A/N:
VOTE & COMMENT PLEASE? 20 COMMENTS & 25 VOTES = UPDATE!
_____________________________
FWTS 18
HINDI NA MAHAL
"Ah.. James, alam ba ng mga magulang mo na may kasama si LJ ngayon umuwi siya?" Malumanay na sali ni Nanay sa usapan.
Uminom muna ng tubig sa baso si James bago sumagot. "Hindi ko pa po sinasabi. Pero tiyak po na bukas pagpunta nila sa anihan ay malalaman na nila." Sagot niya kay Nanay at sumulyap sa akin. Binigyan niya ako ng isang malungkot na tingin na ikinailang ko.
Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko siya kayang salubungin. Bakas kong nagseselos siya na may ibang lalaking mas malapit na sa akin. Sa tingin ko ay selos ng isang kaibigan sa kanyang malapit na kaibigan. Alam kong hindi siya sanay na may kahati sa atensyon ko maliban sa pamilya ko. Pero anong magagawa ko kung si Von talaga ang isinisigaw ng puso ko?
"Ano kayang magiging reaksyon nina Donya Juana, Kuya James?" Singit ni Gina.
Agad namang sumagot ang kapatid na mukha pa ring iritado. Parang babaeng nagmemenopause eh!
"Eh di matutuwa iyon dahil may nobyo na si Ate." Anya niya.
Kahit na kasalukuyan kaming kumakain ay narinig ko ang pagbuntong hininga ni James. "Baka hindi ganoon ang maging reaksyon ni Mama, Jerico." Malungkot na sabi niya.
Bigla tuloy may kung anong malamig na nakakakilabot na humaplos sa puso ko. Kinabahan ako bigla. Hindi lingid sa akin ang biruan nina Tatay noon at ng magasawang Villareal na pagrereto sa aming mga anak nila.
Kinakabahan ako dahil bigla kong naisip na biro lang kaya iyon? Sana ay oo. Dahil sa tinagal-tagal naming magkaibigan ni James ay hindi naman siya nangligaw sa akin. Para siyang nakakatandang kapatid na palaging nakaalalay lang sa akin.
Ngayon ko lang aaminin na naging crush ko si James noon. Sino ba namang hindi? Sobrang bait niya kasi sa akin. Para siyang knight in shinning armor ko noon. Nawala nga lang iyong paghanga ko ng bihira na kaming magkita dahil parehas kaming naging abala sa pag-aaral. Idagdag pa na tuwing weekends lang ako nauwi at hindi ko maintindihan kung bakit hindi kami nagkikita.
Nang magkita naman kami ulit noong lumuwas sila ay okupado na ng pagmamahal ko kay Von ang puso ko. Wala na ang paghanga ko kay James. Maaring humahanga pa rin ako. Pero wala na iyong mga nakakakiliting paru-paro sa sikmura ko. Nagpalit na ata sila ng amo. Kay Von na kasi sila ngayon nagkakagulo.
"Ano bang magiging reaksyon ng magulang mo sa tingin mo, James?" Seryosong singit ni Von. Titig na titig siya kay James at hindi maikakaila ang pamumula ng kanyang pisngi.
Napalunok ako. Bakit namumula si Von? Posible kayang nagagwapuhan din siya kay James? Nakupo! Nababakla na ba ang nobyo ko? Wala naman akong alam na balitang may pagkabakla siya.
Walang umimik sa kanila. Parehas silang tumigil sa pagkain at magkatitig lang na parehas namumula.
"Von, crush mo ba si James?" Nangingiwing bulong ko.
"What??" Nanglaki ang mga mata sa akin ni Von. Nagalit ata dahil nabuking ko siya. Kinakabahan tuloy ako. Mamaya ay kakausapin ko si James na layuan si Von. Baka matuluyan eh! Hindi pwede dahil akin lang ang kasintahan kong si Von!
Halakhak ni James ang lalong nakapagpakunot ng noo ko. Anong nakakatawa? May joke ba sa tanong ko?
Natapos kaming kumain. Nagtulong sina Angela at Kyle na maghugas ng mga pinggan. Si Nanay at Tatay ay nakita kong naglinis na ng katawan. Kami na lamang nina Von, Jerico, James at Gina ang nanatiling gising. Mukhang matutulog na sina Tatay at ang dalawa kong nakakabatang kapatid. Ganito naman talaga sa probinsiya. Maagang magsitulog ang mga tao. Kasi maaga din silang magsigising.
BINABASA MO ANG
Forever with the Star (AWWTS 2)
RomansaIsang sikat na artista (Von Lee) na nainlove sa isang pangkaraniwang fan (Lianne Jaira Dimagiba). Kung titingnang mabuti para silang langit at lupa. Animo'y north at south. Magawa kaya nilang labanan ang lahat ng mga pagsubok na dadating sa kanila...