A/N:
I would like to correct na hindi po ako galit, pikon lang. Ayoko lang ng kinukulit kasi nakakapanglambot. Ayokong nakakarinig ng 'ewan ko sa iyo author' or 'bahala ka nga author'. Kasi naapektuhan ako. I accept criticisms naman kasi aminado naman ako na hindi naman pagiging writer talaga ang propesyon ko. Nagsimula lang po akong magsulat years ago dahil sa sobrang broken hearted ko. Isa sa mga kapwa ninyo readers eh ex ko! Haha! Kaya kung hindi ko kayo mapasaya, sorry! Totoo iyan. Humihingi ako ng sorry.
Anyways, tama na ang kaechosan. Sana nalinawan na iyong iba tungkol sa POV ni Von. And @Athena_9, try ko kung tatagal pa ako ng Chapter 60 tulad ng sabi mo. Ayoko lang kasi nang nababadvibes ako. Bahala na si Batman! Bahala na kayong magcomment.
45 VOTES & 35 COMMENTS = UPDATE!
__________________________
FWTS 41
MALAS
Nang makabalik ako sa photo shoot ni Sir Will ay pinilit kong maging okay. Ayokong mapuna ulit ni Sir William ang trabaho ko. Baka ipatanggal pa ako ay mas mahihirapan ako. Malaki pa kasi ang utang kong pera sa mga Lao. Kaya kailangang-kailangan ko ang trabahong ito.
"LJ, paki sabi kay Mr. William na pinapatawag daw kayo ni Boss Lance sa office niya." Sabi sa akin ni Batman, personal assistant ng mga Roff.
Ngumiti ako. "Salamat ah. Ako na ang bahalang magsabi." Ipinagpatuloy ko ang pagtitiklop ng mga outfit na nagamit na ng amo ko sa photo shoot Last concept na ito at matatapos na.
Alas-otso na ng gabi. Nakitawag ako sa information. Baka kasi sunduin na ako ni James eh hindi pa naman ako tapos sa trabaho ko.
"Huwag mo na akong sunduin. Baka gabihin din kasi kami ng uwi." Sabi ko sa kabilang linya, kay James.
"Oh siya sige. Magingat ka paguwi. Magtaxi ka na lang, ha?" Bilin niya sa akin.
Ilang beses na ring sumagi sa isip ko na kung sana siya ang minahal ko, hindi magiging ganito kakumplikado ang buhay ko. Tutal ay siya rin naman ang matagal ko nang kababata. Bakit nga ba hindi na lang kami naging pormal na magkasintahan noon?
Noong una ay sobra-sobra ang saya ko. Para kasi kaming whirlwind romance ni Von. Imagine, sa loob ng isang linggo ay nagawa kong paibigin siya? Ako na dating fan lang ay nabihag ang puso niya?
Ngunit ganoon nga ata. Kung gaano kabilis ang mga pagmamahalan ay ganoon din kabilis na mawala ang pagiibigan ninyo. Sad bad true! Tama nga siguro ang matatanda. Kung gaano mo pinaghirapan ang isang bagay, mas mahirap itong basta-basta bitawan.
Hindi naman nahirapan sa akin si Von kaya siguro madali lang niya akong ipinagpalit kay Belle. Siguro ay hindi naman niya talaga ako minahal. Siguro ay natipuhan niya lang ako at nakasanayang umaaligid sa kanya kaya akala niya, mahal niya na ako.
"Pss.. Kung nakuha mo sa agaw, makukuha rin iyan sa iyo ng iba sa pamamagitan ng pag-agaw." Mahinang palatak ko.
"Ano iyon, LJ?" Tanong sa akin ni Sir Will.
"W-Wala po!" Napakamot ako ng ulo. Ang daldal ko kasi!
Natapos ang pictorial ni Sir Will. Dumiretso na kami dito sa opisina ni Sir Lance. Nasa long table kami. Katabi ko si Sir Will.
Nagtataka nga ako kanina kung bakit naandito din sina Ate Ghie, Kuya Kit, Kuya Tim at Ate Kat. Katabi nila ang limang myembro ng COLOURS. Kapag sinabing lima, malamang na naandito din sina Von at Belle. At iyon ang hindi ko matagalan. Kanina pa kasi silang dalawa bulungan ng bulungan. Hindi ko naman marinig. Halos nasa kabilang dulo kasi sila ng lamesa.
BINABASA MO ANG
Forever with the Star (AWWTS 2)
RomanceIsang sikat na artista (Von Lee) na nainlove sa isang pangkaraniwang fan (Lianne Jaira Dimagiba). Kung titingnang mabuti para silang langit at lupa. Animo'y north at south. Magawa kaya nilang labanan ang lahat ng mga pagsubok na dadating sa kanila...