FWTS 30

7.3K 103 32
                                    

FWTS 30

LOST MYSELF

Bakit ganoon? Ginawa ko lang naman ang iniisip kong tama? Hindi ko naman pwedeng unahin agad si Von. Kung tutuusin, dapat sana ay nag-effort siya na balikan ako sa probinsiya. Ganoon na ba kadali para sa kanya na bitawan ako? Akala ko ba, hindi siya aalis hangga't ako mismo ang nagpaalis sa kanya sa buhay ko?

So this is just a whirlwind romance, after all!

Lumuwas na lang kaming tuluyan ni James noon. Buong byahe ay iyak lang ako ng iyak sa bus. Hindi ko na pinansin ang mga kapwa namin pasahero ni James na panay ang tingin sa akin. Eh sa nasasaktan ako eh. Bakit ba? Pakialam ba nila?

Buong byahe ay tahimik lang na sinusuyo ako ni James. Hindi niya ako tinatanong ng kahit na ano. Pinabayaan lang niya akong umiyak ng umiyak sa balikat niya. Kapag medyo napapalakas ay saka lang siya umaangal na hinaan ko naman daw.

Pagkatapos ng tatlong araw ay lumipat na kami ng bahay nina James, Jerico at Cathy. May kaklase kasi si James na mukhang may gusto sa kanya ang nagalok sa aming tumira sa bahay nila. Itong bahay namang pinatirahan sa amin ay matagal na daw na hindi nagagamit.

"Wow! Iba na talaga ang gwapo! Pinapatira ng libre." Biro ni Cathy kay James.

Kasalukuyang nagaayos kami ng mga gamit namin. Kalilipat nga lang namin ng bahay. Lumipat kami para hindi masundan ng pamilya ni James. Ayoko na muna ng problema. Ang pagkakalayo nga namin ni Von ay sobra-sobra ng problema sa akin, dadagdagan ko pa ba?

Noong una ay ayaw kong sumama sa paglipat ng apartment. Iniisip ko kasing paano kapag dumating na si Von? Paano kung puntahan niya kami sa dating apartment? Paano niya malalaman kung saan kami lumipat?

Sobrang sakit para sa akin ng pagkakalayo namin ni Von. Lalo na at hindi man lamang kami nakapag-usap. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya. Hindi niya naman kasi ako naantay man lamang.

"Ganoon talaga!" Anya niya at nagpose pa ng parang sa Mr. Pogi sa tv. "Nakakatawa nga si Avah. Parang proud na proud pa siya na patirahin ako dito. Talagang ipinamamalita pa niya sa University na ang gwapong tulad ko ay pinatitira niya ng libre!" Dagdag pa niya.

"Hindi ba niya alam na mayaman ka, Kuya James?" Tanong ni Jerico.

Ngumisi si James sa kanya. Ako naman ay tahimik lang na nakikinig at napapatingin-tingin minsan sa kanila. Pero busy ako sa pag-aayos ng gamit ko.

"Hindi! Masaya din pala iyong ganoon? Nilalapitan ka dahil gwapo lang ako at syempre matalino!" Mayabang na sagot niya sabay halakhak.

Nagkatawanan sila sa kayabangan ni James. Alam naman namin na biro-biro lang ang pagyayabang ni James. Dahil walang baba ang loob pa sa isang James Villareal. Iba siyang klase ng mayaman. Sobrang matalungin at mababa ang loob. Ganyan lang siya dahil alam kong nakikipagbiruan lang siya kina Cathy at Jerico.

Tahimik na sana akong nagaayos ng gamit ng bigla akong mapahagulhol. Biglang nanglambot ang tuhod ko na napasalampak ako sa kama habang pababa sa sahig at umiiyak.

Forever with the Star (AWWTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon