A/N:
Thank you po sa mga nagVOTE at nagCOMMENT. Lalo na po sa mga COMMENTS nina: @Marcus_C, @mjvelasc0, @shangyuanxi, @japaneseyeng, @eamnerak, @secnarfjane12, @AbegailPortades, @EjCyTan, @yanniesavedra, @maricarclim7, @haicee23, @VergieAndal, @JoyzeeClaire, @BeverlyMaeAvila, @CassandraOdetteAgtar, @RaRaDee, @ArmiVargas2, @AllieJaneSantos, @innocentANDREA, @yongann, @jhasmincute12, @oishiangela, @Onamona, @cheerz121725, @SheenaMarieMiranda, @jhennissa, @asdfgh_margs, @kathycake812, @charlynneaira, @Zeus_9, @glenma, @Athena_9, @Paul_Samboa, @princeszclarisse18, @lipglossy, and @MiriamGermanIgnacio.
60 COMMENTS + 65 VOTES = UPDATE!
SILENT READERS, PLEASE PARTICIPATE! PLEASE LANG PO!
_____________________________________
FWTS 69
ANG PAGBABALIK
Pupulutin ko sana nang biglang itulak ni Syd si Von. "What the fck, Dude?!" Halos umusok ang ilong na tanong niya.
Mamaya na ang pagdampot ng iPhone. Inuna ko muna ang dalawa. Tinulak din kasi ni Von si Syd. Sobrang lakas na napasandal iyong huli sa lamesa.
"Huwag kayong mag-away." Awat ko sa kanila.
Pumagitna na ako. Nanghihinayang ako sa celphone na nasisipa na sa sahig dahil sa kaguluhan nila. Sana lang huwag mabasag. Ang mahal kaya ng iPhone?!
"Ano ba mga tol?" Awat din sa kanila ni Pooch.
Hawak ni Jay si Syd sa braso. Pinipigilan niya siyang makalapit kay Von. Muntik na naman kasi siyang umatake kay Von.
"Gag0 ka ah? Regalo lang, galit ka na?!" Sigaw ni Syd sa aking nobyo. Nandidilat na ang kanyang mga mata. Ito ang unang beses na nakita ko siyang ganyan.
"Tangna mo!" Galit na galit na mura pabalik ni Von sa kanya. Pulang-pula na ang kanyang mukha. Para siyang time bomb na malapit ng sumabog.
Humawak si Belle sa braso ni Von para maawat ang nobyo ko. Kaya ang ginawa ko ay hinawi ko siya. Ako ang girlfriend no?!
Hinawakan ko na sa bewang si Von para hindi siya makalapit kina Syd. Delikado kapag naabot nila ang isa't-isa. Natitiyak kong magkakasakitan silang muli. Walang gustong magpatalo eh.
"Punyemas ka! Ano bang problema mo?!" Tanong ni Syd habang marahas na ang paghinga. Pilit siyang kumakawala kay Jay.
Ang hirap nilang awating dalawa. Itinutulak na nga sila ni Pooch sa kanilang mga dibdib. Nasa gitna siya at hindi niya binibigyan ng pagkakataon na magkalapit ang dalawa. Oh gad! Gulo na!
"My girlfriend doesn't need your expensive gifts, assh0le!" Sigaw pa ni Von.
"Von, calm down." Aniya ko sa kanya habang yakap pa din siya sa bewang. Halos manginig na ako sa takot at pagod. Ang bigat kasi niya at ang laking tao.
"Oo nga, Von. Regalo lang iyon." Pagpapakalma din sa kanya ni Belle.
Yayakap din sana siya sa kabilang side pero iwinaksi ko ang kamay. Sinamaan ko pa ng tingin. Lumaban naman siya ng masamang titig sa akin. Hindi siya kailangan ni Von dahil naandito naman ako. Pwede rin akong tulungan ni Pooch kung sakali kay Von. Bakit ba hindi siya doon kay Syd makiawat?
BINABASA MO ANG
Forever with the Star (AWWTS 2)
عاطفيةIsang sikat na artista (Von Lee) na nainlove sa isang pangkaraniwang fan (Lianne Jaira Dimagiba). Kung titingnang mabuti para silang langit at lupa. Animo'y north at south. Magawa kaya nilang labanan ang lahat ng mga pagsubok na dadating sa kanila...