FWTS 46
DAY-OFF
Pinunasan ko ang mga luha ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid. May gusto akong makita. Makita ko lang kung nasaan ang isa sa kanila ay sapat na para lumisan ako sa lugar na ito. Pakiramdam ko ay kalabisan na ang aking presensiya.
Nang maglakad-lakad ako sa garden mansion ng mga Lao ay nakita kong umiiyak ang isa sa kambal. Iyong isa naman ay pinipigilan iyong poging binatilyo na umalis. I even heard the straight-haired twin saying, "Ano bang problema mo? Kilala mo ba ang kapatid ko?" May kataasan ang boses na tanong niya.
Hindi ko na nasundan ang pinaguusapan nila. Dahil paglinga ko sa kabilang direksiyon, para hanapin si Von, ay nakita kong nasa may harap sila ni Belle ng Lamborghini niya. Nakikita ko pang umiiyak si Belle at hinahampas si Von sa dibdib.
Anong problema nila?
Aalis na lang ako dito. Tutal ang pakiramdam ko ay kalabisan lang ako sa party na ito. Lalo na at nakakahiyang tumakbo ako paalis sa stage. Hindi ko tinapos ang kanta kahit na ang daming nanonod sa akin.
"Von, bakit hindi mo maiwasan si LJ??" Nababasag ang boses ni Belle dahil sa pagiyak.
Sht! Nabanggit ang pangalan ko? Nagbago tuloy ang isip kong umalis agad kapag nakita ko sila. Lalo na at narinig kong pinaguusapan ako. Ano bang kinalalaman ko sa away nilang dalawa?
Kahit nasasaktan ay mas ginusto kong makinig. Nagtago ako sa likod ng isang van na hindi kalayuan sa kanila. Gustong kong malaman kung anong problema sa akin ni Belle. Wala naman akong ginagawa sa kanya. Kung nagseselos siya sa akin, huwag niya akong sisihin. Iyong nobyo niya ang dikit ng dikit sa akin.
"Pumayag naman ako na hindi ko siya kakausapin, hindi ba? Ano bang problema, Belle?" Mahinahong tanong ni Von habang inaabot ang braso ni Belle pero hinahawi lang noong babae.
Fck! This is so heartbreaking! Hindi ako nasasaktan dahil naawa ako sa nangyayari sa kanila. Nasasaktan ako habang pinapanuod na pilit nagpapaliwanag si Von pero ayaw makinig ni Belle.
Napakagat labi ako at nagpipigil na mapaiyak. Imagine, pinagusapan nila ako ng wala akong kaalam-alam? Ang masakit pa, ako ang pinagaawayan nila? Kontrabida pala ako all along? Sa nangyayari, ako pa ngayon ang naging villain? Sht lang, di ba?
Pinunasan ni Belle ang mga luha niya gamit ang likod ng mga palad niya. Hindi ko maiwasang hindi ko maihalintulad ang sarili ko sa kanya. Ganyang-ganyan din ako kapag nasasaktan. Kung ano na lang ang aking maipunas para maibsan ang lahat.
"Hindi mo nga siya kinakausap, pero... pero..." At humagulhol na si Belle. Kada impit niyang iyak, pakiramdam ko ay tumatagos sa puso ko. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko. Parang ang sakit na kasi.
"Belle, tumahan ka na. Ayokong umiiyak ka ng ganyan. I'm sorry, okay?" Malambing na alo ni Von.
Napapikit ako ng mariin at napasandal sa sasakyang tinataguan ko. Dahan-dahan akong napaupo. Tinakipan ko ang bibig ko para hindi ako mag-ingay. Tahimik akong umiyak ng todo.
![](https://img.wattpad.com/cover/17625859-288-k57725.jpg)
BINABASA MO ANG
Forever with the Star (AWWTS 2)
RomanceIsang sikat na artista (Von Lee) na nainlove sa isang pangkaraniwang fan (Lianne Jaira Dimagiba). Kung titingnang mabuti para silang langit at lupa. Animo'y north at south. Magawa kaya nilang labanan ang lahat ng mga pagsubok na dadating sa kanila...