FWTS 73

4K 150 79
                                    

FWTS 73

UNTIL FOREVER

"Ow! Saan ninyo ako dadalhin?" Nagugulat na tanong ko. Bigla kasi akong hinila ng mga tauhan ng Lao Entertainment pababa ng stage pagkatapos kong mag-yes kay Von.

Hindi sila nagsalita at nanatiling sarado ang mga bibig. "Hoy! Ano bang gagawin ninyo sa akin?" Pangungulit ko pa.

Binitawan na kasi ako ng grupo ng mga lalaking Lao bodyguards, para ibigay sa kulang kulang na sampung babaeng make-up artist ng Lao Company.

"Aayusan ka lang namin, Miss LJ." Nakangiting sabi sa akin ng isa sa mga babaeng make-up artist.

Napakamot ako ng aking ulo. "Aayusan lang pala ninyo ako, hinatak hatak pa ninyo ako." Malumanay na reklamo ko. Hindi naman nila kasi ako kailangang hatakin eh. "Pero di ba last song na iyon?" Kunot noong tanong ko.

Nagkatinginan ang mga make-up artist. Hindi ko alam kung may inililihim sila o napapraning lang ako.

"M-May meet and greet din ata, Miss LJ." Ani Ate Ghie na kapapasok lang.

"Ah ok."

Sa loob ng kulang kulang 10 minutes, nabihisan at naayusan agad ako nila. No wonder na staff sila ng Lao Entertainment. They are one of the best.

"Wow! Ang ganda ko!" Nabibilib ako sa white dress na pinasuot nila sa akin.

"Bagay na bagay po sa inyo." Puri sa akin ng isa sa mga taga-ayos.

"Tara na po sa labas." Yaya pa nila sa akin.

Inalalayan pa ako ni Kuya Kit na umakyat ng stage. I was walking gracefully ng muntik na akong mapaupo sa panghihina ng tuhod.

"Ohmaygad!" Palatak ko while all lights were on me.

Napahawak pa ako sa aking bibig dahil sa pagkagulat. May lamesa kasi sa gitna ng stage. Nakatayo si Mayor doon at nakangiti sa akin. Habang si Von naman ay ang lapad ng ngiti na papalapit sa akin ng makita ako.

"Ano ito?" Nanginginig ang aking boses na bulong sa kanya habang palapit kami sa lamesa. Sht!

"What do you think?" Tanong niya sa akin na may pilyong ngisi.

Nakasuot si Von ng puting tuxedo. Hindi naman ako slow para hindi maintindihan kung ano ang mangyayari ngayon. Grabe! Ni sa hinagap, hindi ko naisip na mangyayari ito.. As in agad agad!

Inalalayan ako ni Von na tumayo sa harap noong lamesa. Nakaharap kami sa audience, habang si Mayor naman ay nakatalikod sa kanila. Unti unting nagliliparan ang mga paru paro sa sikmura ko. Para tuloy pinipilipit ng dahan dahan ang aking tiyan.

"We are all gathered here to witness the unity of Von Anthony Lee and Lianne Jaira Dimagiba...." Ani Mayor na hindi ko na masyadong napakinggan.

Kuda ng kuda si Mayor, pero tulad ng mga tao dito, pigil ang aking hininga sa pagkagulat. Halos hindi magproseso sa akin ang maayos ng mga nakakawindang na mga nangyari ngayong araw na ito.

Una, ang proposal ni Von sa harap ng libo libong taong naandito. Pangilang beses na niyang sinabi iyon. Nagpractice pa nga kami sa Ilocos, Hindi ba? Pero iyong kanina ang talagang hindi ko malilimutan.

Pangalawa, ang tungkol sa sample ring. Medyo matagal ko din isinuot ang singsing na iyon. At kanikanina ko lang nalaman na engagement ring na pala iyon? Bakit kasi hindi man lamang niya sinabi?

Ikatlo, hindi pa nga ako makarecover sa naguumapaw na kaligayahan na engage na kami ni Von, ngayon ay ikakasal na rin agad kami? As in agad agad? Grabe! Parang may taxing nagiintay sa kanya. It was only 10 minutes ago nang maengage kami. Ngayon, ikakasal na agad kami? Homaygad!

Forever with the Star (AWWTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon