A/N:
Si @veernx lang pala ang inaantay natin para makumpleto eh. Reminder ko sa inyo: ingatan ang pagpindot ng VOTE kapag mobile user ka. Icheck ninyong mabuti at baka hindi nag-MARK ang vote. Ingatan din po at baka dahil sa sobrang excited ay na-UNMARK na pala ng hindi sinasadya.
Paki check naman po ang FWTS 53 dahil baka nabawi ninyo ang boto ninyo ng hindi sinasadya. Maraming salamat po.
Please read TROY'S ACHILLES. Paki add na din po sa reading list ninyo.
Like our FACEBOOK PAGE - ANGELMELAY WATTPAD.
I-ready ang mga tissue.
<3 Ate AngelMelay
____________________________________
FWTS 54
SACRIFICE
Hindi ko na matandaan kung paano ako nakauwi ng mga oras na iyon. Basta natagpuan ko na ang ang sarili kong umiiyak kay James sa harap ng yunit ko. Hanggang sa makapasok at makaupo kami sa sala ay patuloy ang pagtulo ng mga luha ko.
"Nasasaktan ka lang eh. Ito ba talaga ang gusto mo?" Malumanay na sabi niya habang hinahaplos ang likod ko.
"H-Hindi ko na din alam, James. Ayokong makasakit ng iba. Ngunit parang hindi ko naman kaya na bitawan si Von." Umiiyak na sabi ko habang nakabaon ang mukha sa dibdib niya.
Inilayo ako ni James at pinunasan ang mga luha ko. "Gusto mo ba ay lumayo muna tayo? Habang hindi pa ayos ang lahat?"
Titig na titig ako sa dahil sa suhestiyon niya. "Saan tayo pupunta?"
"Sa malayo? Sa atin? Kahit saan mo gusto."
Iyon ang hiling ko, hindi ba?
"Pero paano ang mga utang natin, James? Paano ang mga trabaho natin?"
Ngumiti siya. Iyong ngiti na para bang kahit imposible ay parang pwede rin namang mangyari. Ngiting naghahatid ng pagasa.
"Magfile tayo ng leave." Parang napakasimple kung sabihin niya. "Saka na natin problemahin ang mga utang. Isa-isa lang muna. Ang unahin natin ay ang bakasyong ito para makapagisip-isip ka muna."
Kahit parang hindi ako kumbinsido ay parang gusto kong tanggapin ang suhestiyon niya. Hindi na kasi ako talaga masyadong makahinga ng ayos.
Nakapagpaalam na ako sa trabaho. Kahit hindi ko isama si James sa bakasyon ay nagpaalam pa rin siya sa kumpanya nila para masamahan ako. Pero agad nagdalawang isip ako ng marinig ko ang balita kay Syd ng aksidente kaming magkita.
Ilang araw ko nang hindi nakikita ang mga miyembro ng Colours. Mula ng magdesisyon kami ni James na lalayo muna, ay nagtatago muna ako sa bahay ng kasamahan niya na babae sa trabaho. Nakafile na din kasi ang leave ko. Para anytime na ayos na ang accomodation ay makaalis na kami agad.
Ikalawang araw ko nang tengga sa bahay ng kaibigan niya. Inaasikaso pa nga kasi namin ang matutuluyan sa Ilocos. Ayoko namang magantay sa condo ko habang inaayos niya ang lahat. Gusto ko kasing makahinga muna sa problema. Kung nasa condo ako ay maiistress lang ako kung masasalubong ko si Belle o si Von doon.
"Aalis na si Von sa pag-aartista." Kwento sa akin ni Syd sa labas ng travelling agency.
BINABASA MO ANG
Forever with the Star (AWWTS 2)
RomanceIsang sikat na artista (Von Lee) na nainlove sa isang pangkaraniwang fan (Lianne Jaira Dimagiba). Kung titingnang mabuti para silang langit at lupa. Animo'y north at south. Magawa kaya nilang labanan ang lahat ng mga pagsubok na dadating sa kanila...