FWTS 74

3.9K 153 85
                                    

A/N:

WARNING: SLIGHT SPG!

Ngayon pa lang magfollow na kayo. Ang EPILOGUE-VON'S POV ay nakaprivate. Kung may mga tanong pa kayo about kay Von na kailangan niyang iexplain, paki COMMENT. But please, not the SPG CHAPTER. May I remind you na PG-13 ito. LUSTFUL DESIRES ang basahin ninyo kung gusto ninyo ng SPG.

75 VOTES + 70 COMMENTS = UPDATE! Patapos na ito kaya pagbigyan na ninyo ako. Next time ko na iisa-isahin ang mga nagcomment. Masama kasi talaga pakiramdam ko. Sorry po!

_____________________________

FWTS 74

NEGATIVE

"Come here, Asawa ko." Malambing na tawag sa akin ni Von.

Naandito kami sa bagong bahay na pinagawa niya pala para sa akin. Dito kami dumiretso para maghoneymoon. Hindi ko nga alam kung bahay pa bang matatawag ito. Sobra kasi sa laki at ganda. Para sa akin ay mansyon na ito. Pati kasi ang bakuran sa labas ay ang ganda!

Naisip ko tuloy, paano kaya kung hindi natuloy ang kasal namin? Eh di sino sana ang ititira niya dito? Ngayon ko lang napagtanto na malinaw pa sa mineral water, na sigurado na si Von na ako ang makakasama niya sa buong buhay niya. Mababaw pero naiiyak ako! Shemay!

"Ahh.. ano.." Naiilang na sambit ko.

Hindi ako makahagilap ng tamang salitang isasagot ko. Kasi naman, gandang ganda ako sa jacuzzi na nilulubluban niya. Grabe talaga ang bahay na ito. Halos kumpleto. May napansin pa nga akong pool sa labas ng sumilip ako sa veranda. Kahit hindi kami lumabas ng bansa, okay na okay na sa akin na dito kami maghoneymoon.

Napakagat labi si Von habang nakalubog at nakadipa ang mga kamay sa gawa sa marmol na jacuzzi. Ang sexy! Kung sexy na siya sa paningin ko dati, tingin ko ay mas sexy pa siya ngayon. Wet look ba naman ang magulo niyang buhok. Sht naman!

Para bang nagugustuhan pa niya ang pagkatuliro ko. Samantalang ako dito ay nagha-hyperventilate na. Natitiyak kong kulay kamatis na ako.

"Asawa ko, halika na." Paos na tawag niyang muli.

Naman eh! Iyang Asawa ko na tawag niya sa akin ay nagpapakaba na ng dibdib ko. Lalo na kapag ganyan na husky ang boses niya. Parang tumatayo ang lahat ng balahibo ko.

"Eh kasi Hubby... Ano.. Ikaw na muna. Magsoshower na lang ako." Aniya ko sabay nguso sa shower area nitong kasing laki ng bahay namin sa probinsiya na banyo niya.

Parang musika sa pandinig ko nang humalakhak si Von. Ngunit kahit ganoon, nararamdaman ko na naman ang pamilyar na pagkahilo. Siguro ay dahil nga sa sobra niyang gwapo.

"Natatakot ka ba sa akin?" Hindi ata! "Asawa ko, dito na nga tayo maliligo eh. Bakit magsoshower ka pa?" Aniya niya na may pilyong ngiti sa mukha.

Grabe! Nauubusan na ako ng excuse. Eh bakit nga ba natatakot akong tumabi sa kanya doon sa jacuzzi? Ngayon pa ba na magasawa na kami?

"Ayy!" Napatili ako.

Sobra nga atang wala ako sa sarili kaya hindi ko namalayan na umahon na pala si Von. Saka ko lang napansin nang buhatin niya na ako paharap sa kanya. Automatic naman na naipalibot ko ang mga legs ko sa bewang niya. Iyong kamay ko ay nanguyapit sa batok niya sa takot kong malaglag.

Forever with the Star (AWWTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon