FWTS 23
MAHIRAP KAUSAP
Ang pinakaayaw ko sa isang tao ay iyong nanggigipit. Kaya lahat ng respeto ko sa mag-asawang Villareal ay nawala na ngayon. Imbes na masaya ang pamilya ko dahil sa nalampasan namin ang quota naming sako ng palay, which is 150 sacks/anihan, ay daig pa namin ang namatayan.
Ang isang pilapil ay inaasahang aani ng 10 sacks ng palay. At sa sampung iyon, dalawa doon ay para sa magsasakang nakatoka magalaga ng pilapil na iyon. Bali walong sako ang mapupunta sa may-ari ng bukid. Ang lahat ng lalampas sa sa walong sako ay paghahatian ng nagsaka at ng bantay ng buong bukid.
Nasa magsasaka na iyon kung ibebenta iyon sa rice mills o patutuyuin at ipapabigas. Kahit ano pang piliin nila, may benepisyong handog sa kanila.
Kaya ang mga kapitbahay namin ay nagsasaya at nagiinuman dahil sa laki rin ng kanilang mga kinita. Ang nakuha ni Tatay ay tatlumpung sako. Naka 200 na sako kasi ang naani sa buong bukid ngayon. Sampung sako doon ay ibibilad at ipabibigas. Ang bente ay ibebenta daw sa mga pakiskisan.
"Anak, sigurado ka bang magpapakasal ka?" Tanong sa akin ni Tatay ng matapos kami ng hapunan.
Dito kami naguusap sa may kwarto naming magkakapatid dahil nakakailang sa labas. May tatlong bodyguards ng mga Villareal doon ang nagbabantay sa amin. Pss... Akala mo naman ay mga preso kami na kailangan pa ng bantay! Sigurista talaga ang mga Villareal.
"Opo." Maikli at walang gana kong sagot.
"Pero hindi ba't si Von Lee ang mahal mo?" Kunot ang noo na tanong ni Tatay.
Hindi ko akalain na si Tatay pa ang magiging makulit sa usaping ito. Kapansin-pansin kasi sa kanya dahil sa pagkakalam ko, sunod-sunuran siya kina Don Juan at Donya Juana. Iyong tipong kapag sinabihan siyang tumalon ay tatalon siya.
"Importante pa ba iyon ngayon, 'Tay?" Malungkot na tanong ko.
Nawawalan na kasi ako ng pag-asa na makakatakas pa ako sa kasunduang ito. Lalo na at may bantay pa kami sa labas. Inis na inis ako kay James. Traydor siyang kaibigan. Akala ko ay talagang concern siya sa amin. Pero anong ginawa niya? Inihatid pa niya talaga si Von sa Maynila.
Kitang-kita ko ang guilt feeling ni Tatay sa kanyang mga mata. "Kung may magagawa lang ako, Anak." Napapabuntong hiningang wika pa niya.
Ngumiti ako ng tipid. "Wala na nga tayong magagawa, 'Tay. Huwag ka ng magisip. Naandito na ito eh." Anya ko pa.
Nauunawaan ko naman si Tatay. Tulad ko ay napapayag lang din siya. Ano nga ba ang laban ng mga dukhang tulad namin sa mga mayayaman na tulad nina Don at Donya Villareal?
Inihiga ni Tatay ang kalahati ng kanyang katawan sa papag naming magkakapatid. Inilagay niya ang kanyang kamay sa likod ng kanyang ulo at tumingin sa kisame. Tinabihan ko siya. Ganito kami noon ni Tatay noong bata pa ako. Malapit ako sa kanya. Kaya hindi ko masisisi na hindi niya agad matanggap si Von. Hindi niya pa kasi masyadong kilala ang nobyo ko. Mahal na mahal niya ako kaya hindi siya nagtiwala agad.
Ang mga kapatid ko ay tumutulong kay Nanay na maghugas ng pinagkainan. Marahil ay si Jerico ang taga-bomba ng poso.
"Anak, kung makakagaan ng kalooban mo, may aaminin ako sa iyo." Sabi ni Tatay pero hindi sa akin nakatingin.
Nagtaka ako sa pinupunto niya kaya nilingon ko siya. Kitang-kita ko ang pag-edad ng aking ama. Malaki na ang itinanda ng Tatay, pero hindi mapagkakailang gwapo pa rin siya. Kaya nga gwapo at magaganda rin kaming mga anak niya eh.
"Ano po?"
Tumikhim si Tatay. Para bang kumukuha pa siya ng lakas ng loob para sabihin ang sasabihin niya. Ano naman kaya iyon? Hindi kaya si Tatay si Superman? Tapos ay aaminin niya na mayroon siyang kapangyarihan at itatakas niya ako?
BINABASA MO ANG
Forever with the Star (AWWTS 2)
RomanceIsang sikat na artista (Von Lee) na nainlove sa isang pangkaraniwang fan (Lianne Jaira Dimagiba). Kung titingnang mabuti para silang langit at lupa. Animo'y north at south. Magawa kaya nilang labanan ang lahat ng mga pagsubok na dadating sa kanila...