FWTS 61
MASOSOLO
"Hindi ba't ipinagbawal na iyan sa iyo nang doktor mo? Nakakasira daw ng boses mo dahil extra sensitive ka sa matatamis?" Singit niya sa amin habang nakatingin kay Von.
Nagulat ako. Hindi ko alam iyon ah? Ganoon ba iyon?
"Tss.." Pagsusungit ni Von kay Belle at nagpatuloy pang kumain.
Agad kong hinila iyong cup ng ice cream sa harapan ni Von para ilayo sa kanya. "Bawal pala sa iyo ito." Nahihiyang bawi ko noong inorder ko para sa kanya. Nahihiya ako dahil ako ang girlfriend, pero wala akong alam tungkol sa bagay na iyon.
Matalim na tiningnan niya si Belle. Pagkatapos ay ngumiti siya sa akin. "Ngayon lang naman. Okay lang yan." Hinigit niya pabalik iyong cup of ice cream.
Muli kong binawi. "Bawal nga daw, sabi ni Belle!" Paggigiit ko.
Ang mga kasalo namin tuloy sa lamesa ay tahimik na nanonood lang sa aming dalawa ni Von. Para silang nanunuod nang pingpong match. Paroon at parito kasi ang tasa ng ice cream.
Mapilit na binawi iyon ni Von muli mula sa aking tabi. "Paubos na rin naman. Let me finish this first. It's my first time to taste this."
Naningkit ang mata ko. "Ang kulit mo! Mamaya hindi ka makakanta!" At muli kong binawi iyong tasa nang natutunaw na ngayong ice cream.
"Baby, I like this. Okay? Pinili mo ito for me kaya kakainin ko ito." Seryosong sabi niya habang nakahawak sa tasa.
Nakahawak din ako. Wala sa aming dalawa ang gustong bitawan iyon. Eh sa bawal daw kasi sa kanya eh. Ang kulit din naman nitong kasintahan ko. Hays!
"Hindi ko naman kasi alam na bawal nga daw." Seryosong paliwanag ko pa rin sa kanya.
"Hindi mo kailangang kainin dahil lang sa pinili ko iyan para sa iyo." Naiiling na wika ko pa.
Talagang pinanindigan niya ang pinili ko at marahas niyang hinigit para bawiin iyong panghimagas mula sa akin. Hindi ako handa.
PLAKK!
Kaya paghila niya, tumalsik na ang kawawang tasa nang ube ice cream. Natapon iyon sa sahig. Awe! Masarap pa naman iyon!
"Ano ba kayong dalawa?" Medyo naiinis na puna sa amin ni James.
Sumenyas siya agad na linisin ang nabasag na tasa ng ice cream. Nagmamadali naman iyong sinunod ng waiter.
Anak ng kalabaw naman! Nakakakuha na kami ng atensyon ng mga tao dito. Nakakahiya!
"Von.. LJ.." Nagaalalang kuha ni Cathy ng pansin naming dalawa.
Hindi na namin siya nagawang pansinin ni Von. Napaawang lang ang mga labi ko habang titig na titig sa aking nobyo. Naging matalim kasi ang tingin niya sa akin.
"Tss.. Now it's gone." Nakasimangot na sabi ni Mr. Sungit.
Alam kong ako ang may kasalanan. Kung hindi ako nakipagagawan ay hindi sana iyon nabasag. Ang kulit din naman kasi ni Von.
BINABASA MO ANG
Forever with the Star (AWWTS 2)
RomanceIsang sikat na artista (Von Lee) na nainlove sa isang pangkaraniwang fan (Lianne Jaira Dimagiba). Kung titingnang mabuti para silang langit at lupa. Animo'y north at south. Magawa kaya nilang labanan ang lahat ng mga pagsubok na dadating sa kanila...