FWTS 62

5.8K 151 79
                                    

A/N:

May ilan pa pong hindi pa nagfofollow. Kaya hindi po muna naka PRIVATE ang chapter na ito. FOLLOW na po kasi kayo. Kasi I'm telling you, hindi ninyo mababasa ang next TWO CHAPTERS. Parehas ko kasing ipa-private at for followers only.

Anyways, 70 VOTES & 60 COMMENTS po for the next chapter. Eto na po talaga next ang SPG CHAPTER. May teaser siya sa ANGELMELAY WATTPAD na FACEBOOK page. Please like the page. Mahaba ito para sa inyo. Enjoy!

____________________________

FWTS 62

A DAY WITH HIM

Namasyal kami ni Von sa Baluarte. Sobrang enjoy ko ang lugar na ito. Isa siyang mini zoo at malinis ang paligid. Pakiramdam ko ay bumabalik ako sa pagkabata kaninang nandoon kami.

Pagkatapos ay dumiretso na kami sa sinasabi ni Von na Paoay Church. Tama siya! Maganda nga simbahang ito. Itinatag daw ito noong 1896. And I must tell you, iba talaga ang pakiramdam dito. Para bang nasa panahon ka ng mga Kastila. Napaka historical nang dating. At syempre, ang turo sa akin ni Nanay ay hindi ko malilimutan.

"Baby, magdasal tayo. Tapos mag-wish tayo nang tatlo." Sabi ko sa kanya habang gumagala ang aking mga mata sa kabuuan ng simbahan.

"Magwi-wish?"

"Oo. Ganoon daw iyon kapag first time mo dito." Sagot ko sabay baling na sa kanya.

Pero grabe! Sana hindi ko na lang ginawa. Hindi ko alam kasi na nakatitig siya sa mukha ko. Mukhang kanina pa niya ako tinititigan. Awtomatikong nagiinit ang mga pisngi ko. Homaygad!

"B-Bakit?" Nabubulol tuloy na tanong ko. I can feel my heartbeat is starting to rise.

Ngumiti siya habang nakatitig pa din sa mukha ko. Naku! Baka oily face na ako. Nakakahiya!

"Ang ganda mo." Simpleng sagot niya pero halos pilipitin na sa kilig ang sikmura ko.

Ako ang hindi nakatagal at umiwas nang tingin. "Puro ka bola." Mahinang sabi ko.

Kinilabutan ako nang hawakan ni Von ang bewang ko palapit sa kanya. Napatingin tuloy ako sa paligid. Naku po naman kasi. Baka makita kami ni Father eh mapagalitan kami sa sobrang PDA naming dalawa.

"Lianne, look at me." Namamaos na sabi niya.

Napakagat labi ako sa kaba nang lingunin ko siya. Halos hindi ako makahinga ng ayos. Kailan ba ako masasanay sa atensyon niyang sobra-sobra para sa akin?

"I don't usually admire girls a lot. That's why, when I tell you that your beautiful, I mean it." Seryosong sabi niya habang iginagala ang paningin sa buo kong mukha. "And when I say, I love you, I really do!" Dagdag pa niya.

Napapikit ako nang unti-unting lumalapit ang mukha niya. Bahala nang mapagalitan ni Father. Hindi naman kami ang unang couple na makikita niyang maghahalikan sa harap niya. Bawat parehang ikinakasal ay walang pagaalinlangang nagki-kiss sa harap ng pari, hindi ba?

Napadilat ako nang maramdaman kong sa noo niya ako hinalikan. Medyo dismayado ako. Pero andoon pa din ang kilig sa malaking katotohanang nirerespeto niya ako. Pakiramdam ko kasi ay mahal na mahal niya ako at pinakaiingat-ingatan kapag hinahalikan niya ako sa noo.

"So, let's pray?" Aniya niya, nang walang kurapang nakatitig lang ako sa kanya.

Napatango ako at hinayaang hawakan niya ako sa kamay para lumuhod sa pinakamalapit na luhuran.

Forever with the Star (AWWTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon