FWTS 60

5.6K 140 64
                                    

A/N:

This chapter is dedicated to @arianeaviso. Nanalo ka ba? Sorry kasi madaling araw ako nagupload last chapter. Nalimutan ko ang promise ko sa iyo.

VOTE-COMMENT-SHARE.

_________________________________________

FWTS 60

TAGAL NANG PINAGSAMAHAN

Sunod na pinuntahan namin ay ang Lapaz Sand Dunes. Ang ganda dito. Parang pakiramdam ko ay nasa Dubai ako. Ang daming buhangin!

"LJ, tayo ang magkasama sa sasakyan ha?" Excited na sabi sa akin ni Cathy.

Ang sinasabi niyang sasakyan ay iyong mga naglalakihang 4x4 na pwedeng manehohin dito sa ibabaw ng mga buhangin. Pero dalawa lang ang pwedeng lumulan sa bawat sasakyan. Ang ganda talaga dito! Hindi ko akalain na may ganito palang lugar dito sa ating bansa. Pakiramdam ko ay nasa disyerto kami ng isa sa mga Middle East Countries.

Ang mga lalaki ang namimili ng 4x4 na aarkilahin namin. At dahil si Von ang nagyaya dito, siya ang bahalang magbayad sa renta ng mga sasakyan. Habang kaming mga babae ay nakatayo lang dito at inaantay sila, habang kausap nila iyong namamahala.

"Naku naman, Cathy! Paano natin magagawa iyon eh wala naman sa ating dalawa na marunong magdrive?" Kontra ko sa ideya niya kanina.

"Ako na lang kasi, Love ang kasama mo." Singit ng kapatid ko. Ikinawit niya pa ang kanyang braso sa bewang ni Cathy. Pulang-pula tuloy ang mukha ng huli.

Tumaas ang kilay ko sa itinawag niya kay Cathy. Love?? Samantalang dati ay Ate Cathy lang?

Hindi ko maimagine na ako ang nasa kalagayan ng kaibigan ko. Parang hindi katanggap-tanggap para sa akin kung mahuhulog ang puso ko sa isang lalaking dalawang taon ang tanda ko. Mas ideal pa rin sa akin kung ang boyfriend ko ay 4 years above ang age gap sa akin. Just like Von.

"Sakay na tayo, LJ!" Yaya sa akin ni James. Iniabot na sa kanya ni Kuyang Tagapamahala ang susi nang napili niyang arkilahin.

Bago pa ako nakasagot ay nauna nang magsalita sa akin si Belle. "Weh? Marunong kabang mag-drive?" Nakaismid na tanong ni Belle sa kanya habang nakatayo kasama namin ni Cathy.

Nilingon ni James si Belle. "Ano namang palagay mo sa akin?" Salubong ang kilay na tanong ng kaibigan ko.

"Paano ka natuto? Pumapasada ka ba ng jeep sa inyo dati?" Nakahalukipkip na tanong ni Belle kay James. May bahid nang pangiinsulto.

Nagkatinginan kami ni Cathy. Pagkatapos ay parang inensayo na sabay naming tiningnan si James. Gusto naming matawang tatlong magkakaibigan. Obviously, minamaliit ni Belle ang kababata ko. Palibhasa ay hindi niya alam kung gaano kayaman ang mga Villareal na ito sa lugar namin.

Nagbawi ng tingin si James sa amin ni Cathy para muling kausapin si Belle. "Bakit? Masama bang maging jeepney driver?" Pagsakay niya sa maling akala ni Belle.

"Hindi naman." Aniya ni Belle sa kanya sabay irap. "Marangal na trabaho rin naman. Saan ka bumabyahe dati?" Nakataas ang kilay na tanong pa din niya.

Sa himig pa lang ay mararamdaman mong may halong pagkasarkastiko si Belle. Para bang kahit pinupuri niya si James, ang dating ay minamaliit niya pa din ang mga driver ng jeeps.

Forever with the Star (AWWTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon