FWTS 27

7.1K 91 23
                                    

FWTS 27

KUBO

Inikot ko ang paligid ng labas ng bahay namin para hanapin kung saan naman nanggaling ang ibinatong papel na iyon. Pero bigo akong walang nakita na kahit na sino.

Kinuha ko ung walis tingting at kinutkot iyong papel nga na nakabilot. Ayokong hawakan dahil baka hindi kanais-nais ang laman. Medyo inihanda ko pa iyong ilong ko na baka may kakaiba akong maamoy. Nakahinga ako ng maluwag na bato lang naman pala talaga ang nasa loob.

"Ano ito?" Pinulot at binulatlat ko na ang nilamukos na papel.

See me. Kubo 5pm.

Iyon lang ang nakasulat. Pero kahit walang nakalagay kung kanino galing ay nasisiguro ko na kung kanino. Mula pagkabata ay magkaklase na kami. Kilalang-kilala ko na ang penmanship ni James. Definitely ay si James ang nagpadala ng papel na ito.

Pero bakit hindi niya na lang sinabi sa akin? Bakit kailangang may pabato-bato pa?

Naguguluhan man ako sa mga pangyayari ay isa lang ang naiisip ko. Pupunta ako mamaya sa kubo sa bukid. Makikipagkita ako kay James! Gusto kong masiguro kung ligtas siya. At kung ayos man siya, yayain ko na siyang bumalik ng Manila. Opening na kasi ng klase at baka mahuli pa siya. Samantalang ako, magpapahatid lang ako sa kanya sa bahay ng mga Lee sa Binan, Laguna.

Nang matapos akong magluto ay kumain na rin ako ng tanghalian. Hindi ko na inintay pa sina Tatay at Nanay dahil baka abala pa sila sa trabaho kaya wala pa. Nilabahan ko na muna ang mga damit ko. Baka kasi makakaluwas na ako bukas at kailangan kong dalhin ang mga damit ko.

"Von, antayin mo ako." Pagkausap ko sa hangin.

Hindi pwedeng hindi ko maisip si Von ngayon. Nagaalala ako dahil hindi ako nakasipot sa usapan namin kahapon. Baka ngayon ay tulad ko din siyang nagaalala na sa akin. Piping dalangin ko na sana ay puntahan na lamang niya ako dito. Wala kasi talaga akong paraan para makausap siya.

Kung makasarili lang ako, uunahin ko si Von. Pupuntahan ko na agad siya. Dahil natitiyak kong tulad ko, nag-aalala na rin siya at hindi kami magkasama. Baka nga kung anong iniisip noon at hindi ako nakarating sa usapan.

Pero ano nga ba ang mas importante sa ngayon? Ang taong pinakamamahal ko o ang kaibigan ko? Syempre, dapat ang piliin ko ay ang taong mahal ko. Pero paano naman kung ang kaibigan ko ay nagkaroon ng matinding problema ng dahil sa amin ng taong mahal ko?

"Ahh! Bakit ba biglang naging kumplekado ang buhay ko?"

Siguro naman ay mauunawaan ako ni Von. Mahihintay niya naman ako sigurado. Saka dalawang araw pa naman bago siya lumabas ng bansa, hindi ba? Kapag nakausap ko si James mamaya at malaman kong ayos naman siya, pwede na siguro akong pumunta kay Von.

Masyadong maaga pa naman para pumunta ng bukid. Ala-una y media pa lamang ng tanghali. Naalala kong may pinadala nga pala si Cathy na pera para sa pamilya niya. Sa sobrang pagiisip ko ng problema ko ay nalimutan ko na.

Naligo at nagbihis na akong muli. Pupuntahan ko muna ang pamilya ni Cathy. Limang bahay lang naman ang agwat ng amin sa kanila. Kaya dadalhin ko na iyong pera bago pa man ako umalis ng lugar namin.

Forever with the Star (AWWTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon