FWTS 45

6.6K 130 68
                                    

A/N:

Hindi lang ninyo alam kung gaano ako kasaya ngayon dahil pinagbibigyan ninyo ang mga request ko. I get to hear the insights of my other readers. Maraming salamat sa inyo!

60 VOTES & 45 COMMENTS = UPDATE!

__________________________

FWTS 45

DEBUT


Kanina pa ako naalibadbaran sa sweetness nitong si Belle kay Von. Iyong totoo, naandito ba siya para sa debut o gusto lang niya ng date with Von na libre na ang pagkain?

"Mahal mo pa rin si Von, ano?" Bulong sa akin ni Syd. "Kanina pa masama ang tingin mo sa kanya eh!" Seryosong puna niya.

Naku naman! May nakahalata na! Lagot!

Eh kasi naman, imbes na makinig sa program ay kanina pa bulong ng bulong si Belle kay Von. Parang ang ganda pa ng pinaguusapan nila dahil parehas silang nangingiti. Bakit ba naman kasi sa harap ko pa sila umupo? Bad trip!

"Ganoon ba ako kahalata?" Napapangiwi na tanong ko sa kanya. Aamin na ako kay Syd. Hindi ko na rin kasi kayang kimkimin ang nararamdaman kong ito eh.

Tumango siya at ngumiti ng mapakla. "Oo eh."

"Sige na, Baby." Narinig kong medyo napalakas na sabi ni Belle kaya napatingin ako sa kanya. Para pa siyang nananalangin kay Von na pumayag ito sa kung anumang pinapakiusap niya. Magkahawak ang kanyang mga kamay sa bandang dibdib niya.

Parang kinurot ang puso ko ng makitang ngumiti si Von at kinurot ang ilong niya. Ganyan din siya dati sa akin eh. At alam kong kikiligin si Belle sa ginawa niyang iyan. It worked for me. So I guess, it will also worked for Belle.

"Ang kulit mo." Natatawang sabi ni Von. "Sige na nga." Dagdag pa niya.

Ano kaya iyong pinaguusapan ng dalawa? Josko! Baka pagpapakasal na iyon ah? Nakaka bad vibes talaga ang dalawang ito. Sobra nila akong pinagseselos!

I need fresh air. Masakit na kasi ang dibdib ko talaga sa tanawing nakikita ko. Hindi ko na nga maintindihan ang program dahil sa kakapanood sa dalawang ito.

"Syd, excuse lang ah. Tawagin mo na lang ako kapag kakanta na kayo." Paalam ko kay Syd. Sumama na ata ang pakiramdam ko. Pss..

Biglang tumayo si Syd at inalalayan akong tumayo din. Napatingin tuloy ang mga kasama naming abala sa panonood ng program ng debut.

"Pahangin lang kami." Paalam ni Syd at inalalayan na akong umalis doon.

Hindi ko na kayang magpaalam pa sa kanila. Sapat sa siguro iyong paalam ni Syd. Para kasing drain na drain ako physically and emotionally.

"Huwag kayong masyadong matagal ha?" Bilin pa ni Belle.

Hindi ko alam kung talagang worried siya na magtagal kami. Kasi hindi na niya inantay na sumagot si Syd o ako. Ibinalik na lang niya agad ang pagkukwento ng kung ano kay Von. Si Von naman ay tamad na nakapatong ang braso sa sandalan niya at tumatango sa mga sinasabi niya. Kaya naman, nauna na akong humakbang kay Syd muli ng makita kong nakatingin si Von sa akin.

"LJ, alam kong palagi kitang binubuska. Feeling mo ay hindi ako matinong kausap. Pero nakikiusap ako, kahit ngayon lang, magkuwento ka kung ano ang bumabagabag sa iyo. Halatang-halata na nahihirapan ka na eh." Seryosong sabi ni Syd ng makarating kami sa tabi ng fish pond ng mga Lao.

Tinitigan kong mabuti si Syd. Should I tell him? Gaano na nga ba kami kaclose? Makakaya ba niyang hindi ibahagi sa mga kasama niya ang sasabihin ko sa kanya kung sakali?

Forever with the Star (AWWTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon