FWTS 11

8.8K 102 18
                                    

FWTS 11

PAKIKIALAM

Maaga akong gumising dahil kailangan ko ngang maglaba. Lalo na at may usapan kami ni Von na uuwi kami sa amin sa Laguna mamayang hapon. Plano na rin naman ito, pero mas napaaga lang naman. Wala na kaming magagawa dahil pinapapunta daw siya ng aking magulang.

"Ate, sasama pa ba ako?" Tanong ni Jerico sa akin.

Naandito ako sa may likod bahay at nagkukusot ng damit naming magkapatid. Gumising ako ng alas-sais kanina para lang maihabol ito sa init. Dadalhin ko kasi ang iba sa amin. Iuuwi ko na muna iyong mga damit kong masyadong luma na. Lalo na ngayon na nobya na ako ng isang sikat, kailangan hindi ako makitang pagalagala na mukhang basahan.

"Ikaw. Kung gusto mo ba eh." Sagot ko sa kanya.

"Sasama na lang siguro ako, Ate. Kasi sa isang lunes ay pasukan na. Apat na araw na lang, busy na naman tayo." Palatak niya habang pinupuno ang planggana ng tubig na pangbanlaw ko.

Ganyan kaming magkapatid maglaba. Lagi kaming magkatulong. Kahit sa amin sa Laguna, kaming dalawa ang tagalaba kapag naroon kami. Hinahayaan naming magpahinga si Nanay sa paglalaba kapag nauwi kaming dalawa. Matanda na rin kasi ang aming ina.

"Dito na ba talaga mag-aaral si James?" Naisip kong itanong sa kanya habang nagsasabon ng mga damit.

Inis ako sa kababata ko kagabi kaya hindi ko siya kinausap. Hindi ko tuloy natanong ang tungkol dito. Hindi pa nga ako nakakabawi sa ginawa niyang pangiinis sa nobyo ko sa school kahapon, nainis na naman ako sa balitang sinalubong niya sa amin ni Von.

Naiinis ako sa kanya lalo dahil tiyak ko naman na siya ang may kagagawan kung bakit nalaman sa probinsiya na magnobyo kami ni Von. Wala naman kaming telebisyon, internet at bihira ding umabot doon sa lugar namin ang magtitinda ng diyaryo para mabalitaan nina Tatay ito. Kaya natitiyak kong siya ang nagsabi sa mga magulang ko. Siya lang ang may celphone dito sa apartment namin. Ka lalaking tao, chismoso! Pss..

"Oo, Ate. Gusto ka daw niyang mabantayan sa pag-aaral mo." Anya ng kapatid ko at nginitian ako ng nakakaloko. Ngiting parang nanunukso.

Tulad nga ng alam ng lahat, iba ang namagitan sa amin ni James sa probinsiya. We were more than friends, but less than lovers. Idagdag pa na ang mga nakakakilala sa amin ay talagang inaasahan na kami rin ang magkakatuluyan sa hinaharap..... Not until Von came into the picture.

Nagtaas ako ng kilay ko. "Eh di sana, naging bodyguard ko na lang siya o yaya. Pss.." Naiinis na sabi ko.

"Pwede rin. Gusto mo ba?" Biglang nagsalita si James sa may likuran ko. Hindi ko napansin na naandiyan na pala siya kasi nakatalikod ako sa pinto.

Tinaasan ko siya ng kilay. Nagbanlaw ako ng kamay at pumasok muna sa bahay. Magkakape na lang muna ako dahil hindi pa ako nag-aagahan.

"Nagluto ako ng tapsilog. Kumain ka na bago mo ituloy ang inyong paglalaba." Suhestiyon niya sa akin.

Hindi ko siya pinansin kahit na sumunod siya sa akin dito sa loob. Kumuha ako ng mainit na tubig at tamad na naupo sa harap ng hapag kainan. Nagkanaw ako ng kape. Matalim ko siyang tiningnan ng tumabi siya sa akin at naglapag ng plato sa harapan ko.

Hindi niya pinansin ang pagsusungit ko. Ngumiti lang siya sa akin. "Dito na ako mag-aaral. Pumayag na si Mama." Balita niya sa akin.

Pinakita ko na hindi ako kunyari interesado sa kinukwento niya. Gusto kong iparamdam na naiinis ako sa mga pinaggagawa niya simula ng dumating siya. Tama si Cathy eh. Para siyang Tatay na laging nakasunod at nakabantay sa akin simula noong dumating sila ni Jerico dito noong isang araw.

Forever with the Star (AWWTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon