FWTS 6

10K 124 8
                                    

A/N:

Happy 5 million followers to me! Charot! Salamat po sa 3,600+ FOLLOWERS ko! Salamat at nagpabola kayo sa akin. Hehe!

Ngayon pong tapos na ang THE MARRIAGE, makakapag-update na ako ng every other day. Iyon ay kung magbo-VOTE & COMMENT agad kayo. Gusto ninyo itong kwento ko, hindi ba? Oh eh di VOTE & COMMENT na.

I love you, Readers! Mwuahhh!

_____________________________________

FWTS 6

ENROLLMENT 


Nakakapraning pala ang ganito na may boyfriend kang star. Pakiramdam mo ay pinagtitinginan ka ng lahat. Kasi naman, bakit sumama pa kasi si Von sa akin eh? Kinakabahan tuloy ako na pagkaguluhan siya.

"Von, sandali." Hinila ko si Von papunta sa likod ko nang makarating na kami sa building ng College of Management. 

Para kaming preso nito! Nagtago ako sa likod ng poste at inayos ang jacket ko at shades. Pagkatapos ay hinarap ko si Von at inayos ko din siya. Mahirap na dahil baka makilala.

Habang ginagawa ko iyon ay noon ko lang napansin na titig na titig pala siya sa akin. Napalunok ako ng mapatingin siya sa mga labi ko at napakagat labi. Sht! Ang sexy ng dating niya sa akin!

Wala na akong nagawa kundi magpaubaya na lang. Hinalikan niya kasii ako ng mabilis sa labi kaya naginit ang mukha ko. Loko talaga!

"Tara na!" Yaya niya sa akin sabay hila palabas sa pinagkukublian namin matapos akong gawaran ng halik.

Hinila ko siya pabalik. "Sandali lang!" 

Sinilip ko muna ang mga estudyante kung anong mga ginagawa. May mga nasa benches at nagkukuwentuhan. May ilan na nagbibidahan o nagyayabangan. May mga lalaki sa kabilang tabi na nagpupustahan kung sino ang mananalo sa NBA Finals. At syempre, may mga papunta sa Office of the Registrar para mag-enrol.

"Lianne, naiinip na ako." Reklamo ni Von habang nakikigaya sa pagsilip ko. Nakahawak siya sa balikat ko at nakadungaw din sa likod ng poste.

Nang biglang..

"Woi!"

"Ay kalabaw!" Gulat na gulat na tili ko.

Napahawak pa ako sa dibdib sa sobrang gulat. Loka-loka talaga itong si Cathy! Kung pwede lang mamili ng bestfriend ay ginawa ko na. Nakakainis na kasi siya. Pero mahal ko pa rin iyan.

"Bakit ba kayo nagtatago diyan?" Ang lakas ng pagkakasabi niya. Kaya tinakpan ko ng kamay ko ang maingay na bunganga ni Cathy. 

"Shut up!" Inis na saway ko.

Hindi ba niya napansin na may mga napatingin sa amin ng tumili ako? Hindi ko alam kung mahal din ba ako nitong bestfriend kong ito eh. Kanina lang nilalaglag niya ako kay Von. Ngayon naman, papatayin niya ata ako sa nerbyos dahil sa takot.

Pilit na tinanggal ni Cathy ang kamay ko sa bibig niya. "Bakit ka nga kasi nagtatago diyan?" Nakataas ang kilay na tanong niya sa akin.

"Kasi nakasuot siya ng sinelas pangbahay na may malaking mukha ko." Singit ni Von na natatawa.

Hinampas ko si Von sa balikat. "Hindi naman iyon eh. Kinakabahan lang ako baka makakuha tayo ng atensyon. Ayokong pagkaguluhan ka dito." Paliwanag ko sa kanya habang nakanguso.

Naiiling lang si Von. Habang si Bez ay huling-huli ko na tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Napangiwi pa siya ng tumitig sa mga paa ko. Naiilang na itinago ko tuloy ang isa sa likod ng isa.

Forever with the Star (AWWTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon