FWTS 53

5.9K 128 68
                                    

A/N:

Ingat po tayo sa bagyong Mario. Keep safe everyone!

______________________________________________

FWTS 53

BINGI

LJ D STEALS FAMOUS SINGER VON LEE TO GIRLFRIEND, BELLE ALZONA. - Manila News

LJ D... REASON FOR VON-BELLE BREAK-UP? WHAT A SLU*?! - Chismis Today

BELLE BLAMES LJ D FOR VON-BELLE'S BREAK-UP? - The Star Magazine

SLUT EX-GIRLFRIEND, LJ D... FLIRTS WITH BELLE'S VON LEE! - Showbiz Buzz

Masisisi ba ako ni Von kung panghinaan ako ng loob? Kung kailan handa na siyang ipaglaban ako ay saka naman ako naduduwag?

Madaling sabihin na dapat ay ipaglaban ko si Von, panindigan ko ang pagmamahal ko sa kanya, o huwag nang pansinin ang mga taong bumabatikos sa akin. Pero kung ikaw ang nasa lugar ko, makakayanan mo bang huwag silang pansinin? Makakaya mo ba na pinagbubulungan ka ng mga tao sa paligid? Makakaya mo bang harapin ang mga pangungutya ng mga tao? Makakalakad ka pa bang taas noo kung tinatawag kang mangaagaw ng nobyo?

Maaring nauna nga akong minahal ni Von. Pero hindi pa rin mabubura ang katotohanan na si Belle na ang alam ng masa na nobya niya ngayon. Na may mga nakakaalam nang naghiwalay sila at ako ang dapat sisihin. Ako ang malanding mangaagaw ng nobyo ng may nobyo. Minsan tuloy, kahit ako ay naiinis na sa sarili ko. Bakit nga ba hindi na lang ako umiwas sa kanya simula pa lang? Sana ay wala akong pinoproblema ngayon.

Dahil doon, ako ang sinisisi ng karamihan. Mas maganda pa sanang naghiwalay na lang muna silang magkasintahan. Ilang linggo o buwan na pahinga muna si Von sa pagibig. Hindi muna ako sana napaugnay sa kanila. Pagkatapos matanggap ng publiko na hiwalay na ang magkasintahan Von at Belle ay saka ako eeksena. Ngunit imbes na maging ganoon, iba ang nangyari. Pagkatapos malaman ng publiko na hiwalay na sila, malalaman na ako na agad ang hinahalikan niya.

Kesa naman ang ganito. Ako ang lumabas na kontrabida. Ang alam ng mga tao ay nagkasira sila dahil sa akin. Maaring sa nakakaalam ng istorya ng buhay namin ni Von, mula simula, ay walang makikitang mali doon. Ngunit lahat ba ay alam ang buong kwento? Siyempre hindi! Kung anong nasa balita ay doon sila kukuha ng basehan sa panghuhusga sa akin.

Bakit ba kasi ako pumayag na halikan niya? Mula ng gawin niya iyon, nawala na sa akin ang tamang pagdedesisyon. Masyado na akong nabihag ng masasarap at may pagmamahal na mga halik ni Von.

Ilang araw na ang lumipas. Parang gusto ko na lang magpakalayo-layo. Ayoko munang makarinig ng mga negatibong balita tungkol sa akin. Kung sasama sa akin si Von ay mas mabuti. Pero kung solo akong lalayo ay ayos na rin.

Ngunit saan nga ba ako pupunta? Patuloy ang paguugnay ng pangalan ko sa Von-Belle break-up. Kahit saan ata ako magbakasyon ay hindi rin naman ako matatahimik. Parang tanging sa Mars lang ata walang nakakakilala sa sikat na star na si Von.

I need a breath of fresh air. Pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga sa pangbabatikos sa akin. Ito pala ang kapalit ng pagmamahal sa isang Von Anthony Lee. Kung sana ay wala siyang naging nobya pagkatapos ko ay mas magaan sana ang sitwasyon ko.

"Hoy! LJ D!" Malakas na tawag ng isang babaeng reporter sa akin. May kasunod pa siyang cameraman na may bitbit na camera. Hindi rin masyadong bastos ang isang ito, ano??

Naandito kasi kami out of town. Naimbitahan kasi ang Colours para magperform sa opening ng Becher Empire. Naiwan ako dito sa dressing room at inaayos ang mga gamit nila. Habang sina Ate Ghie, Kuya Kit at Kuya Tim ay kasama nila sa labas para bantayan sila.

Forever with the Star (AWWTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon