FWTS 65

6.1K 159 70
                                    

A/N:

NALULUNGKOT AKO! I WANT TO READ MY READERS' REACTION TOWARDS THIS STORY. PERO SADYANG BINABALEWALA NG IBA. SANA NAMAN AY MAGPARAMDAM DIN KAYO!

65 VOTES & 60 COMMENTS = UPDATE! Please like my FACEBOOK page ANGELMELAY WATTPAD. And please read my other stories, THE STAR and LUSTFUL DESIRES.

____________________________

FWTS 65

PROPOSAL

"Lianne!" Untag sa akin ni Von. Para kasi akong nanigas na dito sa tabi niya.

Hindi kasi ako makasagot. Nagpropose na si Von sa akin. Ayos lang sa akin kahit na walang singsing, red wine, fine dining at violin. Ayos lang sa akin kahit na pagkatapos naming magniig ko ito narinig. Pero ang hindi ayos sa akin ay ang sinabi niya.

Marry me. I want you to be the mother of my children?

Bakit ganoon? Parang gusto niya lang akong pakasalan dahil sa gusto niya akong anakan? Parang ganoon kasi ang dating sa akin ng sinabi niya eh.

"Hey!" Muli ay kinuha niya ang atensyon ko. Hinawakan pa niya ang baba ko para pagtagpuin ang aming mga mata.

Kitang-kita ko ang ningning sa kanyang mga mata. Ganoon ba talaga kaespesyal sa lalaki na makakuha sila ng nanay na magdadala ng anak nila? Hindi ba pwedeng mahal niya ako kaya gusto niya akong pakasalan na lang muna?

"Lianne, will you marry me?"

Natulala ako. Parang sandaling nagliwaliw ang kaluluwa ko. Hindi makapaniwala na nagpupumilit siya na ako'y pakasalan para maging ina ng anak niya.

Hinawakan niya ang aking baba para magtama ang paningin naming dalawa. Kumurap-kurap ako para masiguro kung talaga bang totoo ang Von na nasa harap ko. Pero nang maramdaman ko ang kirot doon sa bandang ibaba ko, napagtanto kong totoo ito!

"Baby?" Untag niya sa akin.

Kitang kita ko sa mga mata ni Von ang kaba sa maaari kong isagot sa kanyang tanong. Naging malikot ang mga ito. Para bang naghahanap siya ng clue sa mukha ko kung papayag ba ako o hindi.

"Seryoso?" Tanong ko pa sa kanya. Hindi talaga ako makapaniwala.

Kumunot ang noo niya. "Do I look like I'm joking?" Pabalik na tanong niya sa akin.

Hinawakan ko ang pisngi niya. Hinaplos iyon. Noon ko nasiguro na totoo nga siya. Ang lambot at kinis kaya nang pisngi niya! Napapikit pa nga siya ng mariin at parang ninanamnam ang bawat haplos ko sa gwapo niyang mukha. Nang tumigil ako sa ginagawa ko ay unti unti na siyang nagmulat ng mata. Tumitig muli sa akin.

"Hindi."

Noon na umangat ang gilid ng kanyang mga labi. Kitang kita ko na masaya siya. "So what's your answer, Baby?" Aniya niya sa akin.

Desidido si Von na gawin kong ina ng anak niya. Alam kong mahal niya ako. Ramdam ko naman eh. Pero siguro mas pagsisikapan ko na lang na paibigin siya ng mas malalim kapag kasal na kami. Para hindi niya ako hiwalayan kung sakaling hindi ako magkaanak agad.

"Oo." Sa wakas ay nakuha kong sagutin ang tanong niya. Hindi niya naman siguro ako iiwan agad kapag hindi kami agad na nakabuo, hindi ba? Kaya pumayag na ako.

Forever with the Star (AWWTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon