako ng kwarto. Naabutan ko silang nasa salas na tatlo. Kagigising lang ni Bez.

"LJ, hindi ako makakasama. Paki bigay mo na lang kina Nanay itong pera para sa mga kapatid ko." Sabi sa akin ni Cathy ng makita ako.

Lumapit ako at umupo sa tabi niya. "Paki sabi mo na lang na hindi ako papasok ngayong Biyernes. Kailangan nga kasi naming umuwi." Habilin ko kay Bez.

Humilig siya sa aking balikat. "Gusto ko sanang sumama. Kaso madalian naman kasi. Hindi pwedeng parehas tayong wala sa trabaho ng biglang-bigla." Anya niya.

"Dito ka na lang para may taong bahay." Biro ko sa kanya.

Paglingon ko sa kaliwa ko ay nahuli kong nakatitig sa akin si James. Naiilang na nag-iwas agad ako ng tingin.

"Ate, handa na ba si Kuya Von? Payagan kaya siya ng manager nila?" Tanong sa akin ni Jerico.

Nilingon ko siya sa tabi ni James. Nadaanan ko na naman tuloy ang nakakailang na titig niya sa akin. Kaya itinuon ko na lang ang pansin ko sa kapatid ko na kausap ko.

"Hindi ko alam. Hindi pa kami nagkakausap ulit eh. Pero ang sabi niya kaninang madaling araw ng ihatid niya ako ay susubukan daw niyang magpaalam." Sagot ko.

"Kailangang payagan siya dahil ipinatatawag siya nina Tatay Dan." Singit ni James na hindi ko pinansin.

Kung hindi sana niya ibinalita agad kina Tatay, eh di sana hindi kailangang magpaalam ni Von ng madalian. Epal kasi eh!

"Kung bakit naman kasi madalian. Wala tuloy sa plano na umuwi agad kayo." Sabat naman ni Cathy.

I agree with you, Cathy! Sana mapagtanto rin nitong kababata kong chismoso ang nagawa niyang abala sa nobyo ko.

Agad namang sumingit ang kapatid ko. "Ate, wala tayong magagawa. Nalaman na nila eh."

Umismid ako. "Kasi naman, pinangunahan ako ng nagsabi." Sabi ko.

Actually, hinuhuli ko lang kung tama ang hinala ko na nagsumbong si James. Pero malakas talaga ang kutob ko. Wala namang may ibang access sa amin sa probinsiya. Siya lang naman. Malamang na siya ang nagsabi niyan!

"Sabagay, nasa plano na naman ninyo iyan diba, Bez? Ang kaso lang napaaga." Anya ni Cathy sa tabi ko.

"Napaaga man o hindi, kailangan niyang pumunta. Pinapatawag siya eh." Singit ni James.

Naningkit ang mga mata ko sa kanya. Umiwas naman siya ng tingin. Dapat dito sa kababata ko ay nilalagyan ng tape ang bibig eh! Kainis!

"Pero mas maganda sana kung sa schedule na naiayos na niya." Anya ko na naninigkit ang mata sa mapapel kong kababata.

"Bakit kasi may nagmamadaling sinabi agad?" Komento ni Cathy.

"Ate Cathy.." Awat ni Jerico.

Confirmed. Alam ni Cathy na may nagsabi. Pinagtatakpan nila si James. Bakit ba kasi nakialam pa siya? Nakakainis talaga siya!

"Uuwi naman talaga kami para ipakilala ko siya kina Tatay. Actually, siya nga ang nagpupumilit eh. Ang kaso, plano niya sanang magpapaalam lang muna siya sa manager niya para maiayos ang mga shows nila. Pero dahil sa pinatatawag na siya ng magulang namin, wala siyang choice kundi i-cancel ang kung anumang appointments niya." Sabi ko na nakatingin kay James. Sa kanya ako nakatingin para marealize niya na dapat hindi niya ako pinangunahan.

Forever with the Star (AWWTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon