FWTS 32

6.9K 94 33
                                    

A/N:

Please add TROY'S ACHILLES to your reading list. Story po iyan ng panganay nina Lizzie at Whimper Becher. Nasa external link din po at paki click na lang --->>

Thanks!

__________________________

FWTS 32

BELLE

Simula ng makita ko iyon ay panay na ang research ko sa internet tungkol sa bagong dagdag na bokalistang babae ng COLOURS. Hindi kasi talaga ako pinatulog ng napanood kong interview sa kanila sa school canteen.

Belle Mercado, 18 years old, graduate of Conservatory of Music from UP Diliman. Daughter of Drake Mercado and Fiona Mayers. Half-Filipina and Half-American. Heiress of Mercado Estates.

Halos mapalunok ako ng mabasa ko ang tungkol kay Belle sa internet. Grabe! Mayaman at matalino tulad ni Von! Binabasa ko pa lang ay nanliliit na ako. Lalo na at nang lumabas ang kanyang mga pictures sa Google ay kapansin-pansin ang kanyang kagandahan.

Maputi si Belle at may katangkaran. Nakita ko na kasi na halos hanggang kilay siya ni Von. Samantalang ako ay hanggang ilong o bibig lang ata! At tulad ko ay matangos din ang kanyang ilong. Bilugan ang mga mata ni Belle at mahaba ang kanyang buhok na kulot ang dulo. Maliit din ang kanyang bewang at maganda ang hugis ng balakang. Bilog na bilog pa ang kanyang dibdib. Sexy siya! Pero hindi naman ako pahuhuli. Overall, sobrang ganda niya! Wow!

"Pss.. May pekas naman!" Bitter na puna ko sa isa niyang litrato. Marahil ay dahil nga kalahating Kana ito.

Patuloy ako sa pagbabasa sa mga articles tungkol sa kanya sa internet. Matagal na pala siyang singer. Halos katorse lang ata siya ng nag-voice lesson siya ayon sa balita.

"Ngek! Nagvoice lesson pa? Pilit na talent?" Nakataas ang aking kilay na reaksyon ko dito sa computer sa shop.

"Samantalang ako, maganda talaga boses ko! Hindi ko kailangan ang voice lesson na iyan.. Pss!" Palatak ko pa habang ngumunguso.

Nakalagay din doon na nagkaroon na siya ng isang nobyo. Naghiwalay daw dahil madaming nalilink sa kanya na mga actor sa Holywood.

Grabe! Halos tumulo ang laway ko ng makita ko kung gaano ka hunk ang sinasabing ex-boyfriend niyang actor! Sobra sa gwapo at green pa ang mga mata. Pero syempre, iba pa rin si Von ko! Para sa akin, bukod sa singkit niyang mata ay mas Pilipinong-Pilipino siya at iyon ang gusto ko.

Binuksan ko pa sa youtube ang first gig nila sa Thailand. Lihim akong nagdiwang kasi hindi nagbeblend ng ayos ang boses nila ni Von. Ibang-iba kesa noong aksidente kaming nagduet ni Von noong pakontes nila ng A Week With The Star.

"Maganda nga ang boses, pero pang solo! Akala ko ba, para may kaduet si Von?" Nakangusong puna ko ulit.

Bakit nga ba ang dami kong side comments? At bakit parang natutuwa ako na hindi siya ganoon kaperpekto? Ibig sabihin, may mga bagay pa din na kaya ko siyang malamangan. Ngunit bakit nga ba ako nakikipag-kompitensiya sa kanya?

Hindi naman sa bitter ako, pero hindi talaga sila bagay na magduet! Sana ay nagsolo artist na lang ang Belle na iyon.

Forever with the Star (AWWTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon